Thirteen

387 11 2
                                    

Sarah's POV

Two days na ang nakalipas magmula ng maospital si Carmella, Two days na din kaming hindi nag iimikan ni mommy. Nandito ako ngayon sa central park nagbabaka sakaling makita ko dito si daddy.



Iniwan ko nalang muna yung kambal dahil gusto ko din namang mag isa muna.




Habang nagmumuni muni ako biglang nagring yung phone ko, si Tita Crystal tumatawag kaya sinagot ko agad.




"Hi Tita!" Bati ko.




"Sarah nasaan ka?" Tanong ni Tita.




"Nasa park nagpapahangin po, why?"





"Kamusta na kayo?" Tanong nya.






"Ayos naman po Tita."





"Parang hindi eh." Sabi nya.





"What do you mean Tita?"







"Ang mommy mo ayos na ba kayo?"







"I don't know." Sabi ko.






"Sarah makinig ka sa akin, ito ang tatandaan mo kahit anong mangyari mommy mo pa din si Lea, kung may nagawa man syang mali sana patawarin mo na bago pa mahuli ang lahat." Sabi ni Tita Crystal.





"Susubukan ko po."





After namin mag usap ni Tita nagdecide ako na maglakad lakad nalang muna. Habang naglalakad ako ang dami kong nakakasalubong na tao.




"Aray!" Sigaw ko sa binatang lalaki na bumangga sa akin.




"I'm so sorry ate!." Sabi ng binatang lalaki, pamilyar yung  mukaha nya sa akin.





"Pinoy ka?" Tanong ko.





"Yes po." Sabi nya.






"Bakit nagmamadali ka?" Tanong ko.







"I need to buy medicine para kay mommy, I have to go na po Ate! Sorry again, Bye!" Tumakbo na sya palayo sa akin.






Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad ko hanggang sa nakarating ako sa dulo ng park. Habang pinapanood ko ko ang mga batang naglalaro nakita ko na naman yung lalaki na tumatakbo.






Hindi ko alam kung bakit gusto ko syang sundan parang may something sa lalaking yon.





Tumakbo na din ako para maabutan ko sya, nakita ko syang dumiretso sa kotse kung saan may dalawang babae kaya lumapit na din ako para makatulong sa kanila.





Paglapit ko nagulat ako sa nakita ko, isang babaeng namumutla at nanghihina.





"Ate you're here." Gulat na sabi ng binatang lalaki.








"Sinundan kita kasi parang kailangan nyo ng tulong."





"Ate pwedeng po bang tulungan mo kaming buhatin si mommy?" Tanong ng isang dalaga, I think magkapatid sila.






"Sure." Binuhat namin ang mommy nila na nanghihina at inayos namin ang upo.





"Thank you." Mahinang sabi ng mommy nila.





After nilang painumin ng gamot ang mommy nila lumapit sa akin yung babae. I think she's 19 year's old.






"Thank you ate!" Nagulat ako kasi niyakap nya ako.






"You're welcome."





"Ate we have to go na, baka dumating na yung daddy namin sa bahay." Sabi ng binata.






"By the way eto yung number ko, if you need anything just call me ok?"Sabi ko.







"Thank you ate! Bye!"







Bago sila umalis ay nilapitan ko ang mommy nila, "You can do it! Labanan mo po ang sakit mo I know you are strong!"







Pagkaalis nila ay bumalik na ako sa parking lot at bumalik na ako sa bahay namin.




Pagbalik ko sa bahay namin ang tahimik, nasa kwarto siguro ang kambal. Kaya namab durmiretso ako sa kitchen para uminom ng tubig.






"Ayaw mo na ba sa akin?" Nagulat ako kasi biglang nagsalita si mommy sa likod ko.






"I'm tired." Sabi ko kahit hindi naman talaga ako pagod.







"Please mag usap tayo." Pagmamakaawa ni mommy.
"I'm sorry kung iniwan ko kayo, sorry kung galit ka pa din sa akin dahil sa pagka ospitap ni Carmella. Bumabawi na ako sainyo anak please naman."






"Kung napipilitan ka lang po sa pagbawi ng pagkukulang mo sa amin then go mommy, balikan mo na yung trabaho mo." Diretsong sabi ko.







"Hindi mo na ba talaga ako kayang patawarin? Gaano ba kalaki ang kasalanan ko sayo anak? Anong dapat kong gawin para mapatawad mo ako?"
Umiiyak na sabi ni mommy.







"Akyat na po muna ako sa kwarto ko."






"Bakit ba hirap na hirap kang patawarin ako? Samantalang ang daddy iniwanan tayo ng walang dahilan pero gustong gusto mo syang makita. Bakit anak? Nandito na ako oh pero pinagtutulakan mo pa ako palayo sainyo."






"Gusto mong malaman kung bakit mommy? Ikaw nalang  nga ang meron sa amin pero ikaw mismo yung lumalayo mommy! Sumuko ka agad mommy! Nagsinungaling ka! Hindi ka totoong masaya kaya nagagalit ako. Hindi mo pinaglaban si daddy hinayaan mo nalang syang mawala sa atin ng tuluyan!" Sigaw ko kay mommy, sobrang bigat na ng nararamdaman ko. "Ang masaklap pa wala na nga si daddy pati ikaw nawala na din."








"Pero nandito na ako! Pilit mo pa akong pinapaalis."  Sabi ni mommy habang umiiyak.






"Hindi kita pinapaalis, pinaparealize ko lang sayo kung ano yung nagawa mong mali pero hindi ka aware." Sabi ko at umakyat na ako sa kwarto ko.







Pagkapasok ko sa kwarto ko nilock ko yung pinto at tumakbo ako papunta sa kama at sinubsob ko ang mukha ko.







"AHHHHHH BAKIT ANG DAYA! HINDI KO DESERVE TONG SAKIT NA NARARAMDAMAN KO! ANG SAKIT SAKIT NA!" Sigaw ko habang nakasubsob ako.








Biglang may kumatok sa pintuan ko, "Ate are you ok?" Rinig kong sabi ni Isabella.








Tumayo ako at nagpunas ako ng luha, "Yes I'am!" Sigaw ko kay Isabella.







"Are you sure?" Tanong nya.







"Yes 100 percent sure, bumalik kana sa kwarto nyo baka hinahanap kana ni Carmella, magpapahinga lang muna ako." Sabi ko kay Isabella.




















I need to get away from everything for a while, I'm tired.

Please Come Back IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon