Dies

1.9K 119 38
                                    

#EEDNH10

"Ate," bungad sa akin ni Eleanor nang pumasok siya sa aking silid. Mabilis siyang umakyat sa aking kama, umupo sa tabi ko at niyakap ako sa aking baywang.

"Bakit anong nangyari sa iyo?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.

Nagtaas siya nang tingin habang hindi pa rin umaalis mula sa pagkakayakap sa'kin.

"Bakit ganoon? Bakit hindi tumupad sila ama?" Malungkot niyang tanong, pansin ko rin na nagsisimula ng mamuo ang luha sa kanyang mata.

"Nangangamba ako Ate... hindi ko nais dumating ang araw na ako'y ikakasal at matatali sa taong hindi ko naman mahal," dagdag niya.

Nagbaba siya nang tingin at mas lalong hinigpitan ang kanyang pagyakap. Nag-iwas siya nang tingin ng sa ganoon ay mapigilan niya ang kanyang sariling maiyak.

"Shhhh. Wag kang mag-alala hindi hahayaan ni Ate na maranasan mo iyon. Pangako," saad ko habang marahang hinahaplos ang kanyang mahabang buhok.

"Pero paano ka naman ate? Hindi mo ba pakikiusapan man lang sila ama na huwag ituloy ang kasal?" Tanong nito habang hindi nakatingin sa akin.

"Higit sa lahat ikaw ang mas nakakaalam na kahit ano pang pagtutol ang aking gawin... hindi ko na mababago ang kanilang pasya Eleanor," sambit ko at ngumiti ng mapait.

Kung hindi man natupad ng aming mga magulang ang kanilang pangako sa akin... sisiguraduhin kong hindi iyon mararanasan ni Elanor. Sisiguraduhin kong sa akin magtatapos ang panghihimasok sa kaligayahan naming magkapatid.

Hindi ko man maranasan iyon, sapat na sa akin na makitang malayang magmamahal ang kapatid ko ng taong mamahalin niya at mamahalin siya ng buong-buo.



"Binibini ipinapatawag ho kayo ng inyong ama. May bisita raw po kayong naghihintay," sambit ni Elena mula sa labas.

Napabuntong hininga na lang ako habang nakaupo at nakatitig sa harap ng salamin. Inayos ko ang aking buhok at saka pumanhik sa baba.

Hindi man nila sabihin sa akin kung sino iyon agad kong nahinuha na si Ramirez iyon.

Pagkarating ko sa ibaba, hindi nga ako nagkamali dahil bumungad sa akin si Mateo na nakaupo sa sala habang may hawak na mga rosas. Nakaupo sa kanyang tapat si ama na ngayon ay tumatawa dahil sa kung ano mang pinag-uusapan nila.

Nang magawi ang tingin sa akin ni ama bigla siyang tumigil sa pagtawa dahilan para mapalingon din si Mateo. Ngumiti siya ng makita ako at dagling tumayo at naglakad papunta sa kinatatayuan ko.

"Rosas para sa pinakamarikit na Binibining nasilayan ko," sambit nito sabay abot ng mga rosas na hawak niya habang malawak na nangiti sa akin kung saan makikita na ang mapuputing ngipin nito.

Sinulyapan ko si ama at nakita siyang tipid na ngumiti at tumango. Tinanggap ko ang rosas na binigay ni Mateo at saglit itong inamoy. Hindi ko maiwasan mapangiti sa nakakahila nitong samyo. Ngayon ko lang naalala kung bakit paborito ko ang pulang rosas... iyon ay dahil sa batang lalaki.

Hindi ko namalayan na nasa harap na pala namin si ama. Nakangiti itong nakatingin sa aming dalawa ni Mateo.

"Bakit hindi mo muna ipasyal si Ginoong Mateo anak," suhestiyon ni ama.

"Huwag na po Gobernador baka mapagod lang ang Binibini," pagtanggi naman nito.

"Sige na Isabella ipasyal muna ang Ginoo nang sa ganoon ay magkaroon kayo ng pribadong oras dalawa total ikakasal na rin naman kayo," pagpupumilit ni ama.

"Masusunod ama," saad ko.

"Sige na at maiwan ko muna kayong dalawa dahil may mahalaga pa akong tatapusin," sambit ni ama bago kami tuluyang iniwan.

El Epilogo De Nuestra Historia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon