Twenty Five

338 8 0
                                    

Atasha's POV


Feeling ko may something kay Isabella dahil hindi sya nakikisali sa amin. Kanina habang naglalaro kami napansin kong sumisilip sya sa amin, I know gusto nyang sumali dahil ayon yung nakikita ko sa mga mata nya, pero hindi ko lang alam kung bakit ayaw nyang sumali. Sana mali ang hinala ko na nagseselos sya.





"Ui tulala ka jan?" Sabi sa akin ni mommy Lea.





"Naalala ko lang po si mommy." Seryosong sabi ko.





"Kwentuhan mo naman ako about sa mommy mo." Sabi ni mommy Lea.





"My Mom? She's the strongest woman that I've ever known. She's the most beautiful person for me not only by looks but also by heart. Siya ang beauty queen ng family namin she's the best mom ever. Even though she encounter a lot of problems, she wears a smile and forgives people, kaya sobrang proud ako kay mommy. Kahit hindi sila nagmamahalan ng daddy ko ng totoo she never gave up. I miss her gentle touch, how she lights up a room with her smile and eyes, her dedication to our family, her lovely laugh at syempre yung mga luto nya. Mahal na mahal ko si mommy at hinding hindi mawawala yon." Sabi ko kay mommy Lea. "You know what? Parehas kayo ng mommy ko mag alaga, gagawin nya ang lahat kahit pagod sya,pero ngayon wala ng gagawa para sa amin ni Andres.





"Nandito pa naman ako eh." Sabi nya.






"Pero hindi po namin masasabing sa amin po talaga kayo, mahirap ng makihati sa pagmamahal ng iba." Sabi ko.





"Hindi naman kayo iba sa akin eh, kaibigan kayo ni Sarah kaya dapat mahalin ko din kayo na parang anak ko na din."  Nginitian ko nalang sya.






Siguro nga ayos lang kay mommy Lea yung ganito, yung tinatawag namin sya ni Andres na mommy, pero alam ko na kay Isabella hindi ok yung ganito. I saw her kanina sa taas na nakasilip sa amin noong naglalaro kami ng taya tayaan.







Ang kinakatakot ko lang ay baka awayin kami ni Isabella dahil sa sitwasyon namin ngayon.




"Mom! Sa entertainment room tayo matulog!" Sigaw ni Ate Sarah.







"Sure!" Sabi ni mommy Lea.




Ang sarap pala ng ganito, yung madami kang kapatid tapos maingay yung bahay. Lumaki kasi kami ni Andres ng kaming dalawa lang talaga ang magkasama kaya sabik na sabik kami na makasama ang mga kaibigan namin.






"Tash magpalit kana ng pantulog mo, nabasa na ng pawis yang suot mong shirt kanina." Sabi ni Mommy Lea. "Halila samahan kita sa kwarto ng Ate Sarah mo.






"Nako wag na po, kaya ko na po heheheheh." Sabi ko.






"No, sasamahan na talaga kita." Wala na akong nagawa kundi sumunod nalang.







Pagkapasok namin sa kwarto ni Ate Sarah kinuha ko agad yung bag ko at hinanap ko yung pantulog ko. Pumasok ako sa CR para magpalit at binalikan ko agad si mommy lea.





"I'm done." Sabi ko.





Ilang sandali pa ay biglang nagbukas yung pinto"Oh mommy nanjan pala kayo." Gulat na sabi ni Ate Sarah. "Dahil nandito naman kayo pakibaba yung mga pillows sa entertainment room. THANK YOU!" nakangiting sabi ni Ate.





Binuhat namin yung mga pillows at dinala na namin sa entertainment room. Pagpasok namin bumungad agad si Andres.





"Andres tulungan mo kami." Sabi ko at agad nya naman kaming tinulungan ni mommy lea.






"Guys iwan ko muna kayo ha, gagawa lang ako sandali ng snacks natin." Pagpapaalam ni mommy lea.







"Pero kakatapos lang po natin kumain diba?"  Sabi ni Andres.






"Gusto ko kayong busugin hindi lang sa pagmamahal, kundi sa pagkain din."  Sabi ni mommy lea sabay kindat sa amin ni Andres.






"Ahhww ang sweet naman ni mommy Lea." Sabi ko.





Lumabas na sya at nagtungo na sa kitchen.






"Atasha ang swerte talaga nila Ate Sarah sa mommy nila no, napaka bait at maalalahanin." Sabi ni Andres.





"Oo nga eh, kaya siguro ang saya ng family nila kasiang bait ng mommy nila."






"Paampon na kaya tayo?" Biro ni Andres.





"Sira! Basta kahit anong mangyari hindi natin ipagpapalit ang mommy natin! Magpromise ka sa akin Andres!"





Tinaas nya yung right hand nya at sinabing "Yes, I promise boss!"





"Good!"





Ilang saglit oa ay biglang sumulpot si Ate Sarah.







"Guys anong gusto nyong movie?"  Tanong ni Ate Sarah.






"Ate magkwentuhan nalang tayo." Sabi ni Carmella.









"Yes ate! Tama si Carmella." Sabi ko.







"Sige kung ayan ang gusto nyo then go. Hintayin nalang natin si mommy at Isabella." Sabi ni Ate Sarah.







Ilang sandali pa ay nldumating na din si Isabella, tumabi sya kay Carmella at Ate Sarah. I know masama ang loob nya dahil kita ko sa mukha nya.










"Ok guys eto na yung snacks nyo, pinagtimpla ko na din kayo ng milk." Sabi ni mommy Lea.








"Thanks mommy." Masayang sabi ni Andres.









Ngayon nalang ulit kami nakaranas ng ganito yung pinagtitimpla ng milk, magmula kasi ng magkasakit si mommy kanya kanya nalang kaming timpla ni Andres.







Please Come Back IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon