Twenty Four

313 10 0
                                    

Isabella's POV

Umpisa palang hindi ko na sila gusto parehas, nakakainis sila specially yung Andres napaka ingay ayoko pa naman sa lahat maingay.




Kanina pagkadating nila nakita ko yung Atasha  sa kwarto ni Ate tapos biglang dumating si mommy kaya nagtago ulit ako.




Narinig kong nagtanong yung Atasha kay mommy na kung pwedeng yakapin sya at nag yes naman si mommy and because of that I really really hate her.




Inagaw na nga nila sa akin si Carmella, Ate Sarah pati ba naman si mommy kinukuha na nila yung atensyon I hate them both.





Naririnig ko naman silang nagtatawanan sa baba, nakakainis lang kasi hindi ako part ng kasiyahan nila. Naluha na talaga ng dalawang yon sila mommy.





Binukasan ko yung pintuan para silipin sila sa living area.





"Boom Carmella!" Rinig kong sabi ni Ate.




Sinara ko na ulit yung pinto at umupo ako sa may malapit sa pintuan.





Naririnig ko silang nagtatawanan kaya mas lalo akong naiinis.





"Wait lang! Ikukuha ko lang si Atasha ng towel sa kwarto ko." Rinig kong sabi ni mommy kaya naman agad akong tumakbo sa kama at nagtakip ako ng unan.




"Anak ayaw mo bang sumali sa amin?" Tanong ni mommy sa akin pero hindi ako sumagot, nagpanggap lang akong tulog.






Umalis na si mommy sa tabi ko ng marealize nyang tulog talaga ako kahit hindi naman.






"Taya!" Rinig kong sabi ni Carmella.




Sinilip mo ulit sila sa pintuan nakita ko namang naghahabulan sila, kaya pala ang iingay kasi naghahabulan na sila.






Kinuha ko yung phone ko at earphone para hindi ko sila marinig, tinodo ko yung volume para hindi ko sila marinig at tuluyan na akong nakatulog.








Pagkagising ko tinignan ko yung phone ko, gosh ganon na ba ako katagal nakatulog, kanina maliwanag pa ngayon madilim na. 7 o'clock na ng gabi. Bumaba ako para kumain na, pero bago pa ako tuluyang makarating sa kitchen naririnig kong may nagtatawanan.




"Ate! Bakit mo pinahid sa mukha ko yung ketchup?" Rinig kong sabi ni Atasha.





Si Ate naman tawa ng tawa  pati si mommy tumatawa din, siguro nasa entertainment room si Carmella at Andres.





"Para kang clown Hahahahahah." Rinig kong sabi ni mommy.






"Mommy Lea naman eh." What? Tama ba ang narinig ko? Mommy ang tawag nya sa mommy ko.





Nakakainis talaga, nakakawalang ganang kumain, babalik na sana ako sa kwarto ng makita ako ni Carmella.





"Ate anong ginagawa mo jan? Bakit ayaw mong lumapit don?" Tanong ni Carmella.






"Nawalan na ako ng gana, aakyat na ako, sabihin mo kay mommy hindi ako kakain kasi busog ako." Pagsisinungaling ko kahit kumakalam na yung sitmura ko.





"Sure ka ate busog ka?"





"Yes, sure ako." Taas kilay na sabi ko.







"Eh bakit may naririnig akong kumukulong tyan?" Tumatawang sabi ni Carmella.







"Ewan ko sayo, jan kana babalik na ako sa kwarto." Iniwan ko si Carmella at bumalik na ako sa kwarto.







Anong gagawin ko? Gutom na talaga ako dahil hindi ako nakakain ng snacks kanina.






Maya maya pa narinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto. "Isabella? Kakain na, halika na sa kitchen." Sabi ni Atasha.





"Busog pa ako mauna na kayo." Sabi ko.





"Ok." Sabi nya.







Nagugutom na talaga ako kahit labag sa kalooban kong sumabay sa kanila wala akong magagawa dahilgl gutom na gutom na talaga ako.





Bumaba na ako sa kitchen at tumabi ako kay Carmella.





"Ate akala ko busog ka pa?" Nakangiting sabi ni Carmella na halatang nang aasar.






"Kung wala kang magandang sasabihin Carmella, shut up ka nalang." Bulong ko kay Carmella.







Tahimik lang kaming lahat habang kumakain, after naming magdinner umakyat agad ako sa kwarto. Nagulat nalang ako dahil nakasunod na pala sa akin si mommy.






"Anak ayos kalang ba? Kanina ko pa napapansin na tahimik ka,may masakit ba sayo tell me." Sabi ni mommy.






Niyakap ko nalang sya ng mahigpit sabay sabing, "Ayos lang po ako mommy, don't worry walang masakit sa akin, wala lang po talaga ako sa mood." Nakangiting sabi ko.








"Ganon ba, basta sabihan mo agad ako kapag may nararamdaman kang masakit ok?"







"Yes mom, sige na po bumalik kana don baka hinahanap ka na nila, dito lang muna ako sa kwarto." Sabi ko at humuwalay na ako sa pagkakayakap ko kay mommy.







Sana umuwi na yung dalawa para masolo ko na si Mommy, Ate Sarah at Isabella.


Please Come Back IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon