#EEDNH11
“Isa na akong ganap na doktor Isabella… Tinupad ko ang pangako ko sa iyo,” nakangiti niyang sambit sa akin dahilan para mamilog ang mata ko at umawang ang aking bibig dahil sa gulat.
Pilit kong pinapakalma ang aking sarili sa rebelasyong nalaman ko. Muli akong nag-iwas ng tingin sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin.
Akala ko kapag nalaman ko kung sino ang batang iyon… galak at pagkasabik ang mananaig sa aking puso ngunit nagkamali ako, sa halip pagkalito at pagkadismaya ang siyang tunay kong nararamdaman sa mga oras na ito.
Pagkalito dahil paano siya ang naging batang iyon kung sa Maynila mismo sila nanirahan ng kanyang pamilya at kakalipat lang nila rito? At aamining kong panghihinayang dahil akala ko… akala ko si Rafael ang batang iyon.
“Marahil ay nagtataka ka Binibini,” wika ni Mateo nang makita niya ang reaksyon ko. Umayos siya ng upo at tumingin sa kawalan.
“Ang totoo niyan pumunta ang aming pamilya noon dito sapagkat nagkaroon si ama ng kaibigan sa Maynila na naninirahan sa bayang ‘to. Naimbitahan niya kaming dumalo sa kanyang kaarawan at ng gabing iyon… iyon ang gabing nasilayan at nakilala kita,” nang lingunin ko siya nakita ko siyang nakangiti ng matamis sa akin.
“Sinabi mong balang-araw ay magiging isa akong magaling na doktor kung kaya’t pinagsumikapan kong makatapos sa kursong medisina at maging isang magiting na doktor nang sa ganoon kapag muling nagkrus ang landas nating dalawa… may ipagmamalaki na ako sa iyo,” saad niya.
“Natutuwa akong natupad mo ang iyong pangarap Ginoo,” sambit ko ang ngumiti ng tipid sa kanya.
“Hindi ako magkakaroon ng pangarap sa buhay at hindi ko ito makakamit kung hindi dahil sa iyo Sabel,” aniya habang hindi pa rin naalis ang nakabibighaning ngiti sa kanyang labi.
Hindi ko maiwasan matulala sa kanyang harapan ng marinig kung tinawag niya akong Sabel. Ito rin ang pangalang tinawag sa akin noon ng bata ngunit kung ikukumpara noon wala man lang itong dating sa akin ngayon.
Bakit?
Napailing na lang ako… marahil ay nabigla lamang ako sa aking mga nalaman. Kagaya nga ng sinabi ko akala ko si Rafael ang batang iyon.
Tama na ang kakaisip sa lalaking iyon Isabella kailanman ay hindi siya magiging sayo.
Marahil ay paraan na rin ito ng tadhana para ilihis ang aking atensiyon mula kay Rafael… hindi ko nais na mas lalong mahulog ang aking loob sa kanya dahil alam kong magiging sanhi lamang ito ng matinding kaguluhan sa pagitan ng pamilya namin, ni Rafael at ni Kristina na siyang hindi ko nais na mangyari.
Muli kong tinitigan ko si Mateo… sa kabila ng pagkadismaya, masaya akong malaman na naging instrumento ako para makamit niya ang kanyang mga pangarap sa buhay. Hindi ko pa man siya lubusang kilala, natitiyak kong mabuti siyang tao kagaya ng kung paano ko siya hinangaan no'ng mga bata pa lamang kami.
Marahil ay panahon na rin upang muli kong buksan ang aking puso sa taong una kong hinangaan…
Madilim at halos hindi pa lumilitaw ang araw ay may nakahanda ng kalesa sa labas ng aming mansyon at naghihintay na sa akin si Mateo sa sala. Kahapon ay nagpaalaman siya kina ama at ina kung maari niya ba akong isama sa pamamasyal na agad naman nilang sinang-ayunan.
Hindi ko akalain na ganito pala kaaga kaming mamamasyal. Alas cuatro y media pa lang ng umaga. Tulog pa sila ama at ina.
Paulit-ulit ko siyang tinatanong kahapon kung saan kami magtutungo ngunit ayaw niyang sabihin sa akin.
BINABASA MO ANG
El Epilogo De Nuestra Historia (COMPLETED)
Historical FictionAn accident that will bring her back to her past life. Credits to Bb Mariya for the cover ✨ Started: May 12, 2020 Ended: November 28, 2020 Highest Rank: #1- 1861 #1- Classic #1- Hisfic #1- Philippine History #1- Spanish Era #1- 19th Century #1- Rafa...