Eighteen

349 8 0
                                    

Lea's POV

Inayos ko na yung mga gagamitin namin para sa pagbabake namin. Naliligo pa ang kambal samantalang si Sarah ay hindi pa dahil nag exercise sya kanina.



"Mommy anong ibabake natin?"  Tanong ni Sarah.



"Lasagna at garlic bread." Sabi ko.





"Gaya ng dati?" Tanong nya, naaalala nya pa pala.




"Yes gaya ng dati!" Sabi ko sakanya at nginitian ko sya.




"Ako na ang gagawa ng garlic bread mommy tanda ko pa naman po yung ingredients eh." Binigay ko kay Sarah yung ibang gagamitin sa paggawa ng garlic bread.




Habang hinahalo nya yung mga ingredients pinapanood ko lang sya pero hindi ko pinapahalata.




"Thank you." Biglaang sabi ko.





Lumingon sya sa akin at sinabing "For what mom?"




"Kasi nagkaayos na tayo."






"Wala yon mommy, basta lagi mong tatandaan mommy mahal na mahal kita higit pa sa inaakala mo. Wag mo na kaming iiwan ulit ha." Sabi nya habang naghahalo.






Lumapit ako sakanya at niyakap ko sya. "Yes I will!"






"I love you mommy, namiss ko yung ganito. Miss na miss ko na si daddy." Sabi nya.




"I love you too." Sabi ko.





Humiwalay na ako sa pagkakayakap ko kay Sarah at inayos ko na yung ginagawa ko.






Narinig ko namang may tumatakbo pababa patungo dito sa kusina, for sure si Carmella yon dahil sya lang naman ang mahilig tumakbo dito. "Mommy can I help you po?" Tanong ni Carmella.





"Where's your Ate Isabella?" Tanong ko kay Carmella.




"Nagpapatuyo po ng buhok."




"You can make apple juice, magpatulong ka nalang kay Ate Isabella mo." Sabi ko kay Carmella.






"No mom, ako nalang ang gagawa kaya ko na po ito." Big girl na ang bunso ko.







"Mom! What can I do?" Sigaw ni Isabella mula sa taas.







"You can fix the entertainment room!" Sigaw ko.






"Ok mommy!" Sigaw ni Isabella.







After kong maluto yung sauce nilagay ko na ito sa ceramic pan at nilayer layer ko na yung mga pasta. Sinet ko yung oven ng 30 minutes at nilagay ko na sa loob ng oven yung lasagna.




"Anak are you done?" Tanong ko kay Sarah na kanina pa hirap na hirap sa pagmamasa. Yes sya mismo ang gagawa ng tinapay, ayaw nya kasi ng nabibili lang dahil matigas daw, mas gusto nya pa yung gawa nya kasi daw malambot.





"It so hard mom." Sabi nya.





"I told you naman na yung nabiling bread ko nalang ang gamitin natin for the garlic bread eh. Matagal ka pang matatapos nyan ipoproof mo pa yan ng 1 hour." Sabi ko kay Sarah.





Please Come Back IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon