#EEDNH5
Isang linggo na rin ang nakalipas matapos kung malaman na ang lapastangang lalaki na nakita ko sa talon ay ang lalaking mapapangasawa pala ng aking kaibigan na si Kristina. Matapos ng nangyari ay hindi na rin ako bumalik pa sa talon sa takot na makita siyang muli lalo pa at may hindi ako maunawaang nararamdaman sa tuwing nakikita siya.
Ilang araw akong nagkulong silid ko at ngayon ay nababagot na naman ako sa hindi malamang dahilan. Nais kong lumabas ngunit saan naman kaya ako pupunta?
Isa ito sa mga bagay na napapansin ko sa aking sarili nitong mga nakaraan araw, palagi akong aligaga at hindi mapirmi sa bahay, lagi kong nais lumabas. Hindi ko nga lang alam kung saan ko nais magtutungo sapagkat iniiwasan kong magawi sa may talon.
Nakakapagtaka, noon ay hindi naman ako mahilig lumabas at makihalubilo sa ibang tao. Maging sila Eleanor at Elena ay nagtataka at naninibago rin sa mga kinikilos ko.
Napasabunot na lang ako sa aking buhok, ano bang nangyayari? Marami akong bagay na hindi ko akalaing magagawa ko sapagkat hindi ko naman ito ginagawa noon.
Una ay madali akong mabagot at nais kong makapunta kung saan-saan. Pangalawa hindi ako marunong lumangoy ngunit nagawa ko ‘yon. At panghuli na mas lalo kong ipinagtaka ay kung paano ako natutong magluto. Nang isang araw lang ay bigla ko na lang naisipang magluto ng sinigang na bangus.
Nagtataka man sila ina na sa huli ay nauwi rin sa tuksuhang handa na raw akong mag-asawa. Napailing na lang ako ng maisip ang bagay na iyon dahil sa totoo ay hindi pa sumagi sa isip ko ang pagpapaksal lalo na at wala pa naman akong napupusuang ginoo.
Matapos ang ilang beses na paggulong-gulong sa aking higaan ay nakita ko lang ang aking sariling tuwang-tuwa habang naglalakad sa pamilihan. Wala si ama samantalang si ina naman ay abala sa pagbuburda at ayaw rin akong samahan ni Eleanor kaya mag-isa akong nagtungo rito.
Lumaki pa lalo ang ngiti ko ng makakita ako ng iba’t ibang uri ng mga pang-ipit na maari kong ipares sa mga susuutin kong baro’t saya. Inilabas din ng may-ari ang iba pang palamuti sa buhok at mga mamahaling alahas na galing pa sa Europa ng makilala niya kung sino ako.
Habang abala sa pamimili, nakarinig ako ng ingay sa ‘di kalayuan. Namalayan ko na lang ang sarili kong naglalakad patungo roon. Nabigla ako ng makita kung ano ang pinagkakagukuhan nila. Kasalukuyang binabato ng mga tao ang matandang pulubi na nakita ko kamakailan sa may gilid ng simbahan.
Hindi ako nagdalawang isip lapitan siya at iharangan ang katawan ko sa mga nambabato sa kanya.
“Binibini umalis ka riyan malas ang matandang iyan!"
“Nararapat lang ito sa kanya sapagkat magnanakaw siya!"
“Siya ang naghahatid ng kamalasan sa bayang ito!"
“Hatulan siyang mamatay!”
Nilingon ko mula sa aking likuran si lola at punong-puno ng awa ang mata ko habang nakatingin sa kanya na kasalukuyang nakabaon ang mukha sa pagitan ng kanyang tuhod. Mas lalo pang nasira ang luma nitong kasuotan, marahil ay kinuyog pa siya ng taong-bayan kanina.
“Anong karapatan niyo para gawin ito sa kanya? May patunay ba kayo na may ninakaw siya? Alam niyo bang kayo mismo ang maaring parusahan sa pag-aakusa sa taong wala namang sapat na ebidensiya?” Matapang kong tanong sa kanila habang nililibot ang paningin ko sa mga taong naririto ngayon.
Anong karapatan nilang husgahan siya ng walang pruweba? Ganito na ba kawalang hustisya ang nangyayari sa bayang ito? Kung sino pa ang mga taong walang kalaban-laban at mga mahihirap ay siyang madalas pagbintangan at api-apihin.
BINABASA MO ANG
El Epilogo De Nuestra Historia (COMPLETED)
Historical FictionAn accident that will bring her back to her past life. Credits to Bb Mariya for the cover ✨ Started: May 12, 2020 Ended: November 28, 2020 Highest Rank: #1- 1861 #1- Classic #1- Hisfic #1- Philippine History #1- Spanish Era #1- 19th Century #1- Rafa...