Thirty

374 10 3
                                    

Atasha's POV



Natatakot ako dahil nag aaway si Ate Sarah at Isabella, tahimik lang kami ni Andres dito sa living area.




"Andres umuwi na kaya tayo?"  Tanong ko kay Andres.





"Sige Tash, pasundo tayo kay Daddy tutal nasa bahay naman na sya." Sabi ni Andres.




Akala namin ni Andres tapos na yung bangayan ni Ate Sarah at Isabella hindi pa pala.






"Bakit ba gustong gusto nyo yang dalawang yan? Pati ikaw mommy inagaw ka na nila." Sigaw ni Isabella.





"Andres akyat tayo sa kwarto ni Ate Sarah tapos text mo na si daddy." Bulong ko kay Andres.






Bigla namang bumalik si Ate Sarah. "Gusto mong malaman kung bakit gusto ko sila ha? Gusto mo talagang malaman Isabella? KAPATID LANG NAMAN NATIN SILA." Sigaw ni Ate Sarah kay Isabella.





"What?" Gulat na tanong ni Mommy Lea.





"Yes mom, tama ang narinig mo. Kapatid namin sila anak sila ni daddy. I'm sorry kung nagtago na naman ako." Umiiyak na sabi ni Ate Sarah.





Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or what.





"Ngayon Isabella masaya kana ba nna nalaman mo yung totoo?" Tanong no Ate Sarah kay Isabella.





Hindi na nakapagsalita si Isabella, "Tash, Andres kunin nyo na yung gamit nyo sa taas. Ihahatid ko na kayo sa  bahay nyo." Sabi ni Ate Sarah.





Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala, sya yung sinasabi ni mommy na kapatid namin, at si Mommy Lea naman ang tunay na mahal ni Daddy.




Pagkakuha namin ng gamit namin ni Andres ay nagpaalam ako kay mommy lea.





"I'm sorry po." Sabi ko kay mommy Lea.






"Shhhh you don't need to say sorry, basta remember walang magbabago sa relasyon natin ok? Ako pa din ang mommy Lea nyo. Go na hinihintay na kayo ng Ate Sarah nyo." Sabi ni mommy lea sa amin at nitakap nya kami ni Andres.





"Bye Carmella." Sabi namin ni Andres.






"Andres wait lang mauna kana sa kotse mukhang may naiwan ako sa kwarto ni Ate." Pagpapalusot ko, gusto ko lang humingi ng tawad kay Isabella.






Kumatok  ako sa kwarto nila pero hindi ako pumasok, "Isabella, sorry kung naagawan ka namin ni Andres ng Atensyon na para sayo, wala kaming intensyon na agawin sila sayo. Sorry ulit." Sabi ko at nagtungo na ako sa kotse.






Habang nasa byahe kami tahimik lang kaming dalawa ni Andres, for sure pati si Andres hindi makapaniwala sa nalaman nya.




"Guys sorry sa ginawa ni Isabella." Sabi ni Ate, "Selosa lang talaga yon eh."






"Ate sorry din kasi kami yung dahilan kung bakit kayo iniwanan ni daddy." Sabi ko.





"No,wag kayong magsorry, ginawa lang ni daddy yung alam nyang tama." Sabi ni ate habang umiiyak.






"Ate kailan mo pa po nalaman?" Tanong ni Andres.





"Nung nagpunta ako sa bahay nyo, nakita ko yung mga pictures nyo with dad at yung letter na binigay ng mommy nyo sa akin lahat nandon kaya nalaman ko na kayo nga yung kapatid ko. Nagpromise ako sa sarili ko na poprotektahan ko kayo kahit na anong mangyari dahil kapatid ko kayo." Umiiyak na sabi ni Ate."Sorry talaga kung nagsinungaling ako sainyo, sana mapatawad nyo si Ate."






"Mahal na mahal ka namin Ate since day one." Sabi ni Andres.





"Where here." Sabi ni Ate, agad naming binaba yung mga gamit namin ni Andres. Sinalubong naman kami ni daddy.





"Hi dad!" Bati namin ni Andres.





"Napaaga ata ang uwi nyo? Akala ko bukas pa uwi nyo. Sayang hindi ako nakapaghanda." Sabi ni Daddy.





"Ayos lang dad kahit hindi ka nakapaghanda atleast nandito kana." Sabi ko.







"Dad dito ako kakain ng dinner." Sabi ni Ate Sarah.







"Sure, ipagluluto ko kayo. Anong gusto nyo?" Tanong ni Dad sa amin.





"Ikaw nalang ang bahala dad, akyat po muna kami ni Andres sa kwarto namin ayusin lang namin sandali yung gamit namin then babalik kami sa kitchen pagtapos namin." Sabi ko.






Pagpasok namin ni Andres sa kwarto namin humiga muna ako sandali.




"Tash hindi ako makapaniwala na kapatid natin si Ate Sarah." Sabi ni Andres.





"Me too."






"Masaya kaba?" Tanong nya.






"I don't know." Maiksing sagot ko.






"Why?"




"Nakita mo naman yung nangyari kanina diba? Sa tingin mo masaya yon. Isa pa mahirap makihati sa pagmamahal ng iba." Sabi ko kay Andres.






"Sabagay tama ka. Anong balak natin?" Tanong nya ulit.






"Kay Tita Ghayle nalang kaya muna tayo, atleast don wala tayong hahatian sa pagmamahal dahil walang anak si Tita." Sabi ko.





"Wala nga tayong kahati pero sa tingin magiging masaya si dad kung ganon ang gagawin natin? Isa pa laging nasa duty si Tita hindi nya tayo maasikaso." Problemadong sabi ni Andres.






Hindi ko na alam ang gagawin ko, sana nandito nalang si mommy.

Please Come Back IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon