CHAPTER 22 (New Powers, New Ability)

780 48 0
                                    

*Crescenta Bloody Moon POV*

F L A S H B A C K

Naiinis na ako sa mga puppets na ito, paano ba ito mamamatay? Halos lahat na ng sandata at kapangyarihan ko ay ginamit ko na pero wala pa ding nangyari.

"Kung gamitin ko kaya ang lahat ng special powers ko sa isang tira" sambit ko sa aking sarili kaya nagdesisyon akong gawin ang aking nasa isip.

Ipinikit ko ang aking mga mata at sinubukang ilabas ang aking apat na kapangyarihan ngunit hindi ko maramdaman at ilang sandali ay iminuklat ko ang aking mga mata ngunit nasa madilim akong paligid.

"Nasaan ako? Nariyan ba kayo mga bathala?" tanong ko.

Ngunit hindi ang mga bathala ang nagpakita sa akin kundi apat na Crescenta na may iba't ibang kulay ng mga mata at buhok.

"Sino kayo? Bakit ginagaya niyo ang itsura ko?" tanong ko sa apat.

"Kami ay ikaw at ikaw ay kami, iisa lamang tayo Crescenta" sambit ng Crescenta na may kulay orange na buhok at mata.

"Kami ay naririto para tulungan kang gamitin ang iyong apat na kapangyarihan" sambit naman ng isang Crescenta na may kulay asul na buhok at mata.

"Hindi kaya ng isang bampira gumamit ng apat na special powers, isa o dalawang special powers lamang ang iyong maaaring gamitin ng sabay Crescenta sa pag-atake" sambit naman ng isa pang Crescenta na may kulay berdeng mata at buhok.

"Lahat ng bampirang may dugong bughaw ay biniyayaan lamang ng isang special powers at ikaw lamang biniyayaan ng mga bathala ng apat na kapangyarihan" sambit ng kulay hazelnut na buhok at mata na Crescenta.

"Kung ganun, paano niyo ako matutulungan?" tanong ko sa kanilang apat.

"Lalabas kami sa iyong katawan para gamitin ang iyong mga kapangyarihan" sambit ni Crescenta O., short cut sa Crescenta na may kulay orange na buhok at mata.

"Paano ko naman iyon gagawin?" tanong ko ulit sa kanila.

"Ipikit mo lamang ang iyong mga mata Crescenta at tawagin kami gamit ang iyong isipan" sambit ni Crescenta H. short cut for Crescenta na may kulay hazelnut na buhok at mata, samantala sa dalawang Crescenta ay sina Crescenta G. at Crescenta B. short cut for green and blue Crescenta.

Ginawa ko naman ang sinabi sa akin ni Crescenta H. at sinabing...

"Kailangan ko kayo" sambit ko sa aking isipan.

Ilang sandali ay iminuklat ko ang aking mga mata at nakabalik na ako sa likod bahay ni tita Lucia at napansin ko din ang apat na Crescenta sa aking tabi.

Pagkatingin ko sa aking kamay ay nagulat ako ng may puting ball magic sa aking mga palad.

"Ano to?" tanong ko sa aking sarili ngunit binaliwala ko na lamang iyon at sabay sabay naming inihagas ang mga ball magic na nasa aming mga palad.

E N D O F T H E F L A S H B A C K

"Kung walang bathala ang nagbigay sa iyo ng puting kapangyarihan, paanong nagkaroon ka nito?" tanong sa akin ni ginoong Valmer.

"Hindi ko rin alam ginoong Valmer" sambit ko dito.

"Alam mo ba Crescenta na naka tuklas ka ng bagong abilidad at bagong kapangyarihan" nakangiting sambit sa akin ni ginoong Valmer.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon