Twenty One

330 6 0
                                    

Lea's POV

Lately nag iiba na naman kilos ni Sarah, parang may tinatago na naman sya sa akin. Last time nagmamadaling umalis hindi man lang sinabi sa akin kung anong meron.


Kanina pag uwi nya nagmamadali syang pumasok sa kwarto nya, hanggang ngayon hindi pa nalabas.




"Mommy si Ate?" Tanong ni Carmella.




"Nasa kwarto nya, why?"





"Mommy pwedeng pakitawag si Ate?"






"Sure, wait lang pupuntahan ko sa kwarto nya." Paglabas ko ng kwarto namin sakto namang pababa si Sarah.





"Anak!"






"Ay palakang bukid!" Gulat na sabi ni Sarah "Mommy naman ginugulat mo ako eh! Paano kung nahulog ako."





"Anak ang OA mo." Sabi ko sabay irap.





"Wow mommy sige ka mahulog yang eyeballs mo HAHAHAHAHAH" Pang aasar sa akin ni Sarah.






Sinamahan ko nalang sya sa kitchen.






"Anak bakit nagmamadali kang pumasok kanina sa kwarto mo? May tinatago ka ba?" Sabi ko.






"Po? Anong tinatago? Wala po." Utal na sabi nya.





"ARABELLA!" Madiing sabi ko.





"Mommy wala talaga promise!" Sabi nya tapos tinaas nya pa yung right hand nya.








"Siguraduhin mo lang."





Habang kumakain sya pinapanood ko sya, hindi ko talaga sya titigilan hanggat hindi sya umaamin.





"Mom di ka pa ba aakyat?" Tanong nya.





"Hindi pa, bakit ayaw mo na ba akong makasama?" Sabi ko.





"Hindi naman sa ganon mommy."





Habang tinitignan ko sya napansin kong namumula ang ilong nya at parang umiyak sya, kaya ba sya umakyat agad kanina?






"Umiyak kaba?" Tanong ko.







"Hindi po."








"Sigirado ka? Ako wag mo akong niloloko Sarah alam mong ayoko sa lahat ang nagsisinungaling."








"Malamig lang talaga  sa labas mommy kaya ganto ako."






"Talaga?"






"Yes mommy." Nakangiting sabi nya.






"Sige na ubusin mo na yang pagkain mo at tinatawag kana ni Carmella." Iniwan ko sya wala naman akong napala.







"Mommy saan na po si Ate?" Tanong ni Carmella.








"Nakain lang susunod na din sya."







Habang wala akong ginagawa tinawagan ko nalang si Crystal.






Please Come Back IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon