Twenty Nine

326 9 0
                                    

Sarah's POV


Nandito kami ngayon sa central park, kami ni mommy naglalakad lakad habang naghahabulan yung apat.




Minessage ko si daddy at sinabi kong nandito kami ngayon sa park baka gusto nyang sumama sa amin at sinabi nyang next time nalang daw.






"Mommy kapag po ba bumalik si daddy anong una mong gagawin?" Tanong ko kay mommy, curious lang talaga ako kung anong magiging reaksyon nya kapag nakita nya na si daddy.







"Ano bang tanong yan? Natural yayakapin ko sya."






"Yun lang? Wala man lang kiss?"







"Ewan ko sayo, halika na at napapalayo na yung mga kambal."







Nagpunta kami sa wollman rink para mag  ice skating, yung apat tuwang tuwa dahil makakapag ice skating sila. Lalo na si Carmella at Isabella first  time nila dito kaya sobra yung tuwa nila.







"Mom tara sumali tayo sa kanila, turuan natin si Carmella at Isabella." Sabi ko kay mommy.







"Wag na, kayo nalang pipicturan ko nalang kayo." Sabi nya.






So iniwan ko muna si mommy para puntahan yung apat.







"Guys ok lang ba kayo?" Tanong ko sa kanila.







"Yes Ate." Sabay sabay nilang sabi.






Nagdecide kami na maglaro ng taya tayaan , sa unang round ako yung taya.





Nauna kong nataya si Atasha kaya hindi na ako masyadong nahirapan sa paghahabol.







"Taya!" Sabi ko kay Carmella.






Si Andres at Isabella nalang ang hindi natataya.







"Tash ako na ang hahabol kay Andres ikaw na kay Isabella. Carmella jan ka nalang muna kami nalang ang hahabol sa kanila." Sabi ko.







"Go mga Anak!" Rinig kong sabi ni mommy.









Hinabol ko ng hinabol si Andres, ang bilis nyang tumakbo.









Si Atasha naman sige pa din ang paghabol kay Isabella, malapit ng maabot ni Atasha si Isabella pero hindi napansin ni Isabella yung taong nakaharang sa dadaanan nya kasi lumingon sya kay Atasha.






"Isabella!" Sigaw ni Atasha at ayon na nga tumumba si Isabella at nadaganan ito ni Atasha.






Agad kaming lumapit sa kanilang dalawa at itinayo namin sila.








"Are you ok?" Tanong ko sa dalawa.








"Ate ang sakit ng legs ko." Sabi ni Isabella.








"May gasgas ka." Sabi ko.







"Tash! Yung bibig mo dumudugo." Sabi ni Andres kaya naman tinignan ko agad ito. Tama si Andres dumudugo ng ang labi ni Atasha. Kinuha ko agad yung panyo ko at inilagay ko sa labi nya.







"Tara kay mommy." Sabi ko sa kanila.









"What happened? Bakit nadugo ang labi ni Atasha?" Nag aalalang tanong ni mommy.






Please Come Back IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon