Thirty Two

349 9 0
                                    

Lea's POV

Hindi ako galit kay Sarah dahil naiintindihan ko sya kung bakit nya tinago yung tungkol kay Andres at Atasha. Tanggap ko silang dalawa bilang anak ni Aga at hindi din ako nagalit sa kanilang dalawa dahil wala naman silang kasalanan, sa katunayan mas minahal ko sila dahil anak sila ni Aga. Hindi ko sila ituturing na iba, ituturing ko sila bilang tunay na anak ko. Ayokong mafeel nila na nakikisali lang sila sa family namin.




"Mom? Hindi ba uuwi si Ate Sarah?" Tanong ni Isabella.





"Bukas nalang daw sya uuwi." Sabi ko.






Kinausap ko si Isabella kanina pag alis nila Andres at Atasha, nagsorry sya sa akin kasi sinigawan nya ang ate nya sa harap nila Andres at Atasha, nadala lang daw sya ng selos at inis kaya nya nasigawan ang Ate nya.





Pinaunawa ko naman sa kanya na mali yung ginawa nya, kahit nagseselos sya dapat ay hindi nya sinigawan ang Ate nya sa harap ng kambal.



"Mom sa tingin mo tatanggapin ni Ate yung sorry ko?" Tanong nya.






"Yes of course, hindi ka matitiis ng Ate mo." Sabi ko sakanya.





"Nagsisisi akong sinigawan ko sya sa harap nila Ate Atasha at Kuya Andres. Kung nalaman ko lang agad na kapatid namin sila edi sana hindi na umabot sa ganito."





Nag CR ako sandali at binalikan ko din si Isabella.





"Akyat na tayo sa kwarto, hinihintay na tayo ni Carmella." Sabi ko kay Isabella.







"Mom puntahan kaya natin sila ngayon?" Sabi ni Isabella.






"Nako anak gabi na tsaka hindi ko alam yung address nila." Sabi ko kay Isabella.






"Please mommy, gusto kong magsorry kala Ate Atasha at Kuya Andres ng personal tawagan mo nalang si Ate para malaman natin yung address." Pangungulit sa akin ni Isabella.






"Anak gabi na baka nagpapahinga na sila." Sabi ko.





"Mommy please." Nagmamakaawang sabi ni Isabella kaya wala na akong nagawa kundi sundin sya.




Kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko ulit si Sarah.





"Anak gising pa ba kayo?" Tanong ko.





"Why mom? May nangyari po bang masama sainyo, wait uuwi na po ako." Sabi ni Sarah.






"Hindi naman anak, si Isabella kasi gusto kang kausapin at gusto nya din daw magsorry kala Andres at Atasha ng personal, pwede ko bang malaman kung anong address nila?"







Binigay naman agad sa akin ni Sarah yung Address nila Atasha.




"Mom anong sabi ni Ate?" Tanong ni Isabella.




"Binigay nya na yung address, sige na magbihis na tayo." Sabi ko kay Isabella at sabay kaming umakyat sa kwarto namin.

Please Come Back IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon