*Crescenta Bloody Moon POV*
"Saan tayo ngayon patungo?" tanong ko sa dalawa na nasa aking tabi, narito na kami ngayon sa himpapawid at katabi ko ang dalawang prinsesa samantala ang dalawang prinsipe naman ay nasa bandang unahan namin..
"Tayo ay patungo sa Caeli City, sa tahanan ni Amber" nakangiting sabi ni Jezebel.
"Alam kong matutuwa ang aking magulang kapag nakita ka niya Crescenta" nakangiting saad ni Amber sa aking tabi.
"Baka sabihin din nila na kamukha mo ang besfriend nila" natatawang sabi ni Amber.
"Bestfriend nila?" takang tanong ko sa dalawa.
"Alam mo kasi Crescenta ang mga magulang naming apat ay magkaibigan na simula noong bata palamang sila pati narin ang hari at reyna ng Lux City" nakangiting saad ni Amber.
"Kaya noong nawala si reyna Celeste at haring Cassius ay sobrang nalungkot ang aming mga magulang sinisisi nila ang kaniliang sarili sa pagkawala ng hari at reyna ng Lux City, kung dumating lamang sila ng maaga sa Lux City sana na tulungan nila ang kanilang kaibigan" Malungkot na sambit naman ni Jezebel.
"Silang sampung mag-kakaibigan ay sobrang close nila sa isa't isa hindi sila basta basta mapaghihiwalay hanggang sa mayroong lumitaw na propesiya sa libro na hawak ni ginoong Vulcan noon, ang ama ng iyong tito, si ginoong Valmer na ngayon ay may hawak na ng libro ng propesiya" Saad naman ni Amber.
"Ang sinasabi sa propesiya ay mayroong sampung bampira ang mamumuno dito sa Immortal World para protektahan ang mga mahihinang bampira sa pagdating ng mga hades, na ngayon ay pinamumunuan na ni Vladamir, at ang sinasabi sa propesiya ay ang aming mga magulang at si haring Cassius at reyna Celeste, doon lamang sila nagkahiwalay-hiwalay para pamunuan ang limang lugar dito sa Immortal World, at paminsan minsan na lamang sila magkita" sambit naman ni Jezebel
"Guys malapit na tayo" sigaw ni Amber at makikita sa kanyang mukha ang kasiyahan ng makita niya ang kaniyang tahanan.
_______________________________________
Pagkadating namin sa Caeli City, mabilis na nagtungo si Amber sa kanilang palasyo para makita ang kaniyang magulang, ginamit niya ang kaniyang abilidad bilang bampira ang super speed para makapunta agad sa kanyang magulang.
"Ganyan talaga si Amber, close na close talaga kasi siya sa kanyang ina at ama kaya siya nagkakaganyan" nakangiting saad ni Jezebel na nagpalungkot sa akin, kung narito sana ang aking magulang baka close din kami sa isa't isa.
"Crescenta, tila ba'y ikaw ay nalulungkot,miss mo narin ba ang iyong magulang?" pag-aalalang tanong sa akin ni Jezebel.
"Oo Jezebel, miss ko na sila" Sagot ko naman dito habang tumutulo ang aking mga luha.
"Huwag ka mag-aalala Crescenta magkikita din kayo balang araw" sana nga Jezebel sana nga.
"Sya nga pala, sino ba ang iyong magulang Crescenta?" Nagulat naman ako sa kaniyang tanong, hindi ko alam ang aking sasabihin.
"Simula noong ipinanganak ako ay iniwan nila ako kay tito Valmer para iligtas ako kaya hindi ko pa sila nakikita" sagot ko dito
"Nakakaawa kanaman Crescenta, sana dumating ang panahon ay makita at makilala mo sila sa personal" malungkot na sambit naman ni Drake sa aming likuran at hindi ko alam na nakikinig din pala siya, napatingin naman ako sa katabi ni Drake na si Alucard at makikita sa kaniyang mga mata ang lungkot at ng mapansin nito na tinititigan ko siya ay bigla na lamang itong yumuko.
BINABASA MO ANG
Vampire Academy
VampireImmortality World is the place that all things is impossible to do can be possible as long as you believe it will happen. Immortality World which has a school just for the vampire only and it is the... ...