Fourty Four

275 6 0
                                    

Lea's POV



Walang hiyang Muhlach yan iniwanan ako dito sa parking ng palengke, sabi nya may titignan lang daw sya sandali sa loob ng palengke pero 15 minutes na ang nakalipas hindi nya pa din ako binabalikan.





Tinawagan ko nalang si Sarah para kamustahin sila. "Anak kamusta kayo jan? Nag ikot ikot na ba kayo jan sa beach?"





"Yes mommy nakapag ikot na po kami."








"Umabot ba kayo sa may maraming turtles?" Tanong ko.






"No mommy, hindi po kami umabot don." Sabi ni Sarah.








"Sige pagdating namin pupuntahan natin yung maraming turtles." Sabi ko.







"By the way mommy, maglalaro po tayo mamaya or kahit bukas nalang."







"Anong laro yan?" Tanong ko.








"Volleyball po, Ikaw si Andres at Carmella po ang magkakasama."








"Wow, sige tatalunin namin ang daddy mo. Mabuti nalang at volleyball hindi basketball."









"Nasaan na po pala kayo?" Tanong ni Sarah.







"Nandito na sa parking lot ng palengke kakatapos lang namin mamili ng daddy mo. Iniwanan lang naman ako ng daddy mo dito sa kotse."








"What iniwanan ka ni dad mag isa? Wait mong tatawagan ko lang si dad at sasabihin kong balikan kana." Nagmamadaling sabi nya.









"No need na anak eto na natatanaw ko na ang daddy mo pabalik na sya dito, isa pa nandito sa bag ko yung phone nya."









"Ok, ingat kayo ni dad." Sabi ni Sarah.






Pagpasok ni Aga binato ko sya ng empty bottle. "Ang tagal mo akong pinaghintay!" Sigaw ko kay Aga.






"Babes easy ka lang, nambabato ka agad jan eh. Kalma, tara na uuwi na tayo." Sabi nya.








Hanggang sa pagdating namin sa bahay hindi ko pa din sya pinapansin dahil sa inis ko.








"Mommy bakit ganyan mukha mo parang pinagsaklubban ng langit at lupa?" Tumatawang sabi ni Sarah.








"Ikaw Arabella tigilan mo ako sa mga birong ganyan hah! Naiinis ako." Sabi ko kay Sarah kaya naman naging seryoso na yung mukha nya.










Lumapit sya sa daddy nya at sinabing "Dad bakit mo kasi iniwanan si mommy sa kotse mag isa ayan tuloy pati sa akin mainit ang ulo." Sabi ni Sarah sabay alis.








Hinayaan ko nalang na si Aga ang mag ayos ng mga pinamili namin at nagpunta nalang ako sa may dalampasigan para magpahangin.





Ilang saglit lang ay sumunod na pala sa akin si Atasha at tinabihan nya ako kaya naman sinandal ko ang ulo ko sa kanya.







"Mommy nag away po ba kayo ni Daddy?" Tanong nya.








"Hindi naman anak, naiinis lang ako sa Daddy mo kasi iniwanan nya ako sa kotse kanina tapos ang tagal pang bumalik." Sabi ko.










"Nako si Daddy talaga kahit kailan pasaway." Sabi ni Atasha.







"Sobrang pasaway talaga yang daddy mo." Tumatawang sabi ko.









"Alam mo mommy, ngayon lang namin nakita ni Andres si Daddy na ganyang kasaya." Kwento nya sa akin.









"Talaga? Bakit naman?" Tanong ko kay Atasha.









"Busy sya sa trabaho nya Mommy, minsan lang kami makapagbonding dati. Madalas kami lang nila Andres at Mommy ang magkakasama."











"Hayaan mo anak, from now on gagawa tayo ng masasayang memories. Hindi ko ipaparamdam sa inyo ang naranasan nyo dati." Sabi ko kay Atasha at niyakap nya ako.








"Thank you mommy kasi never nyo pong pinaramdam sa amin ni Andres na iba kami. Thank you kasi tinuring mo po kaming tunay na anak." Sabi nya.








"Basta lagi nyong tatandaan ni Andres na kahit hindi kayo galing sa akin mahal na mahal ko kayo parehas kagaya ng pagmamahal ko sa mga kapatid nyo."







"Thank you for your unconditional love." Sabi nya at humiwalay na sya sa pagkakayakap sa akin.










"Anak tawagin mo ang mga kapatid mo, sabihin mo pupuntahan matin yung maraming turtles." Sabi ko at agad naman syang tumayo at tumakbo papunta sa bahay.







Pagbalik nila kasama na nila ang daddy nila kaya inirapan ko nalang si Muhlach.









Hindi ko alam kung bakit nagtatakbuhan ang mga anak ko pero ako eto naglalakad pa din. "Taya!" Sigaw ni Sarah at tinap nya ako. "Hindi ako kasali sa tayatayaan nyo, tigilan nyo ako." Sabi ko.








"Mommy naman." Sabi ng mga bata, kaya no choice ako kundi pagbigyan sila. Hinabol ko silang lahat pero ang naabutan ko lang ay si Aga kaya naman siya na ang tinaya ko pero tinaya nya ulit ako kaya mas lalong nabuhay yung inis ko sa kanya.








"Napaka daya ayoko na!" Sigaw ko kaya naman tumigil silang lahat sa pagtakbo.








"Daddy bakit kasi tinaya mo ulit si mommy?" Sabi ni Andres.








"Oo nga po, ang daya mo talaga daddy." Sabi ni Carmella.








"Wow pinagkaisahan ako,sige na tigilan na natin tong  laro na ito." Sabi ni Aga at nagpatuloy nalang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa may part na maraming turtle.











"Alam nyo ba? Dito kami madalas tumambay ng Tita Crystal nyo kapag napapagalitan kami nila mommy." Kwento ko sa kanila.









"Bakit naman po dito nyo napiling tumambay eh madami naman pong magagandang spot dito sa beach." Sabi ni Sarah.













"Dahil ang ganda pagmasdan ng mga turles." Simpleng sagot ko kay Sarah.









After namin tumambay sa favorite spot namin ni Crystal naglakad lakad na ulit kami pabalik ng bahay. Kami ni Aga ay magkahawak kamay habang naglalakad. "Thank you sa pagmamahal na ibinigay mo sa akin pati na din kay Andres at Atasha. I love you so much."  Sabi ni Aga









"Mahal na mahal din kita."

Please Come Back IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon