Fourty Six

341 5 0
                                    

Atasha's POV



Naalala ko yung sinabi ni Daddy kanina na papakasalan nya ulit si mommy Lea, masaya ako para kay daddy at mommy Lea dahil finally hindi na ulit sila magkakahiwalay at wala ng dahilan para maghiwalay silang dalawa.










Habang kumakain kaming napansin ko si daddy na parang kinakabahan kaya naman kinalabit ko sya pero nginitian nya lang ako.








Hindi ko maintindihan si daddy kung napapano sya. Ilang sandali lang ay tumayo si daddy at nagpaalam na may kukunin lang daw sya sa loob.










Siguro mga 10 minutes din bago makabalik sa amin si daddy pero wala naman syang dala.









"Sarah diba may niready kang laro?" Tanong ni daddy kay Ate.









"Yes dad! Why?"








"Simulan na natin ngayon?" Sabi ni Dad.










"Wow daddy ang palaban mo."  Biro ko at tumawa naman sya.










"Yes! Tatalunin natin ang team ng mommy mo."  Sabi ni dad.









"Well hindi ka sure kung matatalo mo kami." Sabi ni mommy.










"Let see." Mayabang na sabi ni Daddy.










Nagpahinga lang kami ng mga 30 minutes at sinimulan na namin ang laro. Naka 4 points na sila mommy habang kami naman ay 2 points palang.












"Kaya natin to, first set palang naman at mahaba pa ang oras. Tatalunin natin ang team ng mommy nyo girls! Magtiwala kayo kay daddy ok? Dati akong naglalaro nito." Sabi ni daddy kaya naman tumawa nalang kami ni Isabella.











Dahil si mommy ang magseserve si daddy naman ang rereceive. Feeling ko mali na nasa receive area si dad nagcross finger nalang ako dahil nakita ko kung paano sinerve ni mommy ang bola.









Lumingon si daddy sa amin at kumindat pa kaya naman napasigaw si Isabela ng "Daddy yung bola!"








At nangyari na nga ang kinakatakot namin ni Isabella, tumama sa face ni daddy yung bola dahilan para matumba sya sa buhangin.







Lumapit kami ni Isabella at itinayo namin si Daddy. "Daddy bakit ka kasi lumingon pa ayan tuloy natamaan ka sa mukha." Sabi ni Isabella.









"Babawi tayo, inaasar lang tayo ng mommy nyo." Sabi ni dad.









Tinotoo nga ni dad yung pagbawi, ngayon kami na ang lamang 8 ang score nila mommy habang kami naman ay 12.







Nagpatuloy ang laban namin nila mommy at daddy kahit gabi na, mabuti nalang at may ilaw kaya nakikita pa namin yung ginagawa namin.









Nanalo kami sa unang set kaya imis na inis si mommy Lea habang si daddy naman ay patuloy lang sa pang aasar kay mommy Lea.









Second set na pero kami padin ang lamang, 5 ang score namin habang sila mommy ay 0 pa din. Mas tumaas pa ang tensyon kala mommy at daddy ng mapalakas ni daddy yung pagpalo sa bola kaya natamaan si mommy ulo.










Please Come Back IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon