Four

383 8 0
                                    

Isabella's POV

Nandito kami ngayon nila Ate Sarah at Carmella sa isang Italian Restaurant, nakikita ko sa mga mata ni Ate yung saya kapag kasama nya kami. Sana nandito si mommy at daddy.




Paano kaya kung hindi sila naglahiwalay? Mas masaya siguro kami kung buo talaga kami.




"Ate nasabi mo naba kay Tita Crystal yung about sa vacation natin?" Tanong ko kay Ate.




"Yes, kanina ko lang nabanggit sa kanya. Bukas nya daw aayusin yung mga papers natin. Ayos lang ba sainyo na 1 month tayo doon?" Tanong ni Ate.




"Ate kahit ilang months pa tayo doon basta magkakasama tayo." Sabi naman ni Carmella.






"Sige 2 months tayong magsstay doon." Masayang sabi ni Ate sa amin ni Carmella.




"Yehey!" Sabay namin sabi ni Carmella.





After namin kumain nila Ate at Carmella nagshopping naman kami. Bibili kami ng mga jacket, pants at socks para pagdating namin sa New York hindi na kami bibili.




Nagtungo agad kami ni Carmella sa jacket section, si Ate Sarah naman ay humiwalay sa amin. Dala naman namin yung phone namin kaya incase na magkahiwa hiwalay kami matatawagan namin ang isa't isa.





"Hey Carmella! Sa monday na yung birthday ni Ate any plan?" Sabi ko.






"Hala oo nga ate, wait mag iisip lang ako kung anong pwede nating gawin." Nakaisip naman agad si Carmella.






"Magdinner tayo sa bahay, tayo ang mag set up at magluluto, mas maaappreciate pa ni ate yon. Tapos bili tayong flowers at gift." Sabi nya.







"That's good idea! Magugustuhan nya kung simple lang tapos tayo ang magpeprepare. Anong gift ang bibilhin natin?"









"How about Pajama set?" Suggest ni Carmella.






"Sige for sure magugustuhan ni Ate yon. May naipon ka naman na pera diba?" Tanong ko kay Carmella.







"Yes I have nasa bahay nga lang." Sabi nya.





"Ok ganito, sa monday after ng class natin didiretso tayo dito sa mall, half day naman tayo eh. Then si Tita Crystal na ang bahala sa gagamitin natin sa pagluluto, bigay nalang natin yung pera pambili ng ingredients. May tapping naman si Ate sa monday kaya madali tayong makakakilos ok?"







"Yes ate!" Sabi ni Carmella, nagpatuloy naman kami sa pag hahanap ng jacket, pants at socks. Mabuti nalang at mabilis kaming nakahanap ng babagay sa aming jacket at pants.





"Are you done?" Tanong ni Ate.






"Yes ate tapos na po kami." Sabi ni Carmella.






Nagbayad agad kami sa cashier dahil pupunta pa kami sa museum at park.






After naming magbayad bumili kami ng food namin at dumiretso na kami sa museum.







"Ate ang ganda naman dito." Sabi ko.








"Alam nyo ba sobrang sarap pumunta dito kasi bukod sa madami kang makikita na historical things, tahimik pa. Ayang nakikita nyong malaking paintings na yan, ayan ang Spoliarium by Juan Luna and that one is Virgenes Cristianas Expuestas al Populacho by Felix Resurreccion Hidalgo."






Nagtour kami sa buong museum, ang daming magagandang bagay na kahit luma na maganda pa din.






Sana kasama namin si daddy at mommy para mas naappreciate pa namin yung mga bagay dito.








Si ate Sarah at Carmella ay magkasama doon sa dulo, parehas nilang tinitignan yung paintings ako naman ay nandito sa kabilang dulo.







After naming malibot yung buong museum nagdecide na si Ate na pumunta kami sa park.






Tuwang tuwa si Carmella dahil first time naming makapunta sa ganitong kalaking park. Palaging sa mini park lang kami napunta.





"Ate tara doon tayo!" Hinila ako ni Carmella sakto naman nakakapit ako kay Ate Sarah kaya naman nadala na din sya.








Nagrent kami ng bike nila Ate, kitang kita ko na nag eenjoy si Ate Sarah. Ngayon ko nalang sya ulit nakitang ganito kasaya, ngayon ko nalang nakita sya ulit na ngumiti ng totoo yung parang wala syang pinoproblema. Ang ganda ng mga ngiti ni ate.







Nagpatuloy lang kami sa pagbabike hanggang sa nakaramdam na kami ng pagod.






"Uwi na tayo maggagabi na." Sabi ni Ate.







"Ate last na to,nagugutom ako. Kain tayong kwek kwek please." Sabi ni Carmella tapos ngpuppy eyes pa. Napaka isip bata talaga. Napairap nalang ako ng bahagya.







"Saan tayo kakain ng kwek kwek?" Tanong naman ni Ate.






"Ayon Ate meron don sa dulo." Sabi ni Carmella kaya naman pinuntahan na namin yung nagtitinda ng kwek kwek. Mabuti nalang at hindi pinagkakaguluhan si Ate Sarah nako kung nagkataon babatukan ko talaga si Carmella.








Kumuha kami ng tig 5 na kwek kwek, "Ang sarap ngayon nalang ulit ako nakakain nito." Sabi ko, nakita ko namang nakatingin si Ate sa akin kaya natanong ko sya. "What? May dumi ba sa mukha ko?"







"Wala naman ang cute nyong kumain ng street foods ni Carmella, halatang sabik na sabik kayo." Sabi ni Ate.








After namin kumain umalis na agad kami sa park at umuwi na.







Pagdating namin sa bahay agad naming ibinababa yung mga pinamili namin at inilagay agad namin ito sa kwarto namin.








Bago pa man ako humiga sa kama namin nagshower muna ako si Carmella naman nasa kwarto ni Ate nagshower for sure maya maya din nandito na yon.







Habang nagshoshower ako biglang sumagi sa isip ko kung gaano kahalaga sa amin si Ate Sarah, gagawin nya talaga ang lahat para lang sumaya kami.






"Ate tapos kana ba?" Tanong ni Carmella.







"Yes wait lang!" Sigaw ko, magdadasal na kami kaya nya ako tinatawag na.








Paglabas ko ng CR nakaupo na si Carmella sa kama namin.






"Let's pray na ate." Sabi ni Carmella, tumabi naman ako sakanya at sabay kaming lumuhod.







"Lord thank you for guiding us today, lord thank you for keeping us safe, and for all the things that you grant us this day." -Me







"Lord help us to find Daddy Aga, we need him right now, sana po pagdating namin sa New York makita na namin sya agad please guide our Daddy and also please guide our Mommy," -Carmella.






"Lord thank you din po kasi binigyan mo kami ng isang Ate Sarah na mag aalaga sa amin at magmamahal ng tapat. Pakiingatan po ang Ate Sarah namin." -Me.









"Forgive us for the wrong things we have done today and thank you that your love for us never fails and that your mercies are new every morning. " -Carmella






"this we pray in Jesus name, Amen." Sabay naming sabi ni Carmella.






"Good night Ate!" Sabi ni Carmella.






"Good night little sis." Sabi ko at kiniss ko yung forehead nya.




Please Come Back IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon