Thirty Seven

307 7 1
                                    

Sarah's POV

Hindi muna ako pumasok sa entertainment room, nagtago muna ako sa may sofa para makinig kung anong desisyon ni mommy at daddy regarding sa tanong ni Carmella kanina.



Si daddy talaga kahit kailan palabiro, isa sa mga namiss ko yung mga biro ni daddy dahil napapangiti nya si mommy.





Habang nakaupo ako dito sa likod ng sofa naririnig ko si daddy na binibiro si mommy.






Narinig ko naman yung sinabi ni daddy kay mommy na "Babes? Anong balak natin susundan naba natin ang kambal?" Kaya napatawa ako kasi ang lakas ng trip ni daddy.





Well kilala ko si mommy mabilis syang mapikon lalo na kung wala sya sa mood makipaglokohan.







Bumanat na naman ulit si daddy ng isang nakakamatay na banat kahit corny..  "Paano yung mapupuno? Can I see it?" Tumatawang tanong ni daddy kay mommy, gusto kong sumilip sa kanila para makita yung facial expression ni mommy, paniguradong umuusok na naman ang ilong nya sa inis kay daddy.






Narinig kong umurong yung upuan akala ko magwawalk out si mommy dahil sa inis kay daddy.




Biglang nagsalita si mommy at mukhang seryoso sya "So nakapagdecide na ako, uuwi tayo ng Pilipinas at doon tayo mamumuhay . Si Andres at Atasha sa Pilipinas na din sila mag aaral, tatawagan ko mamaya si Crystal at paghahanapin ko sya ng school para kala Andres at Atasha." Yes finally makakuwi na kami ng Pinas, pero paano ang trabaho ni daddy dito? Mukhang mapupurnada oa ang pagbabalik namin sa Pinas. Pero ayos lang kahit saang bansa kami tumira basta ang mahalaga  magkakasama kaming lahat.







"Hindi ako papayag na iwanan nyo nalang ako dito, bukas na bukas din magfifile na ako ng resignation. Hindi ko sasayangin itong chance na to na magkakasama tayo. Panahon na para magbago HAHAHAHAHAHA." Oh my gulay totoo ba ang narinig ko? Uuwi na talaga kami ng Pilipinas at doon na magsstay for good. Thank you lord.






Pasimple akong sumilip kala mommy pero sana di nalang ako sumilip napaupo ulit ako sa sahig. Oh no ang mga mata ko, nagkasala na naman ako.




Naririnig ko silang naglalandian este nagtatawan,  hindi ko na kinaya yon kaya dahan dahan akong gumapang papunta sa hagdan dahil aakyat ako sa kwarto ko. Grabe yung kilig ko sa parents ko to the highest level.





Pagpasok ko sa kwarto ko sumandal ako sa pintuan at sinabing Seeing my mom and dad smiling together is one of the happiest thing in my life.







Habang kinikilig kilig pa ako dito hinanap ko yung phone ko para ivideo call ang nag iisa kong Tita walang iba kundi si Tita Crystal. Mabuti nalang at sinagot nya agad yung tawag ko.






"Hi Tita!" Bati ko sa kanya, mukhang kakagising nya lang dahil nasa kama pa sya at gulo gulo ang buhok.





"Hello! Anong balita?" Tanong nya.






"I have something to tell you Tita." Masayang sabi ko.






"What is it? Teka bakit namumula yang pisngi mo?" Tanong nya.






"Kinikilig kasi ako Tita kaya ayan ganyan pisngi ko."






"Para kang mommy mo kapag kinikilig." Sabi ni Tita. "Anyway anong sasabihin mo at gusto mo pa video call." Sabi nya.





"Wait a minute wag mong papatayin may ipapakita ako sayo." Dahan dahan akong bumaba sa hagdanan at inilawit ko yung phone ko sapat na para makita ni Tita Crystal kung ano yung meron sa kitchen.





Nakita ko naman kung paano nagulat si Tita dahil bigla syang napabangon sa gulat. Dahil sa curiosity ko sumilip ako at Viòlaaaaa magkayap sila, kaya tumakbo ako paakyat sa aking kwarto.






"Nakita mo yon Tita?" Masayang tanong ko.






"Panaginip ba to Sarah? Tama ba yung nakita ko? Ang mommy at daddy mo magkasama na at magkayakap pa." Naguguluhang tanong ni Tita.




"Hindi ka nananaginip Tita, totoo lahat ang nakita mo." Sabi ko.





"OMG finally buo na ulit kayo." Masayang sabi ni Tita Crystal.







"Yes Tita! Hindi lang yan ang good news ko Tita meron pa hulaan mo kung ano yon." Masayang sabi ko kay Tita.






"Hay nako Arabella! Huwag mo na akong bitinin at paghulain pa. Diretsohin mo nalang ako gigil mo ako ha." Sabi ni Tita.








"Babalik na kami jan sa Pinas at kasama na namin sila dad." Masayang balita ko kay Tita.






"Really? Oh my gosh, ipapaayos ko na yung bahay nyo?" Masayang taning ni Tita.




"Yes Tita kung ayos naman sayo heheheheh."  Sabi ko kay Tita.






"Yes ayos na ayos lang sa akin basta para sainyo." Sabi ni Tita.







"Thank you Tita, bali yung kwarto ni Isabella at Carmella papadagdagan ko sana ng bed para sama sama na sila nila Atasha. Tapos yung isang bakanteng kwarto paki gawang blue or gray yung color ng wall para kay Andres." Sabi ko kay Tita.








"How about your room? Wala kabang ipapabago or ipapadagdag na furniture?" Tanong ni Tita.







"Wala naman Tita, ayos na yang kwarto ko ang mahalaga yung sa mga kapatid ko." Sabi ko kay Tita.







"Ok, balikan mo na ang mommy at daddy mo baka mamaya kung saan pa mapunta yung yakapan nayon." Kinikilig na sabi ni  Tita.







After that call humiga ako sa kama ko at ipinikit ko ang mga mata ko, finally wala na akong problema dahil buo na kami.

Please Come Back IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon