One

712 11 4
                                    

Sarah's POV

Many years had passed pero sobrang daming nangyari sa buhay namin, tinotoo ni mommy ang paghihiwalay nila ni daddy, nawalan din kami ng communication kay daddy until now wala pa din sinubukan kong tawagan sya sa dati nyang number pero wala talaga ayaw nyang magpahanap sa amin. Sabi ni mommy kung ayaw magpahanap ng isang tao wag na daw itong hanapin, pero ako hindi ako sumukong hanapin si daddy. Ilang beses akong nagpabali balik sa New York para lang hanapin si Daddy. Sa ilang beses na paghahanap ko kay Daddy hindi ko pa din sya nahanap.

Tinanong ako ni mommy last time, bakit daw ba atat na atat akong hanapin si daddy, sabi ko naman gusto kong mabuo ang pamilya ko,dahil kailan man ay hindi ko pinangarap ang magkaroon ng sirang pamilya.

I asked mom kung bakit sya agad sumuko at bakit ganon nalang sya kabilis mag desisyon sabi nya naman kung masaya na si daddy sa iba, magiging masaya na din daw sya para sa daddy ko. That time nakita ko kung gaano kamahal ni mommy si daddy, isa yon sa mga rason ko kung bakit hindi ako tumigil sa paghahanap kay daddy.

Maraming nagbago sa pamumuhay namin nila mommy, bumalik kami ng Pilipinas at dito na din kami nag stay, dito na din lumaki ang kambal. Nakabili kami ng bahay sa Antipolo at doon kami nauwi.

Bumalik ako sa work ko as a singer, every sunday nasa ASAP ako nagpeperform at kung minsan naman kapag may movie akong ginagawa naiiwanan ko ang kambal sa bahay, malalaki na sila at nakakaya naman na nila ang mga sarili nila, pero syempre tinatawagan ko pa din si Tita Crystal para tignan at samahan ang kambal sa tuwing wala kami ni mommy sa bahay.

Magmula ng maghiwalay ang mommy at daddy mas naging busy si mommy sa trabaho nya, parang nakalimutan nya ng may anak pa sya. She's always tired pag nauwi sya dito sa bahay, ni hindi na nga kami nag uusap.

Nag aalala ako para sa kambal dahil lumalaki na sila at marami na silang tanong sa akin like bakit ganon si mommy they always feel daw na parang wala silang mommy sabi sa akin ni Isabella. Bilang Ate nila I expalained everything kung bakit ganon si mommy, hindi ako nagkulang sa mga kapatid ko.

Hindi ko pinaparamdam sa kanila na nag iisa sila gusto ko lagi ko silang kasama kahit saan ako magpunta basta ayoko lang na nag iisa sila at nalulungkot. Naalala ko nga dati umuwi sila Isabella at Carmella galing school, si Carmella iyak ng iyak dahil binully daw sya, that time galit na galit ako sa mga kaklase nya, ayoko sa lahat yung tinatapak tapakan ang mga kapatid ko.

Instead na pumunta ako ng school at makipag away sa parents nung ng bully kay Carmella dinala ko sila sa mall at nag ice cream kami, mabuti nalang effective yung ginawa ko.

Magmula ng makita kong umiyak si Carmella, nagpromise ako sa kanila ni Isabella na poprotektahan ko sila kahit kanino. Kaya kinabukasan nagpunta ako sa school nila at kinausap ko yung principal, mabuti naman at naayos agad.

"Ate Let's sleep na." Malambing na sabi ni Carmella.

Sya yung pinaka malambing na kapatid ko, malambing naman si Isabella pero mas malambing si Carmella. Namana ni Isabella ang ugali ni mommy na mataray pero mabait naman. Si Carmella naman namana nya ang ugali ni daddy, malambing, mabait, at higit sa lahat makulit.

"Nagwash na ba kayo ng Ate Isabella mo?" Tanong ko kay Carmella.

"Yes Ate, actually si Ate Isabella nasa room na hinihintay nya na tayo." Sabi nya,kaya naman nagpunta na kami sa room.

Kahit pagod na pagod ako galing taping mas pinili kong makipagbonding muna sa mga kapatid ko, lahit sobrang hirap na ako pinipilit ko pa din na maging ok. Ayomong ipakita sa mga kapatid ko na suko na ako, gusto ko pang lumaban para sa kanila.

Pagpasok namin ni Carmella sa kwarto nakita ko namang nakadapa si Isabella, kaya tinabihan ko ito. Si Carmella naman dumiretso muna sa CR para magtoothbrush.

"Isabella may problema ka?" Malambing na tanong ko. "Alam kong hindi kapa tulog kaya kausapin mo ako." Dagdag ko.

Tumihaya agad si Isabella at niyakap nya ako, may atittude problem tong kapatid kong ito malambing pa din sya sa akin maski papano. Niyakap ko din sya alam kong may problema to kasi ganito sya,tahimik at walang kibo.

"Ate miss ko na si mommy," malungkot na sabbi nya.

"Ako din miss na miss ko na si mommy, hayaan mo one of this day lalabas tayo kasama si mommy, malapit ng matapos yung tour nya." Masayang sabi ko kay Isabella.

"Are you sure na makakasama sya sa atin ate? Magdinner nalang tayo ng sama sama ayos na ate basta makasama lang natin si mommy. Kahit wag na tayong lumabas basta kasama lang natin si mommy." Sabi ni Isabella, ramdam na ramdam ko kung gaano na nya kamiss si mommy.

Nakakalungkot lang dahil hindi na namin madalas nakakasama si mommy, magmula ng bumalik kami dito sa Pilipinas mas naging busy na sya sa work nya, halos lahat ng pagkakabusyhan nya kinuha na nya. Kaya eto nawalan sya ng time sa amin, ako na ang nagpupuno ng oras nya para sa mga kapatid ko.

"Promise ni Ate sainyo magkakasama tayo nila mommy sa dinner." Masayang sabi ko.

"Talaga ate?"

"Yes basta magpakabait lang kayong dalawa ni Carmella magkakabonus pa kayo sa akin." Sabi ko.


"How about si Daddy? Kailannatin sya makakasama? Gusto na namin syang makita sa personal."


"Diba nag  usap na tayo about kay dad, maghintay lang kayo at babalik din sa atin si daddy."

"Ok ate." Sabi ni Isabella.

After namin mag usap ni Isabella lumabas na si Carmella sa CR kaya ako naman ang pumasok sa CR para makapagshower.

Nakakawala ng pagod kapag nakikita kong masaya ang mga kapatid ko, miss na miss na namin si mommy, matagal tagal na din kasi kaming hindi nakakapagbonding. Simula ng bumalik kami dito sa Pilipinas isang beses nalang sa isang linggo namin sya nakakasama, minsan nga hindi na.

Kahit ganon pa man, mahal na mahal namin si mommy at alam naming mahal na mahal nya kami.

Please Come Back IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon