Thirty Six

321 7 0
                                    

Aga's POV

After kaming mahuli ni Sarah hindi pa din ako kinakausap ni Lea. Tahimik lang kaming kumakain ngayon at parang walang may gustong magsalita.




Ang sarap sa pakiramdam na buo na kami, wala na akong iisipin pang iba kundi kung paano ko sila papasayahin.





Ngayon hindi ko na sasayangin itong chance na to, babawi ako sa mga anak ko lalo na kay Lea.  Hindi ko na sila iiwanan pang muli. Gagawa kami ng panibagong alaala na hinding hindi namin malilimutan.







"Dad yung pagkain mo lalamig yan, kanina kapa tulala jan." Bulong sa akin ni Andres.







"Sorry." Sabi ko at nagpeace sign ako.







Tinititigan ko si Lea habang kumakain kami, sobrang swerte ko talaga kay Lea, hindi ako nagkamaling sya ang minahal ko, nasa kanya na ang lahat.







Patay nahuli nya akong nakatitig sa kanya at sabay sabing "What?" Tinawanan ko nalang sya at itinuloy ko ang pagkain ko. Kahit kailan talaga ang sungit, kaya mahal na mahal ko sya eh.








"Dad sasama na po ba kayo sa amin pabalik sa Manila?" Tanong ni Carmella sa akin.








"I think kailangan pa naming mag usap ng mommy mo regarding jan sa question mo, don't worry hindi na tayo magkakahiwa hiwalay kung ayan ang iniisip nyo." Sabi ko sa kanila.








After namin kumain nagpunta na ang mga bata sa entertainment room, kami nalang ni Sarah at Lea ang naiwan dito sa kitchen.







"Mommy, Daddy? Anong sagot nyo sa question ni Carmella kanina?" Tanong ni Sarah.








"Hindi pa kami nag uusap ng mommy mo eh, siguro bukas may final answer na kami." Sabi ko kay Sarah.










"Why not bumalik tayo ng Pilipinas? Doon nalang tayo mag stay lahat. Tapos sila Andres at Atasha doon na din mag aral." Suggest ni Sarah sa amin ng mommy nya.








"Pag iisipan pa namin ng daddy mo yon, umalis kana dito at samahan mo na yung mga kapatid mo sa entertainment room." Sabi no Lea kay Sarah.









"Pero mommy dito muna ako." Pangungulit ni Sarah sa mommy nya.









"Go na anak, gusto lang akong masolo ng mommy mo pagbigyan mo na sya." Sabi ko kay Sarah  habang tumatawa.








"Alam mo ikaw Muhlach kung ano ano sinasabi mo jan sa anak natin, baka mamaya maniwala yan." Sabi ni Lea na mukhang naiinis ba.









"Bakit totoo naman yon ah." Akmang babatuhin nya ako ng spoon kaya sinabi ko agad na "Joke lang eto naman di mabiro. Sige na anak puntahan mo na ang mga kapatid mo. Mag lalambingan muna kami ng mommy mo ay este mag uusap pala." Sabi ko habang tumatawa.







Si Sarah naman wala ding humpay sa pagtawa at si Lea ayon namumula na naman sa inis.








Pag alis ni Sarah umupo si Lea sa harap ko at nag usap kami.






"Babes? Anong balak natin susundan naba natin ang kambal?" Pabirong sabi ko.







"Alam mo ikaw talaga! Nako konti nalang mapupuno na ako." Inis nyang sabi.








"Paano yung mapupuno? Can I see it?" Pabirong sabi ko ulit at akmang tatayo sya at iiwanan ako pero nahawakan ko yung kamay nya.  "Eto naman hindi mabiro nagagalit agad. Ok seryoso na tayo upo kana ulit babes."








"So nakapagdecide na ako, uuwi tayo ng Pilipinas at doon tayo mamumuhay . Si Andres at Atasha sa Pilipinas na din sila mag aaral, tatawagan ko mamaya si Crystal at paghahanapin ko sya ng school para kala Andres at Atasha." Sabi ni Lea.








"Ok ikaw ang bahala, kung anong desisyon mo, doon na din ako. Pero paano yung trabaho ko dito? Ano ako maiiwan dito?" Tanong ko kay Lea.







"It's up to you basta kami uuwi na ng Pilipinas." Mataray nyang sabi, hindi ko talaga maintindihan dito kay Lea kung bakit ang moody nya. Kung may nangyari man saaming dalawa mag iisip ako na buntis sya eh, pero wala namang nangyari kaya imposible.









"Hindi ako papayag na iwanan nyo nalang ako dito, bukas na bukas din magfifile na ako ng resignation. Hindi ko sasayangin itong chance na to na magkakasama tayo. Panahon na para magbago HAHAHAHAHAHA." Nakita ko namang tumawa si Lea.









"Very good! Tsaka pagdating naman natin ng Pinas for sure may nakaabang sayong trabaho don kaya wag kang mag alala hindi ka matetengga sa bahay kasama ang maiingay nating anak." Lumapit sa akin si Lea at kiniss nya ako.








"Sarap naman non, isa pa please." Sabi ko sa kanya.








"Mamaya nalang." Nakangiting sabi nya.









"Babes?" Tawag ko sakanya.







"Gawa tayong baby." Bulong ko sa kanya.







"Tsaka nalang may dalaw ako today." Nakangising sabi nya.








"Awww sayang, be ready kapag umalis na yang dalaw mo." Bulong ko ulit sa kanya at bigla syang tumawa ng malakas.







"ANG MANYAK MO TALAGA MUHLACH HAHAHA!" Sigaw ni Lea.








Namiss ko yung ganito, sana hanggang sa huli ganito pa din kami.

Please Come Back IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon