Eleven

370 9 0
                                    

Sarah's POV

Maaga kaming gumising ng kambal dahil gusto daw nilang maglakad lakad. Mabuti nalang at maayos na ang pakiramdam ni Carmella.



Dinala ko sila sa Central Park kung saan madaming pwedeng gawin. Umupo ako sa bench at hinayaan ko lang yung dalawa na magpicture picture.




Kinuha ko yung phone ko at pinicturan ko silang dalawa, hindi talaga sila mapaghihiwalay.



"Ate come here! Let's take a picture!" Sigaw ni Isabella. Lumapit naman agad ako.




After namin magpicture naglakad lakad kami sakto namang may nagtitinda ng food sa dinaanan namin kaya bumili na ako. Hindi pa kasi kami nag aalmusal kaya malamang gutom na din ang kambal.



Nag order ako ng tatlong sandwich and hot chocolate, hindi kasi buo ang araw namin kapag walang hot chocolate. Ewan ko ba siguro pinaglihi kami sa hot chocolate.



"Yehey! Let's eat!" Sabi ni Carmella.



"Hey! Slowly baka sumakit na naman yang tyan mo." Sabi ko.





Pagkaubos namin ng food naglakad lakad ulit kami sa park hanggang sa nakaramdam na ng pagod ang kambal.




"Ate kunin na natin yung car sa pinsan ni Tito Francis." Sabi ni Isabella.




"Sure! Wait lang tatawag ako ng taxi." Sabi ko at iniwan ko sandali ang kambal, nang makakuha na ako ng taxi agad kong bi alikan ang kambal at umalis nna kami sa park.





"Ate ganito pala ang buhay dito sa New York no, ang sarap parang walang problema ang mga tao dito." Sabi ni Carmella.





"Ayun ang akala mo, behind their smile, there's something na hindi natin alam." Sabi ko kay Carmella.







After 10 minutes nakarating na din kami sa bahay ng pinsan ni Tito Francis at agad nya namang binigay yung susi ng sasakyan. Umalis agad kami ng kambal dahil gusto daw nilang magroadtrip kaya ayon tinupad ko naman.




Magtatanghali na pero nasa kalsada pa din kami, kung saan saan nila gustong pumunta kaya naman dinala ko sila sa Brooklyn Bridge, tuwang tuwa silang dalawa dahil napaka ganda daw ng tulay.




Next destination namin ay sa The Metropolitan Musuem of Art.





"Ate sobrang ganda dito." Amaze na amaze si Carmella.






"Alam nyo ba madalas kaming magpunta dito nila mommy at daddy tsaka sa Rockefeller Center." Sabi ko sa kanila.






"Ate pwede mo ba din kaming dalhin sa Rockefeller Center ngayon? After natin dito." Bago ako sumagot ng OO ay tinignan ko muna ang oras magtatanghali na pala.






"Sige after natin dito doon tayo sa Rockefeller pupunta, doon na din tayo kakain ng lunch." Sabi ko.





After 1 hour natapos din kami sa pag iikot sa museum, pagkasakay naman ng kotse ayon knock out yung dalawa kaya naman habang nagmamaneho ako nagpatugtog nalang ako. Sakto namang Welcome to New York yung kanta kaya feel na feel kong sabayan.





"Ate sobrang lakas ng sounds mo, hinaan mo." Nakasimangot na sabi ni Isabella, nag peace sign nalang ako. Panira naman ng moment.







After 9 minutes nakarating agad kami sa Rockefeller Center. Naghanap muna kami kung saan pwedeng magpark at buti nalang may umalis agad kaya nakapagpark kami.








Please Come Back IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon