#EEDNH30
Maaga kaming nagpunta sa plaza kung saan gaganapin ang pagbitay kina ama at sa mga bandidong nahuli. Nasa tabi ko si ina at katabi naman niya si Eleanor at Elena. Maya't maya ang paglingon ko sa paligid sapagkat hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita si Mateo.
Hindi na ako mapalagay sa aking kinaroroonan lalo pa at nagsimula ng magdatingan ang mga guardia civil bitbit ang mga bandido at nasa huli ng mga ito si ama. Pinipiga ang puso ko habang nakatitig sa aking ama. Napakarami nitong sugat at pasa sa bawat parte ng kaniyang mukha at katawan, indikasyon na pinapahirapan siya sa loob ng kulungan.
Mateo na saan ka na ba?
Patuloy kong hinahanap si Mateo sa paligid ngunit sa halip na siya ang makita ko ay si Rafael ang nasumpungan ng aking mga mata na nakatitig din sa akin, nasa tabi nito ang kaniyang ama. Ako ang unang nag-iwas ang tingin.
Ito ang unang beses na muli kaming nagkita pagkatapos ng nangyari sa talon. Wari'y tinutusok ang puso ko, hindi na siya dapat pa nagtungo rito ngunit ano pa bang inaasahan ko, ang kaniyang ama ang siyang punong-hukom ng bayang ito.
Mas lalong umingay ang paligid ng sinimulan ng itali sa silyang may bakal sina ama at ang tatlong bandidong nahuli.
Mas lalong lumakas ang pagdagundong sa aking puso habang paulit-ulit na pinagsisilop ang dalawa kong kamay na ngayon ay pawisan na. Rinig ko ang masasakit na sigaw ng mga taong-bayan sa akin ama.
"TAKSIL!"
"NARARAPAT LANG 'YAN SAYO!"
"HINDI DAPAT MAMUNO SA BAYANG ITO ANG TAKSIL NA KATULAD MO!"
Gustuhin ko mang pumagitna. Sigawan silang lahat at ipagtanggol si ama ngunit hindi ko magawa. Nang lingunin ko si ina kitang-kita ko kung paano tumulo ang kaniyang mga luha habang pinapakinggan ang pang-iinsulto at pagmumura nila kay ama.
Nagsimula ng magdasal ang pari para sa kanila at hindi pa rin dumarating si Mateo.
Pakiusap Mateo na saan ka na ba?
Ramdam ko ang paghigpit ng kapit ni ina sa aking kamay. Alam kong katulad ko ay naghihintay rin siya sa pagdating ni Mateo.
Matapos magdasal ng ni Padre Emmanuel kina ama ay lumapit na ang mga guardia civil upang ikabit ang kadenang bakal sa kanilang mga leeg.
Mas lumakas pa ang hiyawan at sigawan ng mga tao sa paligid. Galit na galit ang mga ito kay ama at sa mga bandidong nahuli.
"Isabella..." rinig kong sambit ni ina. Nang nilingon ko siya ay kitang-kita ko ang takot sa kaniyang mga mata.
Natuon ang atensiyon ng lahat ng biglang may rumaragasang kalesa ang huminto sa harap mismo ng plaza. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng makita kong si Mateo ang bumaba roon kasama ang kaniyang ama na si Don Armando at isang hindi kilalang lalaki.
Nagpalinga-linga sa paligid si Mateo at nang magtama ang mata naming dalawa ay ngumiti siya ng bahagya bago naglakad papalapit sa mga opisyal na nakaupo sa harap ng entablado kung saan nakaupo sila ama at ang mga bandido.
Pinigilan ng mga guardia civil na makalapit si Mateo sa opisyal at hukom na naroon. "Ipagpaumanhin ninyo ngunit kinakailangan kong makausap ang punong-hukom," malakas na sambit ni Rafael.
Tumayo si Don Aurelio ang ama ni Rafael upang harapin si Mateo.
"Ano ang iyong sadya Ginoo? Hindi mo ba alam kung anong nangyayari rito?" tanong ng punong-hukom.
"Alam na alam ko ang nangyayari rito punong-hukom Ruiz kung kaya't narito ako upang ipaalam sa lahat na inosente at walang kaugnayan ang mahal nating gobernadorcillo sa ibinibintang sa kaniya," sambit ni Mateo sapat para marinig ng lahat ng narito.
BINABASA MO ANG
El Epilogo De Nuestra Historia (COMPLETED)
Historical FictionAn accident that will bring her back to her past life. Credits to Bb Mariya for the cover ✨ Started: May 12, 2020 Ended: November 28, 2020 Highest Rank: #1- 1861 #1- Classic #1- Hisfic #1- Philippine History #1- Spanish Era #1- 19th Century #1- Rafa...