#EEDNH7
Isang linggo matapos ang pormal na pag-anunsiyo sa kasal ni Rafael at Kristina, nakahilata lang ako sa aking kama at ilang araw na nagkulong sa aking silid.
Sa totoo lang ay wala akong gana sa lahat ng bagay. Akala pa nila ama’t ina ay may sakit ako kung kaya nagpatawag sila ng doktor noong isang gabi. Ayon dito ay mabuti naman ang aking kalagayan at walang iniindang sakit.
Wala naman talaga akong sakit bukod sa puso kong hindi ko malaman kung bakit kumikirot at nakakaramdam ng labis na kalungkutan.
Agad akong nag-ayos at lumabas ng aking silid. Nadatnan ko sila Eleanor at Elena na nag-uusap sa sa may azotea.
“Ate maayos na ba ang iyong pakiramdam?” Tanong ng kapatid ko. Tumango naman ako sa kanya.
“Nasaan sina ama’t ina?” Balik kong tanong sa kanya.
“Nagpunta sila sa bayan,” sagot niya sa akin. Ngumiti ako ng matamis habang papalapit sa kanya.
“Kung ano man iyang naiisip mo ate itigil mo iyan. Wala akong panahon sa mga kolokohan mo,” napataas ang kanang kilay ko sa kanya.
“Hindi naman kita isasama. Si Elena ang isasama ko,” nakangiti kong sambit at tumingin kay Elena.
“Ha? Ako po binibini? Saan nyo po ba nais pumunta?” Tanong niya sa akin.
“Sa pamilihan,” sagot ko.
Wala ng nagawa ang dalawa sa nais ko. Nakasakay kami ngayon ni Elena sa kalesa papunta sa pamilihan.
Nakapangalumbaba ako habang nakatingin sa labas at pinagmamasdan ang matatayog na punong nadadaanan namin.
Halos mawalan ako ng balanse ng biglang may tumamang pana sa kalesang sinasakyan namin. Nakatulala lang ako habang nakatitig sa panang nakabaon malapit sa akin. Walang humpay rin ang pagwawala ng kabayo namin kaya pansamantalang iitinigil ng kutsero ang aming kalesa.
“Binibini ayos lang po ba kayo?” Nag-aalalang tanong sa akin ni Elena. Tiningnan niya ang aking mukha kung nasugatan ba ako at nakahinga siya ng maluwag ng masiguro niyang wala akong galos.
Bumaba ako sa kalesa para tingnan ang nangyari. “Binibini sandali. Hindi po ba at mas ligtas kung nasa loob lang kayo ng kalesa at bumalik na lang po tayo sa mansyon,” saad niya.
Sa kabila ng walang humpay na pagkabog ng puso ko dahil sa takot. Hindi ako nagpatinag sa sinabi ni Elena. Wala siyang nagawa kung ‘di ang sundan ako.
Nagpalinga-linga ako sa paligid para tingnan kung sino ay may gawa non ngunit wala akong naaninag.
Nilapitan ko ang kutsero naming si Mang Isko na ngayon ay abala sa pagpapahinahon sa kabayo.
“Mang Isko ayos lang po ba kayo?” Tumingin siya sa akin at bahagyang ngumiti bago tumango.
Naging alerto kaming lahat ng makarinig kami ng yabag ng paparating na kalesa. Agad kong dinampot ang sanga ng kahoy na nakita ko para gawing pandepensa kung sakaling mang ang pumana sa kalesang sinasakyan namin ang paparating. Maging si Elena at Mang Isko ay kumuha rin kahoy.
“Maging alerto kayo hindi natin alam baka ang pumana sa ating kalesa ang lulan ng kalesang iyan,” sambit ko sa dalawa at agad naman silang tumango.
Habang papalapit ng papalapit ang kalesa sa aming gawi. Palakas rin ng palakas ang tibok ng puso ko.
Paano kung mamatay kaming lahat ngayon dito? Sapat na bang panlaban ang kahoy na ‘to? Tanong ko sa sarili ko.
Nang tumigil ang kalesa sa harapan namin at inilabas non ang lulan nito saka lang ako nakahinga ng maluwag. “Binibining Isabella ano ang iyong ginagawa rito?” Tanong ni Rafael sa’kin ng tuluyan siya nakababa sa kanyang kalesa.
BINABASA MO ANG
El Epilogo De Nuestra Historia (COMPLETED)
Fiction HistoriqueAn accident that will bring her back to her past life. Credits to Bb Mariya for the cover ✨ Started: May 12, 2020 Ended: November 28, 2020 Highest Rank: #1- 1861 #1- Classic #1- Hisfic #1- Philippine History #1- Spanish Era #1- 19th Century #1- Rafa...