Fourty

313 6 0
                                    

Sarah's POV




Nandito kami ngayon ng mga kapatid ko sa garden at nakukwentuhan, hindi pa kami umaakyat sa mga kwarto namin magmula ng dumating kami dito sa bahay.





"CRYSTAL MARIIIII!!!" Sigaw ni mommy na nagmumula sa kitchen. Napailing nalang ako dahil inasar na naman siguro ni  Tita si mommy.





"Bakit nasigaw si mommy Lea?" Nag aalalang tanong ni Atasha.






"Wag nyo ng pansinin yon, inasar na naman siguro ni Tita Crystal si Mommy kaya sya sumigaw." Sabi ko sa kanila.





"Ate Atasha, Kuya Andres normal na yang ganyan kapag magkasama si Mommy at Tita Crystal kaya wag na kayong mag alala." Sabi ni Isabella.






"Ahh ganon ba." Sabi ni Andres.





Mayamaya pa ay nakita naming tumatakbo si Tita Crystal at hinahabol na sya ni Mommy, Oh no hhindi ito magandang pangitain.






"Bumalik ka dito!" Sigaw ni mommy kay Tita Crystal.






Kami naman ng mga kapatid ko ay nagtatawanan lang  dahil para silang mga bata na naghahabulan.






"Mommy! Tita tumigil na kayo!" Sigaw ko sa kanila pero bigla naman silang tumigil at lumapit sa akin.







"Bakit Mommy at Tita? Anong gagawin nyo sa akin?" Tanong ko sa kanilang dalawa na may mukhang binabalak na hindi maganda. Hinawakan nila ako sa wrist ko at tinulak nila ako sa swimming pool.







"ANG LAMIG!!!" Sigaw ko, ilang saglit lang ay tinulak ni Isabella si Tita Crystal kaya naman tuwang tuwa si mommy pero kung inaakala nyang ligtas na sya nagkakamali sya.






Tumayo sila Andres, Atasha at Carmella tapos itinulak nila si mommy. Tuwang tuwa silang apat dahil naitulak na nila si mommy.







Biglang dumating si daddy at tinanong nya kami."Bakit ang ingay nyo?"







"Nagkakatuwaan lang po kami daddy." Sabi ni Andres.







Nang lumingon sa akin si daddy minustra ko na itulak nya yung apat at sa isang iglap nasa pool na din ang mga kapatid ko.






"DADDY!!!!!!"  Malakas na sigaw ni Isabella.





"HAHAHAHAHAHA!" Malakas na tawa ko.







"Babes paki kuha naman kami ng mga towel, salamat." Sabi ni mommy at naghiyawan kami.






"Ayieeeee." Sabay sabay naming sabi.







"Tse." Sabi ni mommy.






Bumalik din si daddy at dala nya na yung mga towel, at sabay sabay kaming umahon.





Sabay sabay kaming umakyta nila Mommy, Tita Crystal at ng mga kapatid ko sa kwarto namin. Pero bago ako pumasok sa kwarto ko inihatid ko muna sila Andres at Atasha sa kwarto nila.




Nagulat ako kasi ang ganda ng pagkakadesign sa mga kwarto nila, kahit yung kala Isabella at Carmella pinaayos din ni Tita.





"Ate ang ganda naman nitong kwarto ko." Masayang sabi ni Andres sa akin.






Please Come Back IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon