Ten

378 10 1
                                    

Lea's POV

Sobrang dami naming ginawa at sobrang daming unexpected event ang dinaluhan ko. Nandito naman ako ngayon sa Las Vegas para sa isang show. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko sa dami ng guesting ko at show ko.

"Vicky anong date ngayon?" Tanong ko sa PA ko.




"It' August 8." Sabi ni Vicky kaya naman napasigaw ako.




Sh*t nakalimutan ko ang birthday ni Sarah, hinanap ko yung phone ko para tawagan si Sarah pero cannot be reach sya kaya naman si Crystal ang tinawagan ko baka sakaling magkasama sila



"Hello Crystal?"



"Hi Lei!" Bati nya sa akin.




"Magkasama ba kayo ni Sarah at ng mga bata?" Tanong ko kay Crystal.




"I knew it! Hindi sinabi ni Sarah sayo no?"





"Ang alin?" Tanong ko.




"Nasa New York sya ngayon kasama ang kambal, magbabakasyon daw muna eh." Sabi ni Crystal.






"Ah ganon ba, thank you Crystal." Puputulin ko na sana yung tawag ng biglang sumigaw si Crystal ng "Wait!"





"What?" Tanong ko.




"Lei sana wag mong hintayin na lumayo ang loob sayo ng mga anak mo. Kailangan ka nila ikaw ang ina nila kaya dapat kasama ka nila. Wag mong hayaang agawin ka ng ambisyon mo sa mga anak mo. Mas kailangan ka ng mga anak mo." After sabihin ni Crystal yon parang may kumurot sa puso ko.



Puntahan ko kaya sila sa New York? Pero paano yung contract na pinirmahan ko? Oo mahalaga yung trabaho ko, parehas na mahalaga ang trabaho ko at ang mga anak ko.



Naguguluhan na ako, ititigil ko na ba ito? Pero malapit na ako sa finish line na matagal ko ng hinahangad.
Humiga ako at pumikit.



Lord give me a sign kung ititigil ko na itong ginagawa ko.




Si Isabella naman ang sinubukan kong tawagan nagriring ang phone nya pero hindi sinasagot. Si Carmella nalang ang pag asa ko mabuti nalang at sinagot agad.




"Mommy?" Matamlay na sabi nya.




"Baby nasaan kayo?" Tanong ko.



"Nasa New York po, mommy uwi kana please ang sakit ng tyan ko." Matamlay pa din na sabi ni Carmella.





"Baby uminom ka naba ng gamot? Nasaan si Ate Sarah mo? Pwede ko ba syang makausap?"




"Yes mommy pinainom na po ako ni Ate ng gamot. Nasa living area po si Ate Sarah hinihintay yung pinadeliver naming food."





"Ahh ganon ba, pwede bang ibigay mo sa kanya yung phone? Gusto ko lang syang kausapin." Sabi ko.






"Wait lang po." Narinig ko namang bumangon si Carmella. "Ate si mommy gusto ka daw makausap." Sabi ni Carmella.




"Hello Anak! I'm sorry ngayon lang nakatawag si mommy ha madami lang talaga akong ginagawa, pasensya na anak. Belated Happy Birthday I promise babawi sainyo si mommy lalo na sayo." Sabi ko.





"Wag po kayong magpromise kung hindi nyo naman po kayang gawin." Cold na sabi nya, nagtatampo si Sarah dahil nakalimutan ko na ang birthday nya.





"I'm so sorry." Sabi ko.





"Alam mo mommy magmula ng maghiwalay kayo ni daddy nagbago kana. Oo nagbago kana sobrang laki ng pinagbago mo halos kalimutan mo na kami. By the way nandito kami sa New York para hanapin si daddy." Sabi nya.


"What? Ang daddy mo na naman? Sarah ilang beses ko bang ipapaintindi sayo na wag mo ng hanapin ang daddy mo? Iniwan nya tayo remember?"



"At iniwan mo na din kami remember? Mommy alam mo kahit pagod na pagod na ako hindi sumagi sa isip ko na sumuko na sa paghahanap kay daddy. Pero bakit ikaw?" Sob "bakit ikaw sumuko ka agad? Ganon nalang ba kadali sayo ang lahat?" Umiiyak na sabi ni Sarah.


"Wala kang alam Sarah! Hindi mo alam kung gaano kahirap tanggapin na wala na talaga ang daddy mo sa buhay natin. Wala kang alam!" Sigaw ko kay Sarah.




"You know what mommy? Sana hindi nyo nalang ako hinanap dati, sana hindi ko nalang kayo nakilala. Ayos naman yung buhay ko pero ng dumating kayo nagkagulo na." Pinatay ni Sarah yung tawag.






Sobrang sakit ng sinabi ni Sarah, sobrang sakit na sa sariling anak ko pa maririnig yung ganong mga salita. Hindi ako makapaniwala na pagbibitawan ako ni Sarah ng ganong salita.






Lumabas ako sa kwarto ko at nagpunta ako sa bar ng hotel na tinutuluyan ko. Gusto kong magpakalunod sa  alak. Sarili kong anak kinamuhian na ako.





Pagpasok ko sa bar sobrang daming tao, nagpunta ako sa counter para mag order ng alcoholic drink.




Nakailang order ako ng alcoholic drink medyo nahihilo na din ako kaya naman nagdecide akong bumalik na sa kwarto ko para magpahinga.




Buo na ang desisyon ko iiwanan ko na ang career ko, mas kailangan ako ng mga anak ko. Hindi ko na hihintayin pang pati ang kambal ay lumayo ang loob sa akin.


















K I N A B U K A S A N..............



















Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa dami ng nainom ko, nagpunta ako sa kitchen para magtimpla ng coffee. Pagkaubos ko ng coffee bumalik ako sa kwarto ko at humiga ulit sandali. After 30 minutes inayos ko na ang mga gamit ko. Tinawagan ko na din si Vicky para ipacancel yung agenda ko today.





Pagkaayos ko ng gamit ko naligo na din ako at umalis na ng hotel.





Habang nasa byahe ako sinubukan kong tawagan si Carmella pero hindi nya na din ako sinagot.





Pagkadating ko sa airport nagmadali akong kumuha ng ticket baka kasi maubusan ako. Mabuti nalang at nakakuha agad ako.






After 5 hours and 30 minutes nakarating na din ako sa New York finally nakabalik din ako.






Naghanap agad ako ng taxi na masasakyan mabuti nalang at mabilis lang akong nakahanap.







Pagkadating ko sa dating bahay namin nagmadali akong nagdoorbell pero walang nagbubukas ng pinto siguro ay lumabas ang mga bata. Hinanap ko yung susi ko sa bag ko. Buti nalang hindi naisipang palitan ni Sarah yung lock.




Pagpasok ko napaka ayos ng bahay, iba talaga si Sarah mag alaga.





Nilagay ko yung gamit ko sa kwarto ko. Dito pala sila natulog sa kwarto ko. Ngayon sama sama na tayong matutulog at hindi na tayo magkakahiwalay pang muli.





Nagpunta ako sa kitchen para icheck kung may stocks ng food, pero walang laman ang cabinet at fridge. Kaya naman naisipan kong magrocery nalang habang wala pa sila.



Ipagluluto ko sila ng Caldereta at Adobo.





Sana pagbalik nila dito sa bahay masaya silang nandito ako dahil magkakasama kami. Sana magkaayos kami ni Sarah.

Please Come Back IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon