Nine

339 8 0
                                    

Sarah's POV

Dalawang linggo na ang nakalipas magmula ng magcelebrate kami ng birthday ko kasama ang kambal. Dalawang linggo na din akpng naghihintay ng bati ni mommy pero parang nakalimutan nya na talaga ako. Nakalimutan nya ng may anak syang naghihintay.




Kinain na talaga sya ng trabaho nya, sa loob ng weeks na paghihintay ng tawag ni mommy wala akong napala. Ngayon ko lang talaga nalaman na parang bali wala na talaga kami kay mommy.



Nandito ako ngayon sa kwarto ko nag aayos ako ng gamit ko mamaya na ang alis namin ng kambal, mabuti nalang at  maagang  natapos yung project ko kaya napaaga din ang alis namin.




Hindi ko na din pinaalam kay mommy na pupunta akong New York kasama ang kambal, parang bali wala naman kami kay mommy kaya bakit pa ako magpapaalam.




Habang inaayos ko ang gamit ko naririnig kong nagsisigawan yung kambal sa kwarto nila kaya naman napatakbo ako papunta sa kwarto nila.




"Bakit kayo nagsisigawan?" Sabi ko.





"Ate kasi yung necklace na binigay sa akin ni mommy tinago ni Carmella." Sumbong ni Isabella.




"Hindi ko nga tinago sabi! Bakit ko naman itatago yon ate?" Sabi ni Carmella.





"Tsaka nyo na hanapin yon, malalate tayo sa flight natin, gusto nyo bang hindi na tayo makarating sa New York?" Sabi ko.





"Eto nga ate nag aayos na." Sabi ni Isabella.






"Ayusin nyo yan ha! Ayokong nag aaway kayo. Nanjan lang yung necklace mo hindi mo lang hinahanap ng ayos Isabella." Sabi ko at lumabas na ako sa kwarto nila.





Bumalik ako sa kwarto ko para ayusin ang iba kong gamit, konti lang ang dinala ko dahil may mga gamit pa akong naiwan sa New York.



After 1 hour narinig ko na may bumisina, si Tita Crystal yon kaya tumakbo ulit ako pababa para pagbuksan si Tita ng pinto.





"Ready na kayo?" Tanong ni Tita.




"We're ready Tita, nasa taas pa yung gamit namin." Sabi ko naman.




Umakyat si Tita Crystal sa taas para silipin ang kambal. Ako naman ay nagpunta sandali sa kitchen para makagawa ng snacks namin.




Nilagay ko sa table yung ginawa kong snacks sakto namang pababa na sila.





"Kumain muna kayo at mahaba ang byahe natin papuntang airport." Sabi ko sa kanila.




"Yes ate!" Sabi ng kambal.





Umakyat naman ako para kunin ang bagahe ko. Bago ko isara ang pinto ng kwarto sinigurado ko munang  wala akong nakalimutan. Dumaan din muna ako sa kwarto ng kambal para icheck kung patay yung ilaw.
Bago ako tuluyang bumaba dumaan na din ako sa kwarto ni mommy.





Pagpasok ko kinuha ko yung family picture namin, ito yung kauna unahang family picture namin na masasabi kong buo kami. Buntis dito si mommy sa kambal kaya buo kami.




"Daddy see you! Hahanapin kita at hinding hindi ako titigil na hanapin ka. Mahal na mahal ka namin ng mga kapatid ko. Malapit na tayong mabuo. Papunta na kami jan! I love you dad!" Niyakap ko yung picture frame at kiniss ko.




Please Come Back IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon