Twenty Three

317 8 0
                                    

Sarah's POV

Iniwan ko sila Andres at Atasha sa kwarto ko at bumalik ako sa kitchen para tulungan si mommy.




"Anak anong kinamatay ng mommy nila?" Curious na tanong ni mommy.





"Cancer po." Sabi ko.




"How about their dad? Nameet mo na ba sya?"



"Hindi pa po eh, sobrang busy daw po kasi sa trabaho."






"What? Anong klaseng tatay yon iniiwan lang yung anak nya ng walang kasamang nakakatanda." Inis na sabi ni mommy.






"Sinasamahan naman daw po sila ng Tita nila minsan."





"Mabuti nalang at nakilala mo sila." Sabi ni mommy.




After naming mag usap ni mommy iniwan ko muna sya para puntahan yung mga kambal na nasa entertainment, nako sana magkasundo silang apat.




Dahan dahan akong lumapit sa pintuan ng entertainment room at dinikit ko yung tenga ko sa pintuan. Gusto kong malaman kung nag uusap usap ba sila or what.




"You know what kuya Andres? First time naming magkaroon ng kuya." Masayang sabi ni Carmella.





"Oh really? Edi ngayon ako na ang kuya nyo, ipagtatanggol ko kaya sa lahat ng mang aaway sainyo." Rinig kong sabi ni Andres.





"Wag kang maniwala jan, duwag yang si Andres." Sabi naman ni Atasha kaya naman napatawa ako ng malakas.






"Ate pumasok ka kaya para di ka mahirapang makinig jan." Mataray na sabi ni Isabella.







Problema nitong batang to.



"Saan ka galing bakit hindi ka nakikisali sa kanila?" Tanong ko kay Isabella.





"Ang ingay ni Andres hindi ako makapagfocus sa pinapanood ko." Sabi ni Isabella sabay irap.




Hinila ko si Isabella papalayo sa Entertainment Room para hindi marinig nila Andres at Atasha ang sasabihin ko kay Isabella. "Isabella ito ang tatandaan mo, mas matanda sayo si Andres kaya dapat tinatawag mo syang kuya!" Inis na sabi ko. "Kailangan nila tayo dahil wala na silang mommy."








"So makikihati sila sa atin? Ganon ba yon ate?" Kahit kailan napaka talas ng dila talaga. Ewan ko ba at nagkaganito si Isabella.





"Hindi sa ganon, kailangan nila ng karamay wala silang ibang relatives na nandito. Gusto mo bang maranasan nila ang naranasan natin dati?" And because of that question iniwanan nya ako.





Kahit kailan talaga Isabella! Nakakainis talaga ang batang yon. Huminga ako ng malalim at pumasok ako sa entertainment room.





"Hi Ate!" Bati nilang tatlo sa akin.





"Hello! So kamusta ang bonding nyong tatlo?"






"It was so great Ate! Sobrang bait ni Kuya Andres and Ate Atasha." Masayang sabi ni Carmella.





"How about you guys?" Tanong ko kala Atasha at Andres.





"The feeling is mutual Ate, sayang hindi na bumalik si Isabella. Sobrang kulit kasama ni Carmella." Sabi ni Andres.





Please Come Back IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon