*Crescenta Bloody Moon POV*
Habang ako ay nakikinig sa lesson ni madam Adam about sa mga coins dito sa limang lugar na siyang nag poprotekta sa kada lugar maliban sa Tenebris City ng may isang estudyanteng kumatok sa aming pinto.
"Good Morning madam Adam, pinapatawag po ni madam Otelia si Crescenta Wang sa kaniyang office," magalang na saad ng estudyante.
"Crescenta nais kang kausapin ng ating HM" nakangiting saad sa akin ni madam Adam, tumayo naman ako at lumabas na at pagdating ko sa labas wala na yung estudyante, tutal alam ko naman ang office ni madam Otelia ay mag-isa na akong pumunta doon.
Dalawang araw na ang nakakalipas pero hindi ko parin nakakalimutan ang nangyari sa battle arena at natuwa naman sa akin si ginoong Valmer ng ikwento ko sa kaniya ang mga nangyari ng ako'y umuwi kahapon, at hindi naman ako nagtagal sa bahay ni ginoong Valmer.
Narito na ako ngayon sa harap ng office ni madam Otelia at kumatok naman ako ng tatlong beses, binuksan naman ito ng tao sa loob at ng bumukas na ang pintuan ay nakita ko si prinsipe Alucard na siyang nagbukas nito.
"Pasok ka Crescenta" pagyaya sa akin ni madam Otelia at umupo naman ako sa isang silya kaharap ng mga prinsipe at prinsesa.
"Good Morning madam Otelia, pinapatawag niyo po daw ako?" Magalang na sambit ko dito.
"Oo iha, mayroon kasing misyon ang mga prinsipe at prinsesa, at gusto ko na sumama ka sa kanila" naka ngiting saad nito sa akin.
"Bakit po ako?" Gulat na tanong ko dito, "Hindi pa po ako ganap na bampira baka maging pabigat lamang po ako sa kanila" Dagdag na sabi ko pa kay madam Otelia.
"Sa mga naganap na training ninyo ay napabilib ako sa iyong lakas Crescenta kahit hindi ka pa ganap na bampira ay mayroon ka nang kakaibang lakas at iyon ay makakatulong para magtagumpay sa misyon na ito, atsyaka makakatulong ang misyon na ito para lalong kang lumakas" Nakangiting paliwanag nito sa akin. Napag-isip isip ko na kung sasama ako sa misyong ito ay pwede kong mahanap ang aking magulang at tama naman ang sabi ni madam Otelia na sa misyong ito ay lalakas ako.
"Tinatanggap ko na po ang misyong ito madam Otelia, pero pumayag napo ba ang mga prinsesa at prinsipe na sasama ako sa misyon nila?" nakayukong tanong ko kay madam Otelia dahil sa ako ay nahihiya sa mga prinsesa at prinsipe at alam kong nakatitig sila sa akin.
"Naka-usap ko na sila Crescenta at pumayag naman sila" sambit sa akin ni madam Otelia
"Ok lang sa amin na sumama ka Crescenta" sambit ni prinsesa Amber at na pa angat naman ako ng tingin sa kanila at nakita ko silang naka ngiti sa akin maliban kay prinsipe Alucard na naka busangot ang mukha.
"Oo nga Crescenta, para na din maging friends tayo nakakasawa na kasi itong mga kasama ko" natatawang sambit ni prinsesa Jezebel, ngumiti naman ako dito.
"Ano po ba ang misyon namin madam Otelia?" Cold na tanong ni prinsipe Alucard at napatingin naman ako kay madam Otelia.
"Kailangan ninyong dalhin dito sa ating paaralan ang mga coins ng bawat lugar" sabi sa amin ni madam Otelia.
"Pero bakit madam Otelia?, ang mga coins na iyon ang nagpoprotekta sa aming lugar" Tanong ni prinsipe Drake dito. Alam ko ang sinasabi nilang coins kasi bago ako umalis kanina ay ito ang lesson namin, at ang sinasabi nilang coins ay isang malaking bilog at sa gitna nito ay naka-ukit ang simbolo ng mga lugar dito sa immortal world na siyang nagpoprotekta dito.
BINABASA MO ANG
Vampire Academy
VampiriImmortality World is the place that all things is impossible to do can be possible as long as you believe it will happen. Immortality World which has a school just for the vampire only and it is the... ...