Twelve

388 10 0
                                    

Lea's POV

Ganadong ganado ang mga anak ko sa pagkain lalo na ang kambal, halatang namiss nila ako at ang luto ko. Si Sarah naman ay kanina pa tahimik tapos adobo lang ang kinakain nya.





"Mommy the best talaga ang luto mo." Sabi ni Isabella.







"Thank you anak, basta para sainyo gagawin ko." Sabi ko.





After namin kumain pinaakyat ko na ang kambal sa kwarto namin at pinagshower ko na sila dahil galing sila sa labas.




Kami nalang ni Sarah ang naiwan dito sa kitchen, hindi nya pa din talaga ako iniimik. Busy sya sa pag aayos ng mga pinamili nila. Napakabait ng anak ko kaya mahal na mahal ko si Sarah.






"Samahan nyo na po ang kambal sa taas, ako na pong bahala dyan sa mga hugasin iwan nyo nalang po jan." Sabi nya.





"Ako na , wala naman akong ibang gagawin."






"Ayos lang po, ako na jan. Puntahan mo na po ang kambal sa kwarto miss na miss ka na nila." Cold na sabi nya





"Ikaw hindi mo ba ako namiss?" Tanong ko kay Sarah.




Tumingin sya sa akin at ngumiti ng bahagya. "Sanay naman na po akong wala ka."







"MOMMY SI CARMELLA!!!" Sigaw ni Isabella kaya naman napatakbo kami ni Sarah sa kwarto at nakita naming walang malay si Carmella.






"ANONG NANGYARI ISABELLA!" Sigaw  ni Sarah kay Isabella na ngayon ay umiiyak na dahil sa takot.




"Sabi nya kanina ate masakit daw tyan nya tapos nahihirapan daw syang huminga, nag cr lang ako and pagbalik ko nakahandusay na sya jan." Umiiyak na sabi ni Isabella.






Hindi ako makagalaw dito sa pintuan, first time kong makita ang anak kong ganon.






"Mom nilagyan mo ba ng peanutbutter yung Caldereta?" Pasigaw na tanong ni Sarah.






"Yes nilagyan ko." Nanginginig kong sabi.






"REALLY MOM? NILAGYAN MO TALAGA? HINDI MO BA ALAM NA MAY ALLERGY SI CARMELLA SA PEANUTS!" Sigaw sa akin ni Sarah.








"Ate wag mong sigawan si mommy, dalhin na natin si Carmella sa hospital." Sabi ni Isabella.






"I'm sorry hindi ko alam." Umiiyak kong sabi.







"Dahil iniwan mo kami kaya wala kang alam." Sabi ni Sarah sa akin at dinaanan nya lang akong parang hangin.



Kahit galit si Sarah sumama pa din ako sa hospital at ako na ang nagdrive. Hinanap ko agad si Ghayle para sya na ang mag asikaso kay Carmella. Binigyan agad si Carmella ng first aid.






"Mommy magiging maayos naman si Carmella diba?" Sabi ni Isabella habang yakap ako.







"Magiging ayos din sya." Sabi ko.





Pagkalabas ni Ghayle sa ER nilapitan ko agad sya. "Ghayle kamusta si Carmella?" Tanong ko.





"Maayos na ang lagay nya, buti nalang at naagapan at nadala nyo agad sya dito. Maya maya lang magigising na sya. Sumama ka sa akin sa office at may ibibigay ako sayong gamot para kay Carmella."  Sumunod naman ako at iniwan ko muna si Sarah at Isabella sa waiting area.





Please Come Back IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon