Thirty Nine

317 5 0
                                    

Lea's POV


Nandito na kami ngayon sa bahay namin at masasabi kong kumpleto na talaga kami. Kitang kita ko kung gaano katanggap nila Mommy, Gerard at Crystal ang mga anak ni Aga.



Habang kumakain kami ay sinabayan na namin ang kwentuhan, ang bawat isa sa amin ay may masasayang kwento kala mommy.









"Alam mo ba Abu napakabait nila Ate Atasha at Kuya Andres palagi kaming naglalaro sa bahay ng mga larong hindi pa namin nasusubukan." Masayang sabi ni Carmella.









"Yes Abu, tama po si Carmella halos araw araw kaming naglalaro sa bahay kasama sila at araw araw din pong maingay ang bahay dahil sa amin." Masayang pagsang ayon naman ni Isabella.







"Well mukhang hindi nyo na kailangan pang mag getting to know each other pa dahil magkakasundo na kayo at mukhang alam nyo na ang ayaw at gusto ng isa't isa. Ipagpatuloy nyo lang yung ganyan, basta walang mag aaway hah." Sabi ni mommy sa mga bata.







"Nako Mommy, hindi mo na mapaghihiwalay yang apat na yan, sobrang magkakasundo po sila." Sabi ko.






"Next time mag overnight kayo sa bahay ko para naman sumaya ang bahay ko. By the way Andres and Atasha call me Abu ok?" Masayang sabi ni mommy.







"Yes Abu." Sabay nilang sabi.








Napuno ng tawanan at kwentuhan ang hapag kainan namin, mukhang ito na ang pinaka masayang araw na naexperience ko sa buong buhay ko. Ang sarap pala kapag malaki ang pamilya dahil madaming nagpapasaya.







"Babes tulala ka na naman jan." Tapik sa akin ni Aga.






"Masaya lang ako kasi nandito na tayo at malaki ang pamilya natin. Thank you kasi binalikan mo kami." Sabi ko kay Aga at niyakap ko sya.









"Ako dapat ang magpasalamat dahil tinanggap mo uli ako at ang mga anak ko. Mahal na mahal kita." Sabi ni Aga.







"Mahal na mahal din kita, walang iwanan." Sabi ko.







"Wala ng iwanang magaganap, I promise." Sabi ni Aga at hinalikan nya ako sa labi.







"EHHHEEEEEMMMM!" Malakas na sabi ni mommy.







"Mom." Gulat na sabi ko, kaya naman humiwalay ako sa pagkakayakap ko kay Aga.








"Pwede ko ba kayong makausap?" Tanong ni mommy.






"Yes mommy, doon po tayo sa may garden may table ang chairs po doon." Sabi ko at sabay sabay kaming nagpunta sa garden."Mommy tungkol saan po ba yung pag-uusapan natin?" Tanong ko.








"Gusto ko lang kayong icongratulate dahil magkasama na ulit kayong dalawa. Sana sa mga susunod na kabanata ng buhay nyo masaya pa din kayo parehas at ang buong family nyo. If ever na mag away man kayong dalawa pag usapan nyo ito at wag kayong magpadalos dalos ng desisyon. Make sure na walang masamang epekto yung gagawin nyong desisyon ok? Mangako kayo sa akin na hindi na ulit kayo maghihiwalay kahit anong mangyari." Mahabang sabi ni mommy sa amin.





"Pangako mommy." Sabay naming sabi ni Aga.






"Aga alagaan mo ang pamilya mo at higit sa lahat ingatan nyo ang relasyon nyo ni Lea dahil kapag nasira ulit yan ako na ang makakalaban mo ok? Tandaan mo yan." Matapang na sabi ni mommy kay Aga. "Ikaw naman Carmen, huwag na huwag kang susuko agad tandaan mo pinalaki kitang matapang, hayaan mong ang problema ang mamroblema sayo. Basta laban lang anak." Sabi sa akin ni mommy.







"I love you mom." Sabi ko at lumapit kami ni Aga kay mommy para yakapin sya.






"Paano mauna na kami ni Gerard." Sabi ni mommy sa amin ni Aga.





"Mag iingat po kayo." Magalang na sabi ni Aga at inihatid na namin sila Mommy at Gerard sa garahe.







"Ingat!" Sabi ko kala Mommy at Gerard.







Pagpasok namin nakita naming nagliligpit sila Crystal at Francis.






"Wow ang sipag naman pinsan ko at ng soon to be pinsan ko." Malakas na sabi ko at sinabayan ko ng tawa.




"Pasado naba ako sayo ate Lea?" Tanong ni Francis sa akin.






"Oo naman pasado kana sa una palang." Sabi ko kay Francis na tuwang tuwa.






"Tuwang tuwa ka naman Francis?" Pang aasar ni Crystal kay Francis.




Biglang dumating si Sarah at tinukso na ng tinukso ang Tita at Tito nya.






"Nako Tita make sure na matibay ang helmet nyang ni Tito Francis baka mamaya mauntog yan HAHAHAHAHA." Sabi ni Sarah.







"Ipapasemento ko tong ulo nya tsaka ko lalagyan ng Helmet para sigurado." Sabi ni Crystal.






"Teka kailan ba ang kasal ha?" Tanong ko sa kanila.








"Soon." Sabi ni Francis.








"Tita dapat abay ako jan ha."  Sabi ni Sarah.








"Aba oo naman, hindi pwedeng hindi ka aabay dapat nandon ka sa pinaka special na araw ko." Sabi ni Crystal.









Umalis na si Sarah dahil tinatawag sya ng mga kapatid nya na nasa Garden.







Hinila ko si Crystal at sinabing "Hoy Crystal Mari! Alam na ba ni Tita na ikakasal kana?" Tanong ko kay Crystal.








"Hindi pa heheheh." Sabi nya sa akin.








"Crystal naman bakit hindi mo pa sabihin kay Tita, matanda kana eh papayag yon." Sabi ko.








"Joke lang! Eto naman syempre sinabi ko kay mommy HAHAHAHAH."







"Ikaw lagi mo nalang akong niloloko!" Inis na sabi ko.







Bigla syang lumapit sa akin at may binulong na ikanapula ng pisngi ko.








"CRYSTAL MARIIIII!!!!" Sigaw ko at bigla syang tumakbo.

Please Come Back IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon