EPILOGUE

968 42 0
                                    

*Third Person POV*

Makalipas ang tatlong taon ay naging maayos na ang Vampire Academy at lalo na ang Immortal World. Wala na ding mga hades vampires sa Immortal World pagkatapos mamatay ang hari ng mga hades, si haring Vladamir. Nawala na din ang Tenebris City at ito ay lumubog sa lupa sabay ng pagkawala ni haring Vladamir.

Ang mga hari at reyna naman ay bumalik na sa kanya kanya nilang kaharian at ginigawa ang lahat para sa kanilang nasasakupan. Sa nakalipas na tatlong taon naging maginhawa at masaya ang limang kaharian sa Immortal World.

Si ginoong Valmer at si madam Otelia ay ganap ng magkasintahan at silang dalawa ang headmaster ng bagong paaralan, ang Immortal Academy na kung saan dito pwedeng mag-aral ang lahat na nilalang sa Immortal World.

Samantala ang royal vampires naman, kasama si Crescenta ay graduate na sa Vampire Academy, at sila ay may kanya kanya ng kasintahan. Si Drake at si Lilith ay magkasintahan na, si Amber naman ay nakatuluyan si Kieran, ng malaman kasi ni Kieran na si Crescenta at si Alucard ay magkasintahan na ibinaling niya sa ibang bampira ang kaniyang pagkagusto kay Crescenta at doon niya napansin si Amber na noon pa man ay may gusto na ito sa kanya. Si Percy naman ay nililigawan ngayon si Jezebel, at si Crescenta at si Alucard naman ay kasal na at sa ngayon ay buntis na si Crescenta.

Tuwang tuwa ang mga magulang ni Crescenta at Alucard ng malaman nila na magkakaroon na sila ng apo. Kaya mas iningatan nila si Crescenta para sa kaligtasan ng kanilang anak at ng kanilang apo, at sa itinakdang panganganak ni Crescenta ay ipapasa na ng mag-asawa, na si haring Cassius at reyna Celeste ang pamumuno nila sa Lux City kay Crescenta at kay Alucard, at ganun din ang gagawin ng ibang hari at reyna sa kanilang mga anak, kailangan muna nilang magkaroon ng anak bago sila maging hari at reyna ng kanilang kaharian.

______________________________________________

*Someone POV*

Nagising ako dahil sa aking panaginip hindi ko maintindihan ang kaniyang gustong sabihin, gusto niyang ipaghiganti ko siya pero sino siya?, hindi ko rin nakita ang kaniyang mukha dahil sa suot nitong kapa na may sombrero na natatakpan ang kaniyang mukha pero alam kong lalaki ito.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya kinuha ko ang baso na may lamang tubig sa aking mesa malapit sa aking kama at doon ko napansin ang itim na libro at sa pagkaka alam ko wala ito dito sa aking mesa bago ako matulog.

Kinuha ko ito at tinitigan, at ilang sandali lamang ay umilaw ito at may pumasok sa aking isipan na isang pangyayari.

_______________________________________________

*Third Person POV*

Ang akala ng mga haven vampires lalong lalo na si Crescenta at ginoong Valmer ay sira na ang itim na libro pero hindi nila alam na prinotektahan at kinuha ito ni Dymon bago paman ito sinira ni Crescenta gamit ang kapangyarihan nito.

-WAKAS-

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon