Thirty Five

402 11 1
                                    

Lea's POV


Two days na kaming nakalock dito sa basement yung magaling kong anak na si Sarah dinadalhan lang kami ng pagkain dito.




Napakahusay talaga ng anak kong yon, manang mana sa ama.





Gusto ko ng lumabas dito dahil kung ano ano nalang ang naiisip nitong si Aga, baka mamaya kung saan pa mapunta yung mga iniisip nya.





"Babes pwede ba umupo ka muna jan, kanina kapa lakad ng lakad jan nahihilo na ako." Sita sa akin ni Aga.




"Eh kasi naman yung anak natin ang daming kalokohang alam, gusto ko ng lumabas dito two days ko ng hindi nakikita ang mga anak natin." Nakasimangot na sabi ko.






"Wala pa ba si Sarah? Nagugutom na ako." Reklamo ni Aga.





"Lagi ka nalang gutom." Sita ko sakanya.




"Eh babes alam mo namang malalaki ang bulate  ko." Sabi nya.





Lumapit sa akin si Aga at hinalikan ako sa labi. "Ikaw nakakadami kana ha." Inis kong sabi sakanya.





"Namiss lang talaga kita." Sabi nya.




"Tse!" Sabi ko.





Maya maya pa ay biglang nagbukas yung pinto sa taas, "Mommy! Daddy! Makakalabas na kayo!" Sigaw ni Sarah.




Agad naman akong bumangon at tumakbo paakyat. "Babes wag kang tumakbo baka mahulog yung baby." Pang aasar sa akin ni Aga.






Binigyan ko nalang sya ng isang nakakamatay na tingin at inirapan ko sya.


Paglabas ko nakangiti sa akin si Sarah, yung nakakaasar na ngiti. Inirapan ko na din sya kasi naiinis ako.



"Wow mommy ha ang taray. Pero wait tama ba yung narinig ko na baby? Magkakaroon na ba ulit kami ng kapatid?" Masayang tanong nya.





"Yes! Your mom is pregnant." Singit ni Aga.






"Ohh my gosh! I will tell them na may bago na kaming kapatid." Nagmamadaling hinanap ni Sarah yung phone nya.






"Wag kang maniwala jan sa daddy mo puro kalokohan lang ang alam." Sabi ko.





"Ayyy akala ko pa naman may bago ng member." Nakasimangot ma sabi ni Sarah.








"Gusto mo ba?" Tanong ni Aga.





"Muhlach kung wala kang magandang sasabihin tumahimik kana. Sarah uwi na tayo wag mong isasama yang daddy mo." Mataray kong sabi.





Kahit kailan talaga ang lakas mang asar nitong Muhlach na to.




Kinuha ko yung gamit ko at pumasok na ako sa kotse.
Sumunod din naman agad sila.





"Dad ikaw na ang magdrive." Sabi ni Sarah.





After 15 minutes nakarating na din kami sa bahay, nasa entertainment room siguro sila ang tahimik kasi eh.





"Mom nasa kwarto sila wala sila sa entertainment room." Sabi ni Sarah, aba magaling nalaman nya yung nasa isip ko.







Please Come Back IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon