*Crescenta Bloody Moon POV*
Pagkagising na pagkagising ko ay mabilis akong naghanda para sa pagsasanay na gaganapin mamaya.
Mayroon na akong alam na paraan para matulungan ang royal vampires, naisip kong gamitin ang aking bagong abilidad para tulungan sila, ang kailangan ko lamang gawin ay dapat maaga sila makapunta sa training area para walang makapansin na mayroong apat na Crescenta sa Vampire Academy.
Pagkatapos kung maghanda ay tinawag ko na ang apat na Crescenta, ipinaliwanag ko na sa kanilang apat ang kanilang gagawin. Alam niyo ba na mayroon akong nadiskubre sa aking bagong abilidad, kaya kong makita ang kanilang nakikita.
*Third Person*
Nasa kanya kanyang pwesto na ngayon ang apat na Crescenta at hinihintay ang royal vampires samantala ang tunay na Crescenta ay nasa kanyang dorm, ilang sandali lamang ay dumating si Jezebel sa battle arena at nagulat naman ito ng makita niya si Crescenta G. na may berdeng mata at buhok.
"Crescenta, ang aga mo naman yata, ang akala ko naroon ka sa gymnasium para tulungan si Alucard sa pagsasanay sa mga bampira?" nagtatakang tanong ng dalaga kay Crescenta G.
"Crescenta G. sabihin mo sa kaniya na, mamaya ka pa pupunta sa gymnasium pagkatapos mo dito" utos ni Crescenta kay Crescenta G. gamit ang kaniyang isipan at siyang ginawa naman nito.
"Pagkatapos ko dito ay pupunta na ako sa gymnasium para tulungan si Alucard" nakangiting sambit ni Crescenta G. kay Jezebel.
"Ahhh ganun ba, ohh sige usap muna tayo habang hinihintay ang ibang bampira" nakangiting sambit ni Jezebel.
Ilang sandali lamang ay nagsidatingan ang iba pang bampira at sila ay nagulat din sa itsura ni Crescenta G. na may berdeng buhok at mata, at sila ay nagsimula na sa pagsasanay.
Pati ang dalawang miyembro ng royal vampires na si Drake at Amber ay nagulat din ng madatnan nila si Crescenta B. at Crescenta H. at sa kakaibang kulay ng buhok at mata nito.
Samantala si Alucard naman ay tuwang tuwa ng madatnan niya na nasa gymnasium na si Crescenta O. , gulat man ito dahil sa kulay ng mata at buhok ni Crescenta O. ay hindi niya na lamang pinansin at nagsimula na sila sa pagsasanay.
SA KABILANG DAKO...
Kina-usap ng hari ng mga hades na si haring Vladamir ang kanyang nasasakupan para sa paglusob ngayong araw sa Vampire Academy.
"Lazarus, Raul, Lucinda at Katherine (Victoria), kailangan niyong patayin ang babaeng nakatalo sa inyo (Crescenta) bago tayo umatake, sagabal siya sa ating plano" utos ng hari sa crook vampires, tumango naman sila at nagtungo nasa Vampire Academy para patayin si Crescenta.
Naiwan ang tatlong miyembro ng crook vampires sa likod ng isang gusali ng Vampire Academy samantala si Katherine o Victoria ay hinahanap si Crescenta sa loob ng akademya.
"Saan ko kaya makikita ang bwesit na yun?" tanong ng dalaga sa kaniyang isipan.
Ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan para matunton ang kinalalagyan ni Crescenta, ito'y isang mapa sa kanyang isipan at mayroong isang bilog na maliit na kung saan iyon ang lokasyon ng isang tao.
Nagulat naman ang dalaga ng limang bilog ang lumabas sa kaniyang mapa, isa sa taas ng building ni madam Otelia, isa sa training room, isa sa battle arena, isa sa gymnasium at isa sa soccer field.
"Bakit limang bilog ang lumabas sa aking mapa? Imposible namang magkaroon ng limang Crescenta" takang sambit ng dalaga sa kaniyang isipan.
BINABASA MO ANG
Vampire Academy
VampirImmortality World is the place that all things is impossible to do can be possible as long as you believe it will happen. Immortality World which has a school just for the vampire only and it is the... ...