Fourty One

360 9 2
                                    

Aga's POV



After ibigay sa akin ni Crystal yung papers ng resthouse nya napag isip isip kong magbakasyon muna kami since wala pa naman kaming masyadong ganap. Matutuwa ang mga bata kapag nalaman nilang magbabakasyon kami sa Batangas.




Tinawagan ko muna si Crystal at itinanong kung may mga gamit na sa resthouse nya  at sinabi nya namang kumpleto na daw ang gamit doon, pagkain lang daw ang bibilhin namin if ever na magbakasyon kami. Sinubukan ko naman syang imbitahan pero nirejct nya ang paanyaya ko dahil aakyat daw sila ni Francis sa Baguio.





"Good Morning Babes!" Bati sa akin ni Lea.






"Good Morning!" Bati ko sa kanya at niyakap ko sya.






"Tara na sa kitchen magluto na tayo ng breakfast ng  mga bata." Sabi ni Lea.






"Dito muna tayo, minsan na nga lang kita masolo eh." Pabirong sabi ko.





"Hala anong minsan eh tuwing gabi tayong dalawa lang naman ang magkasama dito sa kwarto natin." Sabi ni Lea.





Nakakatuwa yung facial reaction nya ang cute walang pinagbago. Yakap yakap ko pa din sya hanggang ngayon at minamassage ko yung tyan nya.




"Wala pa bang laman to?" Tanong ko kay Lea.






"Ang alin?" Nagtatakang tanong nya.






"Itong tyan mo, wala pa bang baby na laman?"






"Alam mo Muhlach gutom lang yan eh, tara na sa kitchen magluto na tayo." Bumagon si Lea at iniwanan akong nakahiga pa din.






Hahahahahaha ang cute talaga ng reaction nya plus namumula pa ang pisngi. Bumangon na ako at sinundan ko si Lea sa kitchen.






"Anong lulutuin natin babes?" Tanong ko sakanya.





"Egg, Bacon at garlic rice, bakit may iba ka pa bang gustong ipaluto?" Sabi nya sa akin.






"Gusto ko ng longganisa babes meron ba jan?" Tanong ko sa kanya.




"Yes meron naman nabili si Crystal, ikaw na kumuha sa ref." Sabi nya sa akin kaya naman kinuha ko agad yung longganisa sa ref.







Gumawa ako ng coffee namin ni Lea para habang nagluluto sya may iniinom kami.





Kinuha ko yung phone ko para magpatugtog dahil ang tahimik sa kitchen at nakita ko naman yung kanta ni Daniel Padilla at Moira Dela Torre na MABAGAL kaya ayun yung pinlay ko.








"Babes let's dance ang ganda ng music." Sabi ko kay Lea.






Nung una ayaw nyang lumapit sa akin pero nung ako na yung lumapit pumayag na din sya.






Nilagay ko yung kamay ko sa bewang nya at ang kanyang mga kamay naman ay nakapatong sa balikat ko.







"I miss this." Mahinang sabi ko sakanya.





"Namiss ko din to, naalala ko pa kung paano tayo tumakas after ng taping natin dati para lang makagdate tayo." Sabi ni Lea.






Yes madalas kaming tumakas sa mga body guards at driver namin dati.






Niyakap na ako ni Lea habang sumasayaw.







"Next time magdate tayo, sa mga anak naman natin tayo tatakas." Pilyang sabi ni Lea.





"Maganda nga yan hahahahah." Sabi ko.






Nagpatuloy lang kaming dalawa ni Lea sa pagsayaw, napakaganda ng music kasing ganda ni Lea.



"WOW NAMAN ANG SWEET NG PARENTS KO." Sigaw ni Sarah kaya bahagya kaming naghiwalay ni Lea. Lumapit sya sa amin ni Lea "Good Morning Mommy and Daddy." Masayang sabi nya at kiniss nya kami ni Lea.






"Kanina ka pa ba jan?" Tanong ni Lea kay Sarah.






"Yes mommy kaninang kanina pa po ako dito, ang cute nyong dalawa ni Daddy. Sige na po tapusin nyo na yung pagsayaw nyo ako na munang bahala dito sa nakasalang." Sabi ni Sarah.







"Tapusin na natin, moment natin to." Mahinang sabi ko kay Lea.







"Wag na nakakahiya jan sa anak mo." Mahinang sabi ni Lea.








Pero hindi ko pa din sya binibitawan, nasa bewang nya pa din ang mga kamay ko.







"Mommy wag ka ng mahiya sa akin, naririnig ko yang pinagbubulungan nyo ni daddy. Go na ang cute nyo nga pong sumayaw eh." Sabi ni Sarah.








"Alam mo halika dito anak, kayong dalawa ng mommy mo ang isasayaw ko." Sabi ko kay Sarah at agad naman syang lumapit sa amin ni Lea.







"Sobrang swerte ko sainyong dalawa mommy daddy, mahal na mahal ko kayong dalawa." Sabi ni Sarah sa aminn ng mommy nya.








"Kami ang maswerte sayo anak, hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ng malaman kong ikaw at si Arabella ay iisa." Sabi ni Lea.







"Tama ang mommy mo, kami ang maswerte sayo dahil nabiyayaan kami ng isang katulad mo, nawala ka man sa amin ng maraming taon hindi naman nawala yung pagmamahal namin sayo. Basta laging mong tatandaan na sa bawat pagsubok na binigay ng dyos sa atin may maganda naman itong kapalit." Sabi ko kay Sarah at niyakap namin sya ni Lea ng mahigpit.








"Ahhhh ang sweet talaga ng parents ko. Mahal na mahal ko po kayo." Sabi ni Sarah.








"Mahal na mahal ka din namin anak." Sabi ko.







"Tara na po gawa na tayong breakfast baka magising na ang mga kapatid ko." Pabirong sabi ni Sarah.







"Ako na ang gagawa ng hot chocolate ng mga kapatid mo Sarah." Sabi ko.








"Sure dad! Ako naman po ang gagawa ng garlic rice at si mommy naman ang bahala sa bacon, egg at longganisa."  Masayang sabi ni Sarah.













"Wow ang daya ang dami ng sa akin." Pabirong sabi ni Lea kaya naman tumawa nalang kami ni Sarah.










Please Come Back IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon