*Crescenta Bloody Moon POV*
"Naalala mo noong unang pasok mo dito sa Vampire Academy noong nagkaroon kayo ng entrance exam?" tumango naman ako sa kaniyang sinabi at nagpatuloy naman ito sa pagsasalita.
"Napabilib mo ako noong araw na iyon at tinatanong ko ang aking sarili kung sino ka, at pilit kong sinasabi sa aking isipan na huwag kang pansinin sapagkat isa ka lamang simpleng bampira" sambit ulit ni Alucard. (CHAPTER 2)
"Naalala mo noong unang araw mo sa pagpasok sa Vampire Academy, noong araw na ang lahat ng mag-aaral sa Vampire Academy ay nasa gymnasium para i-welcome kayo, alam kong alam mo na nasa stage ako noon at hindi ko mapigilang hanapin ka sa buong gymnasium at ng makita kita noon ay napangiti ako sa aking isipan" saad ni Alucard. (CHAPTER 3)
"Napatunayan ko na mayroon talaga akong gusto sa iyo noong naglaban tayo sa training room, hindi ko aakalaing matatalo mo ako lalo pa't baguhan ka lamang, gusto ko noon na basahin ang nasa isip mo baka kasi may paghanga ka din sa akin pero laking gulat ko na hindi ko mapasok ang iyong isipan" nakangiting sambit nito. (CHAPTER 5)
"Simula noon ay gusto na kitang palagi makita, pero dumating yung araw na binigyan kami ni madam Otelia ng isang misyon, pumasok na lamang sa aking isipan na matagal kitang hindi makikita na siyang nagpalungkot sa akin pero gumawa ako ng paraan, kina-usap ko si madam Otelia na sumama ka sa aming misyon na siyang sinang ayunan nito pati narin ng tatlo, at naging masaya ako noon ng pumayag ka na sumama sa aming misyon" (CHAPTER 8)
"Noong nagsimula na tayo sa ating misyon ay lubos akong nag-alala sa iyo na baka hindi mo makaya ang ating mga kalaban pero nagkamali ako, ikaw pa ang siyang tumulong at nagkaroon ng malaking ambag sa misyon na iyon, huwag mong isipin na naiinggit ako sa iyo, nainggit lamang ako hindi sa iyo kundi sa tatlo noong pinainom mo sila ng iyong dugo para sila ay pagalingin, gusto ko din uminom ng dugo mo ngunit wala akong rason para gawin iyon dahil may healing ability din ako" (CHAPTER 9-12)
"Napaamin ako sa inyong lahat ng wala sa oras noong nasa Ignis City tayo dahil sa kapatid kong si Kieran na gusto kang ligawan at dahil sa galit ko dito ay napaamin na ako sa inyo ng tuluyan"
"At noong nag-usap tayo sa veranda noong gabing iyon ay lubos ang pagkagalak ang aking nadarama kaya nahalikan kita sa iyong nuo, at ng malaman ko na birthday muna pala kinabukasan ay maaga akong gumising para ibigay sa iyo ang bulaklak na rosas na siyang inilagay ko sa iyong higaan" napatingin naman ako dito ng sabihin niya iyon.
"Sa iyo pala galing ang bulaklak na iyon"sambit ko dito.
"Oo Crescenta sa akin galing iyon, balak ko sanang ilagay iyon sa tabi mo habang natutulog ka para pagkagising mo iyon agad ang iyong makikita ngunit pagkadating ko sa iyong higaan ay wala ka na doon kaya inilagay ko na lamang ang rosas sa iyong higaan, at ng araw na iyon ay amoy na amoy ko ang dugo mo Crescenta at gusto ko ako ang kakagat sa iyo para maging ganap kang bampira" (CHAPTER 12)
"Pero sa huli ako parin ang kumagat sa iyo dahil hindi ko mapigilan ang aking sarili lalo pa't naamoy ko ang napakabango mong dugo dahil nagkadikit ang ating katawan dahil sa pagsalo ko ng dark ball magic na dapat sa iyo tatama" (CHAPTER 13)
"Alam mo ba first time kong matakot noong nag volunteer kang kausapin si Percy na siyang ating unang suspek noon, gusto kitang samahan ngunit ayaw naman ako paalisin ni madam Otelia, natatakot ako baka siya nga ang suspek at baka saktan ka niya" (CHAPTER 15)
"At noong umalis kang walang paalam ay hindi ako makatulog at makakain ng maayos sapagkat hindi ko alam kung nasaan ka at ng aking tanungin si madam Otelia ay doon ko lamang nalaman na kasama mo pala si ginoong Valmer para sa isang misyon"
"Nagtampo ako sa iyo Crescenta kasi hindi ka normal na nagpaalam sa akin, alam kong wala akong karapatan para magtampo sa iyo pero hindi ko mapigilan ang aking damdamin" malungkot na sambit ni Alucard.
Hindi ko aakalaing magugustuhan ako ni Alucard at ang pag confess ng feeling nito sa akin.
"Natatakot ako Crescenta na baka hindi mo ako magustuhan dahil sa pagiging cold ko" natawa naman ako sa kaniyang sinabi.
"Bakit ka tumatawa?" inis na tanong sa akin ni Alucard.
"Natawa lamang ako sa iyong sinabi, na hindi kita magugustuhan dahil sa isa kang cold, hindi ako ganong klaseng tao este bampira Alucard atsyaka hindi ka naman yata mahirap mahalin" nakangiting sambit ko dito at nagulat naman ako ng ngumiti ito sa akin.
"Anong ngini-ngiti mo Alucard?" tanong ko dito.
"Ang ibig bang sabihin iyon Crescenta may gusto ka din sa akin?" nakangiting tanong nito sa akin.
"Ahh ehh oo este hindi ayyt bahala ka na nga jan" utal utal na saad ko sabay tayo sa aking kinauupuan at aalis na sapagkat nahihiya ako kay Alucard.
Ilang hakbang ko pa lamang ng hawakan ni Alucard ang aking kamay at pinaharap niya ako sa kanya.
"Bakit?" tanong ko dito habang naka yuko.
"Gusto ko sanang tulungan mo ako bukas sa gagawing pagsasanay sa mga bampira" sambit nito sa akin sabay hawak ng aking baba at iniangat niya para makita ang aking mukha.
"Ahhh ehh oo tutulungan kita" sambit ko dito sabay yuko ulit ngunit iniangat na naman nito.
"Bakit kaba nahihiya sa akin, alam ko naman na may gusto ka talaga sa akin" malukong sambit nito sa akin.
"Ang yabang mo" sambit ko dito sabay suntok ng kaniyang tiyan at nagteleport sa battle arena. Napangiti naman ako bago pumasok sa battle arena para kausapin si Jezebel.
_______________________________
Narito na ako ngayon sa aking dorm, hindi ko alam kung sino ang aking tutulungan para sa pagsasanay bukas, pare-pareho kasi silang apat na humingi ng tulong sa akin, hindi ko naman kayang tanggihan sila.
F L A S H B A C K
Pagkapasok ko sa battle arena ay nadatnan ko ang tatlo na nag-uusap usap at ng mapansin nila ako ay mabilis silang lumapit sa akin.
"Ano Crescenta, nahanap mo ba si Alucard?" tanong sa akin ni Jezebel at tumango naman ako dito.
"Kung ganun nakapag-usap na kayo? Okay na kayong dalawa?" sunod sunod na tanong ni Drake.
"Ok na kami ni Alucard, ikaw naman kasi ehhh anu-ano ang pinagsasabi mo sa kanya, ayun tuloy naniwala pero ok na kami nakapag-usap na nga kami ng maayos kanina" sambit ko kay Drake at tumawa naman ito.
"Ano ang pinag-usapan niyo Crescenta?" tanong ni Amber na may ngiti sa kanyang labi at ng marinig ng dalawa ang kaniyang tanong ay ngumiti na din ito at hinihintay ang aking sagot.
"Ahhh ehh a-about lang naman sa pagsasanay ang aming pinag-usapan" utal na sagot ko sa kanila , ayaw ko namang sabihin ang pinag usapan namin ni Alucard kanina nahihiya ako.
"Ayytt hindi siya nag confess ng feelings para saiyo?" tanong ni Jezebel at base sa boses niya ay disappointed ito.
"Humingi lamang siya sa akin ng tulong para bukas sa pagsasanay sa mga bampira" nakangiting sambit ko sa kanila.
"Ahh ganun ba, Crescenta tulungan mo din ako bukas, pagkatapos mo kay Alucard punta ka naman dito para tulungan ako, kahit anong oras ok lang sa akin" sambit ni Jezebel sa akin.
"Ahh sige" nakangiting sambit ko dito, ayaw ko naman itong tanggihan lalo pa't naging mabuting kaibigan ito sa akin.
"Ako din Crescenta" sabay na sambit ni Drake at Amber, kaya sumang ayun na lamang ako dito baka kasi magtampo sila sa akin.
"Thank you Crescenta" sabay nilang sambit sa akin at ngumiti naman ako sa kanila.
E N D O F T H E F L A S H B A C K
BINABASA MO ANG
Vampire Academy
VampireImmortality World is the place that all things is impossible to do can be possible as long as you believe it will happen. Immortality World which has a school just for the vampire only and it is the... ...