Diecisiete

1.5K 85 143
                                    

#EEDNH17

Ngayon ang pinakahihintay na pista ng lahat. Maaga kaming nagising upang dumalo sa paunang misa. Ala-sais ng umaga magaganap ang misa kung kaya’t alas kwatro y media pa lang ay ginising na kaming lahat nila lola.

Katatapos ko lang maligo at nakasuot na ako ng pulang baro at itim na sayang binurdahan ng puting bulaklak.

Nakaupo ako sa harap ng maliit na tukador na may salamin sa gitna. Hawak-hawak ko ang pang-ipit na binigay ni Mateo.

Nagtatalo ang puso't isipan ko kung gagamitin ko ba ‘to o hindi dahil bagay naman sa suot kong baro’t saya. Tinitigan kong muli ang pang-ipit saka napailing.

Pakiramdam ko, hindi pa ito ang tamang oras para gamitin ito lalo na't may iba pang lalaking nilalaman ang puso ko.

Napabuntong hininga ako ng malalim saka ibinalik ang pang-ipit sa maliit na kahon. Gagamitin ko ito sa oras na handa na akong ibigay sa kanya ang puso ko ng buong-buo.

Kinuha ko na lamang ang pang-ipit na may desenyong kulay pulang bulaklak at inipit sa nakapusod kong buhok. Kinuha ko rin ang pulang abaniko at ibabaw ng tukador. Hindi ko rin nakaligtaang kunin ang paborito kong balabal na binurda pa ni ina. Muli akong humarap sa salamin at umikot ng dalawang beses. Ngumiti ako ako sa aking sarili bago tuluyang lumabas sa silid.

Pagkababa ko, naabutan ko sa sala sila lolo, lola, Eleanor at Elena. “Magandang umaga lolo, magandang umaga lola, magandang uumaga sa inyong dalawa” bati ko sa kanila.

“Magandang umaga din apo. Kumusta ang tulog mo? Nakatulog ka ba ng maayos?” Tanong ni lola sa akin.

“Opo lola,” nakangiting sagot ko.

“Nasaan na ba ang inyong ama’t ina? Mahuhuli na tayo sa misa,” tanong ni lolo sa seryosong nitong boses.

Nagkatinginan kaming tatlo nila Eleanor at Elena. Ayaw na ayaw pa naman ni lolo na nahuhuli sa misa kung kaya’t sinenyasan ko si Elena na umakyat sa itaas para tawagin sila ama’t ina. Agad naman siyang tumalima at mabilis na nagtungo sa kanilang silid.

“Hay naku Delfin pababa na rin ang mga iyon. Malapit lang naman ang simbahan kung kaya’t hindi tayo mahuhuli,” saad ni lola at saka hinawakan ang kamay nito upang kumalma.

Napangiti ako ng makitang nawala ang pagkakunot ng noo ni lolo. Sa tuwing mainit ang kanyang ulo, hinahawakan lang ni lola ang kanyang kamay at agad siyang kumakalma.

Ilang sandali pa ay nakita na namin sila ama't ina na nagmamadaling bumaba sa hagdanan, “Pasensiya na ama kung nahuli kami ni Emilia, may kinailangan lang akong tapusin,” paghingi ng paumanhin ni ama nang makababa sila ni ina.

Tumango lang si lola sa kanya, “Tayo na,” saad nito at naunang lumabas ng mansyon habang nakahawak sa kanyang baston sa kanan at hawak naman nito sa kaliwa si lola.


Marami ng tao ng makarating kami sa labas ng simbahan. Karamihan sa mga kababaihan ay suot-suot ang kani-kanilang magagarbong baro’t saya. Ang mga kalalakihan naman ay nakasuot ng itim na puting polo na tenernuhan ng itim na abrigo at itim na pantalon.

Napakaaliwalas ng panahon dahil halos kakasikat pa lamang ng araw. Malamig din ang simoy ng hangin dahil buwan na ng Oktubre. Nagkalat rin ang makukulay na banderitas na nakakabit sa labas ng simbahan.

Naunang maglakad si lola’t lola paoasok sa simbahan. Tumigil sila sa unang helera sa bandang kaliwa at doon naupo. Tahimik naman kaming sumunod sa kanila.

Nagsimula na ang misa, hindi ako mapalagay dahil pakiramdam ko’y kanina pa may nakatitig sa akin. Ilang beses akong napapalingon kung saan-saan sa pag-asang mahahanap ko ang pares ng nga matang iyon.

El Epilogo De Nuestra Historia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon