Three

399 9 0
                                    

Sarah's POV

Masama ang loob ko kay mommy dahil parang mas mahalaga pa ang career nya kesa sa amin ng mga kapatid ko. Mas pinili ko nalang na hindi sagutin ang mga tawag nya dahil baka mag away lang kami.







Habang nandito ako sa kwarto ko naririnig ko yung pag uusap nila ni Carmella, Yes nakikinig ako sa pag uusap nila. Nagpromise na naman si mommy tapos hindi na naman tutuparin.






Nagulat ako dahil biglang nagbukas yung pintuan ng kwarto ko dahilan para mauntog ako. "Aray!" Sigaw ko. Nakita ko namang nag alala si Isabella. "Omg! Ate sorry hindi ko sinasadya, sorry talaga." Nag aalalang sabi ni Isabella. "Next time kumatok ka ha para hindi ako nauuntog." Sabi ko.





"Ano ba kasing ginagawa mo jan sa likod ng pinto ate? Pwede ka namang umupo sa kama mo, jan mo pa napili sa likod ng pinto." Tignan mo tong batang to, attitude talaga.






Umupo agad si Isabella sa kama ko, "Ate kapag ba nakita na natin si daddy magiging masaya kaya tayo?"







"Syempre naman magiging masaya tayo kasi buo na tayo, bakit mo naman naitanong?"








"Wala lang I just imagine kung magiging masaya ba talaga tayo if ever na mabuo tayo. Magiging kagaya din kaya tayo nila Tito Gerard na happy family?" Malungkot na sabi nya.







"I promise na hahanapin ko si daddy, mabubuo din tayo, not now but soon at kung mabubuo man ulit tayo sisiguraduhin kong tayo ang pinaka masayang family sa buong mundo. Basta trust me hahanapin ko si dad wag ka ng malungkot ok?" Sabi ko.







"Yes ate!" Tinabihan ko sya at niyakap nya ako. "Ate thank you kasi nanjan ka para alagaan kami ni Carmella, thank you kasi hindi mo kami iniiwanan kahit sobrang busy mo nakukuha mo pa kaming samahan sa kalokohan namin ni Carmella. Sana makita na natin si daddy para mabuo na tayo." Sabi ni Isabella.






"Alam mo ako dapat ang magthank you sainyo kasi ang babait nyo, never nyong pinasakit ang ulo ko at pinapasaya nyo ako, kahit pagod ako galing taping nawawala yung pagod ko dahil sainyo ni Carmella. Hayaan nyo kapag bumalik ako sa New York isasama ko na kayo para makapamasyal kayo ni Carmella. Ipapaayos na natin kay Tita Crystal yung mga passport nyo." Masayang sabi ko kay Isabella, nakita ko namang ngumiti sya ng bahagya pero alam kong tuwang tuwa sya.






"Talaga Ate?"






"Yes, kapag natapos na ang projects ko lilipad agad tayo sa New York, malapit naman na pati ang summer vacation nyo diba?"









"Yes ate parang 2 weeks nalang tapos na ang school year namin. For sure kapag nalaman ni Carmella na pupunta tayong New York para hanapin si Dad matutuwa yon." Masayang sabi ni Isabella.




"Saturday today right? Anong gusto nyong gawin?" Tanong ko kay Isabella.






"Wait a minute ate! I will call Carmella." Tumayo si Isabella at tinawag si Carmella na nasa kitchen, after 2 minutes magkasama na sila at umupo sila sa kama ko.





"Anong gusto nyong gawin today?" Tanong ko sa kanilang dalawa.







"Ate puntahan natin si Abu." Sabi ni Carmella.






"Wala si Abu sa Manila nag out of town sya, next week pa ang balik nya." Sabi ko.








"Sa Park nalang tayo ate or kahit sa Museum?" Masayang sabi ni Carmella.






"Sige ate tama si Carmella and after that mag mall tayo tapos arcade." Sabi naman ni Isabella.








"That's good idea! Go na maligo na kayo." Tumakbo naman agad yung dalawa patungo sa kwarto nila.





Ako naman pinuntahan ko si Tita Crystal sa kitchen "Tita gusto mo bang sumama sa amin?" Tanong ko kay Tita Crystal.






"Hmmm may lakad ako today eh, maybe next time nalang?" Sabi ni Tita.








"May date na naman kayo ni Tito Francis?" Pang aasar ko kay Tita.







"Yes!" Masayang sabi nya. "By the way kumain kana muna, yung dalawa mong kapatid tapos ikaw hindi pa." Kumuha si Tita ng pinggan, kutsara at tinidor. Pinagtimpla nya din ako ng paborito kong hot chocolate. "Thanks Tita!"






Umupo naman si Tita sa harapan ko, "Sarah, kung ano man yung nangyayari sainyo ng mommy mo sana wag na itong lumaki pa, para sainyo naman yung ginagawa nya eh kaya sana mag usap kayp ng maayos." Sabi ni Tita Crystal, nagsumbong na pala si mommy.








"Tita hindi mo kasi ako naiintindihan eh, oo naibibigay ni mommy yung mga kailangan namin pero sya mismo ang kailangan namin hindi yung mga material na gamit, kuntento na kami na nandito sya. Wala na nga si daddy pati ba naman sya aagawin sa amin ng trabaho nya." Pagpapaliwanag ko kay Tita.







"Basta mag usap kayo ng mommy ha, wag nyo ng palakihin yung problema kung meron man."








"Yes Tita." Tinuloy ko nalang ang aking pagkain, pagkatapos ko niligpit ko agad yung pinagkainan ko. "By the way Tita, pwede po bang pakiayos ng passport nila Isabella at Carmella?" Tanong ko.








"Bakit saan kayo pupunta?"









"Gusto ko pong magbakasyon sa New York tutal malapit na pong matapos ang project ko at summer vacation na nila Isabella at Carmella next next week kaya naisipan kong doon muna kami kahit 1 month lang."







"Alam na ba ito ng mommy mo?" Tanong nya.







"Hindi pa po, pero kakausapin ko din sya about dito sa vacation na gagawin namin."







"Sige bukas aayusin ko na yung mga papers nyo at bibili na din ako ng tickets." Sabi ni Tita.








Lumapit ako kay Tita at niyakap ko sya.







"Tita thank you kasi palagi kang nasa tabi namin." Sabi ko at humiwalay na ako sa pagkakayakap ko kay Tita.








Umakyat na ako sa kwarto ko para mag ayos ng sarili ko, habang nag aayos ako narinig kong kumakatok na yung dalawa sa pintuan ko sign na tapos na sila kaya binilisan ko na ang pag aayos.








Pagkatapos kong mag ayos umalis agad kami at dumiretso kami sa mall, mamaya nalang kami pupunta sa museum at park kapag hindi na mainit. Tuwang tuwa yung dalawang bata dahil ngayon nalang daw sila ulit nakapag arcade.







Ang taas ng energy ng dalawa kong kapatid dahil aliw na aliw sila sa pag lalaro. Iniwan ko muna sila sandali sa arcade dahil kailangan kong bumili ng water binilisan ko lang ang pagbili kasi baka kung saan magpunta yung kambal.






"Isabella! Carmella! Uminom muna kayo ng water,halika muna kayo dito at pupunasan ko kayo ng pawis." Lumapit naman sila agad sa akin.








"Thank you ate!" Sabi nila sa akin at sabay nila akong kiniss.






After nila mag arcade kumain muna kami ng lunch, gutom na gutom ang kambal napagod siguro sila ng husto.





Nakakatuwa lang kasi nakaklimutan nila yung problema sa tuwing ginagawa namin yung ganito. Sana sa pagbalik namin sa New York makita na namin si daddy para mas maging masaya na kami.

Please Come Back IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon