[Prologo]
Present (2020)
"Anak! Anak! Gumising ka!" Yinuyugyog na ako ni mama para lang magising ako, saka ko lang nagalaw ang aking katawan at napabalikwas nang bangon ng marinig ko ang boses niya."Ayos ka lang ba anak? Binabangungot ka na naman," nag-aalalang tanong sa'kin ni mama, tumango lang ako sa kanya bilang sagot.
Napahawak ako sa pisngi kong basang-basa ng luha. Umiiyak na naman pala ako. Halos isang linggo na rin akong nagkakaganito at paulit-ulit na binabangunot ng kakaibang panaginip.
Sa panaginip ko ay nasa sinaunang panahon ako, umiiyak habang hawak-hawak ko sa bisig ang isang lalaki. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil malabo ito. At sa tuwing nagigising ko, nakikita ko na lang ang sarili kong umiiyak at naninikip din ang dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ako nagkakaganito.
"Ito inumin mo muna to," tinanggap ko ang isang basong tubig na iniabot ni mama sa akin.
"Salamat ma," umupo siya sa tabi ko at mahinang hinagod ang aking likod.
"Dapat siguro magleave ka muna sa trabaho mo, masyado ka ng stress dyan," napaisip naman ako sa sinabi ni mama marahil dala lang talaga ito ng matinding pagod at stress sa office.
"Sige po ma pag-iisipan ko yan," tumango lang sa akin si mama at saka tumayo.
"Siya matulog ka na," Saad niya.
Muli akong bumalik sa pagkakahiga at handa ng matulog. Lumapit si mama sa akin para ayusin ang kumot at saka ako hinalikan sa noo. Bago tuluyang lumabas binuksan niya muna ang ilaw ng lumpshade na nasa gilid ng aking kama at saka pinatay ang main switch.
Kinabukasan maaga akong nagising dahil kailangan kong pumasok sa opisina. Pagkatapos kong maligo at mag-ayos bumaba na rin ako. Naabutan kong nagbabasa ng dyaryo si papa habang may isang tasa ng black coffee sa tabi niya samantalang busy naman si mama sa pagluluto ng agahan.
"Good morning," bati ko sa kanila, lumapit ako kay mama at papa para makipagbeso. Nakaugalian na namin tong gawin tuwing umaga.
"Kumusta ang pakiramdam mo anak?" Tanong ni mama.
"Ok na po ako ma, wag na po kayong mag-alala." Tugon ko sa kanya ng nakangiti para hindi na siya mag-alala pa at umupo sa tabi ni papa at nagtimpla ng kape.
"Masyado ka atang subsob sa trabaho anak, hinay-hinay lang nandito naman si papa para ibigay ang mga pangangailangan nyong magkakapatid," sambit ni papa habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa dyaryong binabasa niya.
"Pa 22 na ako, its time na ako naman ang bumawi sa lahat ng sacrifices nyo ni mama para sa amin ni Anne at Nickie. Don't worry magpafile ako ng 1 week leave sa trabaho para di na kayo mag-alala," binaba ni papa ang hawak niyang dyaryo at ngumiti sa akin.
"Napaka-independent talaga ng anak ko," saad nito at bahagyang ginulo ang buhok ko.
Para namang tinunaw ang puso ko sa sinabi ni papa kahit madalas niyang sabihin sa aking ang mga katagang yon natutuwa pa rin ako sa tuwing naririnig ko ang mga 'to mula sa kanila ni mama. Iba pa rin talaga kapag sa magulang mo nanggaling ang mga ganitong papuri.
Matapos naming mag-almusal nagpaalam na ako sa kanila para pumasok sa opisina 7am na at 8am nagbubukas ang office.
Binuksan ko ang kulay pulang Toyota Vios ko. Yes I have my own car. I immediately start the engine and drive silently, pinaandar ko rin ang radyo at itinapat ito sa paboritong kong station para makinig ng mga kanta.
Napatingin ako sa ID ko na na nakasabit sa kotse ko. Katelyn Hope B. Suarez, I smile when I read my name. Who would thought that at the age of 22 I almost have everything in life. I finished college at the age of 19 and now I have a stable job.
At the span of 3 years I work at the most prestigious fashion design company here in the Philippines. I have my own signature line, ilang mga sikat na aktres at aktor na rin ang nakasuot ng mga damit na ako mismo ang nagdesinyo. Kung minsan ako rin ang nagmomodel ng mga iyon.
Hindi kami mayaman, hindi rin kami mahirap, sadyang masipag at madiskarte lang ang mga magulang ko at isa iyon sa mga namana ko sa kanila. My father is a public school teacher while my mother manage our family business, an eatery. I'm planning na gawin na itong restaurant next year.
I used to be scholar kaya kahit hindi namin afford ang kursong fashion design nairaos naman namin ito dahil sa mga scholarship na natanggap ko. Isa rin ang kompanyang pinagtatrabahuan ko na tumulong sa akin, they discover me during high school ng magkaroon ng contest sa TLE at isa ako sa mga kalahok doon. That's why im giving back to them dahil ang laki ng utang na loob ko sa kanila for giving me a once in lifetime opportunity.
"Naniniwala ba kayo sa reincarnation? Na may mga taong nabuhay noon at mabubuhay ulit ngayon?"
I stop reminscing ng marinig ko ang tanong ni DJ Martin. Hindi ako naniniwala sa reincarnation but lately hindi ko talaga maipaliwanang ang nararamdaman ko dahil sa isang pangyayari na gabi-gabi kong napapanaginipan. It started one week after my birthday.
Bakit nga ba hindi ako mapapaisip? Kamukhang-kamukha ko ang babaeng nakasuot ng magarbong baro't saya habang hawak niya sa kanyang mga bisig ang isang di ko kilalang lalaki. Hindi malinaw ang mukha nito kaya hindi ko alam kung nakita ko na ba siya o hindi pa. Sumisigaw ang babae habang umiiyak, may tama ng baril sa puso ang lalaki. Sa tingin ko nga ay patay na ito. Malakas ang buhos ng ulan na sumasabay sa paghihinagpis niya. Napapaligiran din siya ng sampung nakaunipormeng lalaki na may dalang mahahabang baril.
I wonder why I kept having those dreams, anong kinalaman ko sa kanila? Hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako. Ang bigat ng pakiramdam ko. Ako ba ang babeng yon? Posible nga kaya na nareincarnate ako?
Napailing na lang ako sa naisip ko. Imposible namang mangyari yon. Wala pa namang nakakapagpatunay na totoo ang reincarnation at isa pa baka masyado lang akong na stress katulad ng sinabi ni mama dahil may kailangan akong tapusing mga designs na ilalabas na namin sa katapusan.
Pinunasan ko ang luha ko. Nang tumingin ako sa labas ng bintana ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nasa forecast ba na uulan ngayon? Napabuntong hininga na lang ako. Malapit na ako sa office 15 minutes na lang.
Paliko na ako ng mapansin ko ang isang malaking truck na nagpagewang-gewang. Malapit na to sa akin!
Sh*t! Anong gagawin ko? Kapag hindi ko 'to naiwasan sigurado akong sa sasakyan ko to sasalpok. Nataranta na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko, para akong naistatwa sa kinakaupuan ko.
Hindi ko maintindihan pero may nakakasilaw na liwanag na bigla na lang lumitaw, sobrang sakit nito sa mata kaya hindi ko magawang titigan. Nang unti-unting mawala ang liwanag sobrang lapit na ng truck sa akin. Kinabig ko ang manibela para subukang iwasan pero huli na ang lahat.
Naramdaman ko na lang ang malakas na pwersang bumangga sa kotse ko at tuluyan nang nagpagulong-gulong ang sasakyan ko.
Hindi ko maigalaw ang katawan ko at sobrang sakit din ng ulo ko. Hindi ko masyadong maaninag ang nasa paligid dahil bukod sa nanlalabo kong mga mata natatakpan din ito ng dugo na umaagos mula sa ulo ko.
Bago ako mawalan ng malay may naaninag akong pigura na papalapit sa akin.
"Halika na, oras na" saad niya sa akin bago tuluyang nagdilim ang paningin ko.
***********
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Hi bb's thank you for your endless love and support to Klwkn sana suportahan niyo rin ang bago kong akda.
No to spoilers pleaseeee!
I love you bbs enjoy! 💙
BINABASA MO ANG
El Epilogo De Nuestra Historia (COMPLETED)
Historical FictionAn accident that will bring her back to her past life. Credits to Bb Mariya for the cover ✨ Started: May 12, 2020 Ended: November 28, 2020 Highest Rank: #1- 1861 #1- Classic #1- Hisfic #1- Philippine History #1- Spanish Era #1- 19th Century #1- Rafa...