Thirty One

361 12 0
                                    

Sarah's POV



Sobrang late na pero hindi pa din ako umuuwi, gusto ko munang magpalamig sa ngayon at gusto ko din makasama si daddy.




"Dad can I sleep here?" Tanong ko kay Daddy.




"Yes of course, pero paano ang mommy mo baka hanapin ka nila."






"Just for tonight lang dad, uuwi din ako ng maaga bukas, message ko nalang po si mommy na dito ako matutulog." Sabi ko.






"Sige, aayusin ko lang ang kwarto na gagamitin mo."






"Dad pwede po bang makatabi ka namin sa pagtulog?" Tanong ko kay daddy.






"Sure, sa guest room nalang tayo matulog para malaki yung bed, sabihan ko lsng si Andres at Atasha." Umalis na si daddy at umakyat sa kwarto ng kambal.






Biglang nagvibrate yung phone ko, si mommy yung natawag kaya sinagot ko.





"Mom?"




"Anak where are you? Umuwi kana late na." Nag aalalang tanong ni mommy.






"Nasa bahay po nila daddy, mom sorry kung nagsinungaling ulit ako sayo, hindi ko naman ginustong mangyari to eh. Humahanap lang talaga ako ng tamang panahon at oras kaya hindi ko pa nasasabi sayo." Umiiyak na sabi ko.







"Wag kang umiyak hindi ako galit sayo ok? Umuwi ka agad bukas mag uusap tayo. Good night, I love you."






"I love you too mom, good night." Mahinang sabi ko.






Pinatay ko na yung tawag at umupo ako sa my terrace nila dad.




"Ate." Tawag ni Atasha sa akin.







"Come here."






"Sorry talaga." Sabi nya.








"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi mo kailangan magsorry, wala kang kasalanan tandaan mo yan." Sabi ko.







"Pero Ate nag away kasi kayo ni Isabella ng dahil sa amin ni Andres." Nag aalalang sabi ni Atasha.





"Normal lang sa magkapatid ang mag away, wag mo ng isipin yung nangyari kanina."  Sabi ko.







"Hindi kaba galit sa amin ni Andres?" Tanong nya.






"Huh? Bakit naman ako magagalit sainyo?"







"Kasi kami yung dahilan kung bakit nya kayo iniwan, kami ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwalay at lumaki ng walang daddy." Malungkot na sabi nya.









"Diba sabi ko sayo kanina ginawa lang ni daddy yung tama, walang dahilan para magalit ako sainyo. Mahal ko kayo ni Andres at hindi magbabago yon. Unang pagkikita palang natin alam ko ng may something sainyo at minahal ko na agad kayo noon at magmula ng makita ko yung pictures nyo with dad mas lalo ko pa kayong minahal. Huwag ka ng mag alala hindi ako galit ha." Sabi ko kay Atasha.






"Thank you ate." Nakangiting sabi nya.






"Halika nga dito." Tawag ko sa kanya at lumapit naman  sya at tumabi sa akin.







Niyakap ko sya at sinabing "Kahit anong mangyari mahal ko pa din kayo. Bibigyan ko kayo ni Andres ng masaya at magandang buhay tandaan mo yan." Nakangiting sabi ko.







"Alam mo Ate maswerte kami sayo kasi naging kapatid ka namin, una palang sabi ko nasa tamang tao kami ni Andres at alam kong hindi mo kami ipapahamak."








"Thank you." Sabi ko at kiniss ko yung forehead nya.








"Sige Ate mauna na ako sa kwarto." Pagpapaalam ni Atasha sa akin.








"Good night." Sabi ko.








"Good night ate." Sabi nya.









Umalis na si Atasha ako nalang ang naiwan dito sa terrace, tinignan ko ang kalangitan na may kaunting bituin, ang sarap pagmasdan kasi nakakawala ng pagod.






"Boo!" Sigaw ni Daddy.






"Ay palakang bukid! Daddy naman eh." Inis na sabi ko at sya naman ay tawa ng tawa.








"Tulala ka jan eh." Sabi nya.






"Namiss ko yung kakulitan mo dad, sana mabuo na tayo. Kailan mo ba balak magpakita kay mommy?"








"Soon anak." Sabi nya.






"Bakit hindi pa bukas?"










"Basta, may plano ako." Nakangiting sabi ni  Daddy.








"Siguraduhin mo lang na maganda yang plano mo daddy nako kapag pangit yan lagot ka sa akin."







"Sisiguraduhin kong magugustuhan nyo yon at hinding hindi nyo makakalimutan." Proud na sabi ni Daddy. "Teka hindi ka pa ba inaantok?"









"Hindi pa po." Sagot ko.








"Pumasok kana sa kwarto at manood ka nalang ng TV malamig na dito sa labas baka sipunin ka."








"No dad ayos lang po, gusto ko lang magpahinga, maya maya din po papasok na ako."







"Sige ganito nalang, sasamahan nalang kita dito." Sabi ni daddy at tumabi sya sa akin, niyakap ko nalang sya ng mahigpit.








"Dad alam mo ba magmula ng umalis ka gabi gabing umiiyak si mommy dati. Lagi nya pang sinasabi na masaya sya kasi daw masaya ka din daw. Alam ko namang nagsisinungaling si mommy eh dahil lagi ko syang nahuhuli na umiiyak kapag gabi at binabanggit ang pangalan mo. One time pa nga nakita ko yung journal nya at binasa ko yung isang entry sabi nya don, Hinding hindi daw mawawala yung pagmamahal nya sayo dahil ikaw daw ang kaisa isang lalaking minahal nya." Kwento ko kay daddy.







"Talaga? Yang mommy mo talaga, hayaan mo anak maghintay ka lang, basta pangako mabubuo na tayo at magiging masaya. No more pain na." Sabi ni Daddy.












Malapit ng mabuo yung puzzle na inaasam asam ko, isa nalang talaga ang kulang ang magbalikan sila mommy at daddy. Sana kapag nagkita si mommy at daddy maging  maayos na ang lahat.

Please Come Back IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon