Fourty Two

303 8 0
                                    


Sarah's POV



Nung makita kong nagsasayaw kanina sila mommy at daddy naghalo halo yung emosyon ko, naiyak ako sa sobrang tuwa dahil ngayon ko lang sila nakitang ganong kasaya lalo na si mommy, ngayon lang sya ngumiti ng ganon dahil dati kung ngumiti man sya at tumawa dati tipid lang pero ngayon iba na, ibang iba sa dating nakasanayan ko.





Nakakatuwa silang pagmasdan parang mga teenager lang sila kung kumilos, walang nagbago sa samahan nilang dalawa kahit nagkaproblema sila.






"Anak gising mo na ang mga kapatid mo." Sabi ni mommy sa akin.








"Yes mom!"  Sabi ko at agad naman akong umakyat sa mga kwarto nila para gisingin sila.








Una kong pinasok na kwarto ay yung kay Atasha. Mahimbing ang tulog ni Atasha, lumapit ako sa kama ni Atasha at pinagmasdan ko sya ng maigi kamukhang kamukha nya ang mommy nya. "Poprotektahan ko kayong dalawa ni Andres, pangako. Gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti nyong dalawa."  Bulong ko kay Atasha at bigla naman syang gumalaw kaya naman sinabi kong "Tash wake up!" Tapik ko sa braso nya at agad naman syang nagising.







"Good morning ate!" Masayang bati nya sa akin.








"Good morning!" Bati ko sa kanya at kiniss ko yung forehead nya. "Bangon kana, kakain na tayo." Sabi ko sa kanya.









"Ok ate susunod na ako magwawash muna ako ng face." Sabi nya at nagpunta na sya sa CR para maghilamos.








"Ok puntahan ko lang yung mga kapatid natin, bumaba kana sa kitchen nandon na si mommy at daddy." Sabi ko at lumabas na ako ng tuluyan sa kwarto ni Atasha.









Next naman na kwarto na pinasok ko ay yung kay Andres, buti nalang gising na sya kaya hindi ako nahirapang gisingin sya.









"Andres punta kana sa kitchen kakain na tayo, nasa babana si mommy at daddy baka si Atasha din nandon na." Sabi ko kay Andres.









"Ok ate susunod na ako ayusin ko lang yung bed ko." Sabi nya at lumabas na ako sa kwarto ni Andres.








Ok hinuli ko na talaga yung dalawang kambal dahil matagal silang magising at mahirap silang gisingin. Kailangan pang pagpawisan ako para magising silang dalawa. Pagbukas ko ng pinto laking gulat ko ng makita ko silang nakatayo at nag aayos na ng mga kama nila.







"Wow! Good morning twins!" Gulat na sabi ko.







"Oh ate mukhang gulat na gulat ka?" Tanong sa akin ni Isabella.








"Wow himala!" Sabi ko habang pumapalakpak.









"Anong himala ate?" Tanong ni Carmella.










"Ang aga nyong nagising eh kaya isang himala ito." Masayang sabi ko. "Dahil maaga kayong nagising igagawa ko kayo mamaya ng paborito nyong kwek kwek." Sabi ko sa kanilang dalawa at tuwang tuwa namang sila.









Hinintay ko na silang matapos sa pag aayos ng bed nila at sabay sabay kaming nagpunta sa kitchen. "Good morning mommy!daddy!" Masayang bati ni Isabella at Carmella at nagkiss sila kay mommy at daddy. "Good morning Kuya Andres and Ate Atasha." 











"Good morning Carmella and Isabella!" sabay na sabi ni Andres at Atasha.









Umupo na kaming lahat at nagsimula ng kumain, habang kumakain kami syempre hindi na mawawala ang kwentuhan ng biglang may sinabi si daddy na ikainatuwa namin. "Ok guys be ready after natin kumain aalis tayo."










"Saan naman po tayo pupunta daddy?" Tanong ni Carmella.







"Sa Batangas." Maikling sabi ni Daddy.









"Pero bakit tayo pupunta ng Batangas? Anong meron dad?" Tanong ko.









"Basta wag ng madaming tanong, ano sasama ba kayo or hindi?" 








"Sasama po." Sabay sabay naming sabi.









"Sige bilisan nyong kumain jan para maaga tayong makarating sa Batangas, 3 days tayo don kaya dapat madami kayong damit na dala." Sabi ni dad.









"Wait dad, sa rest house ba tayo nila Tita Crystal pupunta?" Naguguluhang tanong ko.








"Rest house natin anak." 









"What? natin? kailan pa tayo nagka rest house at sa Batangas pa?" Gulat na tanong ni Mommy, mukhang nasurpresa din si mommy dahil hindi nya din alam na may rest house na pala kami sa Batangas.











"haysss ang daming tanong." Bulong ni daddy pero narinig ko yon dahil magkalapit lang kami.








Napailing nalang ako dahil napakahilig talaga ni daddy sa surprise.











After naming kumain bumalik na kami sa mga kwarto namin para mag ayos ng mga dadalhing damit namin. Kinuha ko yung malaking bag ko at nilagay ko lahat ng maaring pwede kong gamitin. Pagkatapos kong mag ayos ng mga gamit ko lumabas ako ng kwarto ko at pinuntahan ko si Isabella at Carmella at tinulungan ko silang dalawa na mag ayos ng mga gamit nila.










"Ate anong trip ni daddy?" Tanong sa akin ni Isabella.









"Ewan ko kay dad at biglang nakaisip na magbakasyon tayo sa Batangas." Sabi ko.








"Kakaiba talaga si daddy." Sabi ni Carmella.











"Yes! Kakaiba talaga sya, mahilig sa surprise si dad, kaya wag na kayong magulat hahahaha." Sabi ko sa kanilang dalawa at tumawa nalang din sila. "Sige na ako na ang magpapasok ng mga gamit nyo sa bag, maligo na kayo. Isabella dun kana sa Bathroom ko maligo para hindi na kayo maghintayan ni Carmella."








Pagkatapos kong ilagay yung mga gamit ni Isabella at Carmella sa mga bag nila ang next na kwarto naman na pinasok ko ay yung kay Atasha, pero mukhang hindi nya na kailangan pa ng tulong ko dahil nakaayos na ang mga gamit nya.







Lumapit ako sa pinto ng bathroom nyo at kumatok ako sabay tanong na, "Tash nandito na ba sa bag mo lahat ng gamit na dadalhin mo?"








"Yes Ate nasa bag ko na po lahat."






After nyang sumagot lumabas na din ako sa kwarto nya at pinuntahan ko naman si Andres sa kwarto nya, pagpasok ko nakaupo sya sa gilid ng kama nya at mukhang namomroblema."Hey! Anong problema at nakabusangot ka?" Tanong ko.









"Ate hindi ko maipasok sa bag ko yung mga damit eh, hindi ako marunong magtupi." Nakasimangot na sabi nya kaya naman humagalpak ako ng tawa.








"Nako ayun lang ba? sige na ako na ang maglalagay sa bag mo ng mga gamit mo, make sure na nandito na lahat ng kailangan mo. sige na maligo kana ako na ang bahala dito sa mga gamit mo." Sabi ko sa kanya at pumasok na din sya sa bathroom nya.









Ang mga kapatid ko talaga kahit kailan parang mga baby padin.

Please Come Back IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon