Thirty Four

360 7 0
                                    

Sarah's POV


Habang naghihintay kami dito sa living area ni Carmella naisipan kong gawan muna sila milk. Nagpunta ako sa kitchen nila at pinagtimpla ko na sila.




"Carmella inumin mo na yang milk mo." Sabi ko.




"Ate bakit ang tagal ni mommy? Kanina pa sya hindi nabalik." Tanong sa akin ni Carmella, oo nga naman kanina pa si mommy hindi nabalik dito kahit si daddy din hindi pa nagpapakita.






"Kausap lang ni mommy si daddy." Sabi ko kay Carmella at bigla nyang naibuga yung gatas.





"You mean nandito si dad?" Gulat na tanong ni Carmella.






"Yes, nandito sya at malapit na nyo na syang makita." Masayang sabi ko kay Carmella.








Iniwan ko muna si Carmella at pinuntahan ko sila Andres sa terrace.






"Guys drink your milk na." Sabi ko sa mga kapatid ko. Masaya ako dahil nagkaayos na silang tatlo.





"Thank you ate." Sabay sabay nilang sabi.





"Pumasok na kayo at malamig dito." Sabi ko sa kanila.





"Later na ate nagkukwentuhan lang kami, maya maya din papasok na kami." Sabi ni Atasha.





Bumalik naman agad ako sa loob at sinamahan ko si Carmella.





"Ate can I use your phone? Naiwan ko yung phone ko sa bahay natin eh." Sabi ni Carmella.




"Yeah sure." Binigay ko naman agad kay Carmella yung cellphone ko.





Sobrang tagal na talaga ni mommy at daddy sa basement, 15 minutes na silang magkasama.





"Carmella wait lang ha pupuntahan ko lang sila mommy at daddy." Pagpapaalam ko kay Carmella.




Dahan dahan akong bumaba sa basement, hindi ko alam para akong pusa dito na dahan dahang bumababa.





Pagkababa ko nakita ko namang nakabukas ng kaunti yung pinto.






"I miss you so much babes" Mahinang sabi ni daddy. Kahit mahina yon rinig na rinig ko pa din.





Sumilip ako sa pinto at nakita kong magkayakap sila, si daddy naman halatang halata na kinikilig.





OMG kahit ako kinikilig sa parents ko.





Nanatili lang ako sa may malapit sa pintuan at pinagmamasdan ko sila kung gaano sila kasweet sa isa't isa.





Ang hirap magtago, gusto ko silang yakapin parehas pero hahayaan ko muna sila at alam kong namiss talaga nila ang isa't isa.





Umurong ako dahil gumalaw sila mommy ay daddy, umupo sila sa sofa.





Naririnig kong nagkukwentuhan sila, pero grabe kinikilig talaga ako.






"Namiss na din kita, wag mo na kaming iiwan ulit ha." Nakangusong sabi ni mommy, My gosh nagpapacute ang mommy ko may gulay.






Si daddy naman panay ang ngiti kay mommy, hays nagpapacute din si dad OMG talaga.







"Wala ng dahilan para iwanan ko kayo ulit. I love you so much." Sabi ni daddy kay mommy at ang ikinagulat ko ay ng halikan ni daddy si mommy. Ang puso ko ay lumundag.






Grabe yung tamis ng pagmamahalan nila sa isa't isa, hindi ko na kinaya kaya tumakbo ako pero dahan dahan lang ayokong maistorbo sila sa ginagawa nila gusto ko pa ng baby brother.








Nilock ko yung pinto ng basement, uuwi kami ng mga kapatid ko sa bahay namin bukas nalang namin babalikan sila mommy at daddy.




"ATE!"




"Ay palakang bukid! Ano ba bakit mo ba ako ginugulat diba sabi ko don kalang sa living area." Inis na sabi ko kay Carmella.







"Ang tagal mo kasi eh." Sabi nya.







"Sorry naman, tara na uuwi na tayo sa bahay natin."





"Huh eh nasaan na si mommy at daddy? Tsaka bakit pulang pula yung face mo ate? Tapos nilock mo pa yang door." Hinila ko nalang si Carmella papunta sa terrace.







"Guys tara sa bahay natin." Sabi ko sa kanila, yung mga mukha naman nila ay naguguluhan.







"Bakit ate?" Tanong ni Andres.







"Wag na kayong madaming tanong pa, bilisan nyo na sa bahay na tayo matutulog, kunin nyo yung iba nyong gamit bilis." Agad naman silang kumilos kahit naguguluhan sila.







After nilang makuha yung gamit nila nilock ko agad yung bahay, pinatay ko lahat ng ilaw.




"Ate bakit ba kasi nagmamadali kang umalis tapos iniwanan pa natin si mommy." Sabi ni Isabella.







"Kailangan nating bigyan ng time sila mommy at daddy para makapag usap." Sabi ko sa kanila.







"WHAT? NANDOON SI DADDY?" Sigaw ni Isabella, sinamaan ko sya ng tingin kasi sumigaw na naman sya.






"Sorry nabigla lang ako ate hehehehe." Sabi nya.






Pagkadating namin sa bahay agad ko silang pinaakyat  sa kwarto ni mommy, sama sama kaming matutulog don.






Ako naman nandito sa kitchen para gawan sila ng snacks at biglang nagring yung phone ko. I knew it sabi na at tatawag si mommy.







"Hi mom! Umuwi na po kami dito sa bahay kasama sila Andres at Atasha. Jan ka po muna ako na ang bahala sa mga kapatid ko. Mom bigyan nyo pa po kami ng baby brother please! I love you mom! Mag enjoy lang kayo ni Daddy jan! Good night!" Mabilis kong sabi at bago ko pa man patayin yung tawag narinig ko syang sumigaw ng "ARABELLA!" well galit na si mommy hahahahaha.







"Ate? Tumatawa ka jan mag isa?" Tanong ni Atasha.






"Ahh si mommy kasi tumawag." Sabi ko.




Binigyan ko si Tash ng snacks at kinain nya naman agad ito.





"Tash may itatanong ako sayo, be honest ha." Sabi ko.






"Yes Ate,magiging honest ako. What is it?"





"Ayos lang bang magkabalikan sila mommy at daddy?" Tanong ko.






"Yes ate, isa pa nagmamahalan naman sila ng totoo." Sabi nya.





"Thank you Tash."  Sabi ko sakanya at niyakap ko sya.





"Ako naman ang magtatanong Ate." Sabi nya.





"Ayos lang bang makihati kami sa family nyo?" Seryosong tanong nya.






"No! Walang makikihati sa family natin. Wag mong iisipin na nakikihati lang kayo ni Andres. Mahal namin kayo at hinding hindi kayo makikihati dahil tunay na pamilya tayo."






"Thank you Ate." Masayang sabi nya.






"Basta lagi mong tatandaan, hindi man kayo galing sa womb ni mommy, sa puso nya naman kayo galing. Mahal na mahal kayo ni mommy ayan ang tatandaan nyo ha." Sabi ko sakanya.






Ngayon alam kong mabubuo na talaga kami, hindi na ako makapaghintay pang magsamasama kami sa iisang bahay.

Please Come Back IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon