Two

450 12 2
                                    

Lea's POV

Nandito ako ngayon sa Australia dahil may concert ako, magmula ng maghiwalay kami ng Aga nagfocus ako sa trabaho ko. Mas naging busy ako dahil ayokong maalala na si Aga. Lahat ng pwede kong gawin sa industriya ng pag aartista ginawa ko na. Teleserya, Coach, News Anchor at iba pa.



Umikot ang buhay ko sa pag aartista, sumaya ang buhay ko dahil ang dami kong nadiscover na bago, madami akong nakilalang kaibigan.





Hindi ko na din masyadong nakikita ang mga anak ko, and to be honest miss na miss ko na sila, nawawalan na ako ng oras sa kanila.





Kinuha ko yung phone ko at tinignan ko yung mga picture ng mga anak ko. Madaming panahon ang lumipas dalaga na ang mga anak ko pero hindi ko na namalayan ang paglaki nila dahil sobrang busy ako.
Mabuti kasama nila si Sarah at naasikaso sila ng ate nila.





Miss na miss ko na sila kaya naman magvideocall kami ni Sarah.





"Hello anak?"





"Hi mom!" Nakita ko namang kakabangon nya lang sa kama.





"Kamusta na kayo?"




"Mom? We miss you so much, kailan ka uuwi dito?" Bakas sa boses nya na miss na miss nya na talaga ako.




Nakita ko naman tulog pa ang kambal, dalaga na sila.




"Mommy uwi kana dito please?" Nagulat ako dahil umiiyak ngayon si Sarah. "Umuwi kana po please kailangan ka namin. Miss na miss kana namin." Nakita ko namang pumasok sya sa CR.





"Anak alam mo namang hindi pa ako pwedeng umuwi kailangan ako ng trabaho ko, tsaka may contract akong pinirmahan." Pagpapaliwanag ko kay Sarah.




"Pero mommy mas kailangan ka namin, anak mo naman kami eh kaya please umuwi kana. Nagtatanong na ang kambal about sayo at kay daddy." Rinig na rinig kong humikbi si Sarah. "Alam mo mommy pag uwi ko kagabi galing taping naabutan ko si Isabella na nakadapa sa kama nya. Alam kong may problema sya kaya kinausap ko sya. Sinabi nya sa akin na kahit sa dinner man lang makasama ka namin."






Gustong gusto kong umuwi pero yung contract yung inaalala ko.





"Ms. Lea ikaw na po." Sabi ng PA ko.






"Anak I have to go." Papatayin ko na sana yung tawag ng biglang magsalita si Sarah. "Mas mahalaga pa talaga ang trabaho mo kesa sa amin. Sige na mom mag iingat ka jan palagi." Nagulat ako sa inasta ni Sarah hindi naman sya ganon dati.





Nakonsensya naman ako dahil sa sinabi ni Sarah,






After kong magperform bumalik na agad ako sa hotel room ko, tatawagan ko ulit si Sarah. Pagdating ko sa room ko umupo agad ako sa gilid ng kama.





Nakailang dial ako pero hindi nya na ito sinasagot yung tawag ko, for sure nagtatampo na naman ang anak ko sa akin.





Tinawagan ko naman si Crystal kasi alam kong nandun sya at sinasamahan nya ang mga bata. Sa unang dial ko mabuti nalang at sinagot nya.





Nagvideocall nalang kami para makita ko din ang kambal.






"Hi couz!" Eto na naman sya, kahit kailan ang kulit kulit pa din nitong pinsan kong ito.






"Hello! Hmmm Crystal pwede ko bang kausapin si Sarah?" Sabi ko.




"Sorry Lei pero wala sya dito eh nasa kwarto nya ata naliligo, pero yung kambal eto kumakain na ng breakfast."Pinakita nya naman sa akin yung kambal.







"Hi babies! Good morning!" Bati ko sa kambal, nag wave naman si Carmella, miss ko na ang bunso ko. Samantalang si Isabella naman ay tuloy lang sa pagkain. Nakita ko namang kinalabit ni Carmella si Isabella kaya napatingin si Isabella sa phone at nag smile lang.




Napakamoody talaga ng anak kong si Isabella, manang mana sa akin.




Tumabi si Carmella kay Crsytal at kinuha yung phone. "Mom kailan ka uuwi?" Malambing na tanong ni Carmella.





"Soon baby." Sabi ko sakanya.





"You know what mom? Umiiyak si Ate Isabella last night kasi miss na miss kana daw nya." Kwento ni Carmella sa akin, nakita ko namang tumayo si Isabella. "Ate saan ka pupunta? Hindi mo ba kakausapin si mommy? Halika muna dito oh diba miss na miss mo na si mommy." Sabi ni Carmella.



"Pupuntahan ko lang po si Ate." Pagpapaalam nya sa akin, bigla tuloy akong nalungkot dahil yung dalawa kong anak ayaw na akong kausapin.




Kailangan ko na siguro talagang bumalik ng Pilipinas ayokong lumaki pa tong issue namin.





Nagkwentuhan nalang kami ni Carmella at Crystal, kitang kita ko sa mata ng anak ko yung sayang nararamdaman nya. Napaka sweet talaga ng bunso ko, ibang iba sya dun sa dalawa nyang ate.





"Mom kapag umuwi ka dito magswimming agad tayo ha." Sabi ni Carmella.





"Yeah sure, magbobonding tayo ng mga ate mo pagbalik ko jan, ano bang gusto mong pasalubong?" Tanong ko kay Carmella.





"Kahit wala po mommy basta umuwi ka nalang dito, alam mo ba mommy si Ate Sarah never nya kaming iniwan. Lagi nya kaming kasama kahit saan sya magpunta except lang kapag sobrang layo ng pinupuntahan nya. Naalala ko nga last night pagod na pagod si ate pero mas pinili nyang samahan muna kami bago matulog. Mom kailan ka po ba kasi uuwi?" Pangungulit sa akin ni Carmella.







"Soon anak, basta magugulat ka nalang nanjan na ako at katabi mo na ako." Masayang sabi ko, napangiti nama si Carmella.







"Mommy I have to go na po, tinatawag na po ako ni Ate. Bye mommy I love you! Take care!" Nagflying kiss naman si Carmella.






Binalik na ni Carmella yung phone ni Crystal, "Crystal thank you at nakausap ko ang anak ko. Thank you din kasi nasasamahan mo sila."







"Sus ano kaba wala yon, sige na mag iingat ka jan ha! I love you." Pinatay ko na yung tawag.








Humiga ako sa kama kailangan kong mag isip ng maayos, gusto ko ng umuwi at makasama ang mga anak ko, ang laki ng pagkukulang ko sa kanila lalo na sa kambal. Halos si Sarah na ang nagpalaki sa kambal.

Please Come Back IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon