#EEDNH29
"Binibini, narito na po tayo," saad ng kutsero ng tumigil ito sa isang malaking mansyon. Sumilip muna ako sa mula sa bintana ng kalesa upang tingnan ang mansyon ng pamilya Ramirez.
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ako bumaba ng kalesa. Maaliwalas ang panahon at halos kakasikat pa lang ng araw.
Kung hindi ako nagkakamali ngayon ang araw nang pag-alis ni Mateo at kailangan ko siyang makausap bago pa niya tuluyang lisanin ang lugar na ito.
Muli akong napabuntong hininga saka naglakad patungo sa kanilang mansyon. Para kay ama Isabella. Para kay ama...
Ito ang unang beses na aapak ako sa tahanan ng pamilya Ramirez. Iginala ko ang aking paningin sa paligid, kung ikukumpara ito sa aming mansyon ay mas malaki ang mansyon nila Mateo. Unang nakaagaw ng aking pansin ay ang mga kumpol ng pulang rosas na pabilog na nakatanim sa harapan mismo ng kanilang mansyon.
Dinala ako ng mga paa ko roon. Karamihan sa mga bulaklak nito ay na namumukadkad na. Nakapikit kong inamoy ang isang rosas at tipid na napangiti. Hindi ko alam na napakarami pala nilang tanim na rosas rito.
"Mas lalo kang gumaganda sa tuwing ika'y nakangiti," nagulat ako nang may magsalita sa aking tabi. Nang imulat ko ang aking mata at mag-angat ng tingin, tumambad sa aking harapan si Mateo. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa aking tabi.
"Nakakalungkot lang sapagkat kailanman hindi ako ang naging dahilan niyan," mahinang dugtong niya. Sapat lang upang marinig ko. Nakangiti siya ngunit ang mata niya'y nababalot ng matinding lungkot.
Hindi ko nagawang sumagot kaagad sa kaniyang sinabi at napayuko na lamang. Kung kay dali lang sanang turuan ng puso Mateo. Sana'y noon pa lang, ginawa ko na nang sa ganoon ay hindi na nangyari ang mga bagay na ito.
"Hindi ba't paborito mo ang mga rosas? Ipinasadya kong ipatanim ang mga iyan para sa iyo," wika na dahilan upang muli akong mag-angat ng tingin.
Mateo bakit? Bakit kailangan mong gawin ang mga bagay na ito para sa akin?
Tumikhim si Mateo bago nagsalita, "Nakita kita mula sa aking silid na papunta rito kaya napagpasyahan kong bumaba. Ano ang iyong sadya at naparito ka binibini?" pag-iiba niya ng usapan nang mapansin niyang nakatitig lang ako sa kanya.
Natauhan ako sa kanyang sinabi. Ngayon ko lang napansin na bihis na bihis na pala. Tama nga ang aking hinala na ngayong araw niya lilisanin ang lugar na ito.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Mateo, narito ako para tanggapin ang iyong alok," walang pag-aalinlangan kong saad sa kanya.
Bago pa man ako nagtungo rito buo na ang aking pasya na papaya na akong magpakasal kay Mateo. Ito na lang ang natitirang paraan upang mabago ko ang nakatadhana at nang hindi na muling maulit pa ang mapait na nangyari noon.
Nakita kong nagulat siya. At mas lalo pa siyang nagulat ng lumuhod ako sa kaniyang harapan.
"Pakiusap... tulungan mo akong iligtas ang aking ama," pagsusumamo ko.
"Pumapayag na akong magpakasal sa iyo. Tulungan mo lang si ama. Tulungan mo akong iligtas siya," pagmamakaawa ko.
Hindi maaring mawala si ama. Hindi siya maaring mamatay.
"Isabella..." rinig kong sambit ni Mateo. Umupo si Mateo sa aking harapan ang ang isang tuhod niya ay nakatukod sa lupa upang magkapantay kami.
Hiwakan niya ang magkabila kong balikat bago hinawakan ang aking baba upang iangat ang aking tingin.
"Ikaw lang naman ang hinihintay kong lumapit sa akin Isabella. Hindi mo kailangan magmakaawa sa akin. Alam mong gagawin ko ang lahat upang matulungan ka," at saka ngumiti ng tipid.
BINABASA MO ANG
El Epilogo De Nuestra Historia (COMPLETED)
Historical FictionAn accident that will bring her back to her past life. Credits to Bb Mariya for the cover ✨ Started: May 12, 2020 Ended: November 28, 2020 Highest Rank: #1- 1861 #1- Classic #1- Hisfic #1- Philippine History #1- Spanish Era #1- 19th Century #1- Rafa...