Twenty Six

296 6 0
                                    

Sarah's POV


Habang nagkukwentuhan kami panay tawa naman si Carmella habang ang kakambal nya namang si Isabella ay nakikinig lang.




"Alam mo ba Mommy Lea, noong nakita ko si Ate Sarah sa park akala ko masungit sya kasi nabangga ko sya, tapos yung facial expression nya hindi ko maintindihan kung galit ba or what." Sabi ni Andres.




Kitang kita ko sa mga mata nila kung gaano sila kasabik sa mommy ko, alam kong hindi mapapalitan ni mommy ang mommy nila sa puso nila. Sana kapag nalaman nila yung totoo ganito pa din or mas higit pa dito yung saya.





"Tapos Mommy alam mo ba sinamahan at tinulungan pa kami ni Ate Sarah." Sabi ni Andres.




"Yes Mommy at alam naming nasa tamang tao kami." Sabi ni Atasha.





"Sus binobola nyo naman akong dalawa eh." Sabi ko.






Tumayo si Andres at lumapit sa akin, "No Ate lahat yon totoo, alam naming nasa tamang tao kami." Sabay yakap sa akin.





"Ay sus pasali naman kami jan." Sabi ni mommy.





Lumapit silang lahat sa akin except kay Isabella na nakatingin lang sa amin, tinignan ko sya ng masama at lumapit naman sya para makijoin.






"So tell me about yourself guys." Sabi ni mommy sa dalawang kambal.






"Mahilig po akong magpaint, maglaro ng play station. Pinaka kaayaw ko po is yung pagtaguan ako ng sikreto na ikakadurog ng puso ko." Sabi ni Atasha.






"Wow that's great! Next time magpapaint tayo together. How about you Andres?"








"Basta masaya yung mga kasama ko masaya na din ako at mahilig po akong magbasketball." Sabi ni Andres.







"So dahil kilala nyo na po kami, Now it's your turn naman po." Sabi ni Atasha.





"Si mommy na ang mauuna." Sabi ko.







"Mahilig akong kumanta that's it." Maiksing sabi ni mommy.





"Yun lang po?" Tanong ni Atasha.






"Yes." Sabi ni mommy.







"Yung mga ayaw mo naman po?"   Sabi ni Andres.






"Ayoko sa lahat yung niloloko ako."








"Same mommy." Sabi ni Atasha.






"Ok next is Carmella."






"I love to draw and photography, I hate being ignore." Sabi nya.






"Next time sa park tayo Carmella may magagandang spots don na pwede kang magpicture." Sabi ni Andres.







"Tama si Andres, minsan labas tayo nila Ate Sarah tsaka may magagandang lugar pa dito sa NY."  Sabi naman ni Atasha.








"Ok Isabella it's your turn." Tinaasan ko sya ng kilay sign na oara magsalita sya.






Wala syang magagawa kundi sumunod sa akin dahil kapag di sya sumunod makakatikim sya sa akin.







Please Come Back IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon