*Third Person POV*
Magkaharap na ngayon ang mga haven vampires and hades vampires, nawala ang pangamba ni madam Otelia ng makitang mas lamang sila kaysa sa mga hades.
"Sumuko na lamang kayo mga haven at tanggapin na talo na kayo at tanggapin na ako na ang inyong magiging hari" sambit ni Vladamir.
"Hindi namin isusuko ang pagiging haven vampires Vladamir, kayo ang sumuko lalo pa't kakaunti niyo lamang kaysa sa amin" sambit ni madam Otelia pero natawa lamang si haring Vladamir na ipinagtaka naman ni madam Otelia.
"Sa tingin mo lulusob kami dito na ganito lamang?" tanong ni haring Vladamir at tumingin sa kanyang nasasakupan.
"Anong ibig mong sabihin? Ano ang iyong binabalak Vladamir?" tanong ni madam Otelia pero tinawanan lamang ito haring Vladamir at inutusan ang mga hades vampires na umatake sa natitirang haven vampires.
"Mga haven vampires ating protektahan ang ating paaralan at ang ating sarili, LUSOB!!!" sigaw ni madam Otelia sabay taas ng kaniyang espadang hawak.
Gumalaw naman ang mga estudyanteng bampira at pina-ikutan si madam Otelia, ang mga hari at reyna, mga kawal at ang royal vampires na siyang ikinagulat nila.
"Anong nangyayari sa inyo? Hindi kami ang kalaban dito" sigaw ni madam Otelia sa kanyang estudyante na nakapalibot sa kanila habang nakatutok ang mga espada nito sa kanila.
"Madam Otelia, hindi na sila haven vampires, sila ay mga hades na" sambit ni Alucard dito na siyang ikinangiti ni haring Vladamir.
"Wahahaha sa isang araw na pagbisita ko dito, nagawa kong gawing hades ang iyong estudyante madam Otelia, kaya kung ako sa inyo sumuko na lamang kayo kasi mas lamang na kami ngayon kaysa sa inyo wahahahaha" natatawang sambit ni haring Vladamir na siyang ikina inis naman ni madam Otelia at ng natitirang haven vampires.
Habang pinagmamasdan ni haring Vladamir ang pagkainis ng natitirang haven ay hindi niya napansin ang isang spell na papunta sa kanyang kinaroroonan kaya tumilapon ito at natanggal ang sombrero na nakatakip sa kanyang mukha.
Mabilis naman itong tumayo at humarap sa bampirang umatake sa kanya, walang iba kundi si ginoong Valmer. Nagulat naman ang lahat na bampira sa kanilang nakita, hindi nila alam kung paano nangyari iyon, ang pagkaka alam nila walang ganoong abilidad pero bakit magkahawig silang dalawa.
"Bakit mayroong dalawang ginoong Valmer?" gulat na tanong ni Drake sa kanyang mga kasama ngunit wala siya natanggap na sagot.
"Tigilan mo na ang panggagaya ng aking wangis Vladamir" galit na sambit ni ginoong Valmer dito.
"Hahaha, Valmer, Valmer, Valmer nakalimutan mo na ba ako?" tanong ni haring Vladamir kay ginoong Valmer na naguguluhan sa sinabi nito.
"Hayst! nakalimutan ko na pala na ginamitan ko kayong lahat ng aking spell" nanguuyam na sambit ni haring Vladamir at natawa pa sa kaniyang sinabi.
"Anong pinagsasabi mo Vladamir!!?" galit na tanong ni ginoong Valmer ngunit tinawanan lamang siya nito at dahil sa inis ni ginoong Valmer pinatamaan niya si ginoong Vladamir ng isang ball magic gamit ang kaniyang libro na naka lutang sa kaniyang harapan samantala ang ibang bampira naman ay nakikinig lamang sa dalawa.
Umiwas naman si haring Vladamir sa mga ball magic na gawa ni ginoong Valmer.
"Kalma ka lang aking kakambal" sambit ni haring Vladamir na siyang nagpagulat at nagpahinto sa pag-atake ni ginoong Valmer.
BINABASA MO ANG
Vampire Academy
VampireImmortality World is the place that all things is impossible to do can be possible as long as you believe it will happen. Immortality World which has a school just for the vampire only and it is the... ...