Cuatro

2.9K 139 68
                                    

#EEDNH4

"Isabella! Anak anong nangyari sa iyo?" Nanlaki ang mata ni Ina ng makita niya akong papasok sa mansyon. Halos balutin na ng putik ang pulang baro't saya ko.

"Nahulog lang po ako sa palayan Ina. Ayos lang po ako."

"Wala bang masakit sa iyo?" Nag-aalalang tanong ni Ina, umiling lang ako bilang sagot.

"Siya maligo ka na at magbihis. Kararating lang ng iyong ama maya-maya ay kakain na tayo," ngumiti si Ina ng kaunti sa akin at ngumiti rin ako ng bahagya saka pumanhik sa itaas.

Tahimik kaming kumain at kung minsan ay may itananong si ama kay ina. Napahinga naman ako ng maluwag ng walang tinanong si ama sa akin tungkol sa mga nangyari.

Pagkatapos magtanghalian pumunta ako sa aking silid at sumunod naman sila Eleanor at Elena upang usisain ako tungkol sa nangyari kanina.

"Ano na namang nangyari sa iyo Ate Isabella?" Tanong sa akin ni Eleanor habang pinipigilan ang sariling tumawa. Nakaupo kami ngayon sa akin higaan.

"Na-nakita ko siya," sagot ko sa kanya at naglakad papunta sa may bintana para makalanghap ng sariwang hangin.

Nagkatinginan silang dalawa at bakas sa kanilang mga mukha ang pagtataka kung sinong siya ang tinutukoy ko. "Sino ho ang tinutukoy nyo binibini?" Tanong sa akin ni Elena.

"Ang estrangherong lalaki sa may talon," napasinghap silang dalawa sa sinabi ko.

"Ano na namang kapangahasan ang ginawa niya sa iyo Ate?" Nagngingitngit sa galit na tanong ni Eleanor.

"Nakita ko siya sa palayan kung kaya't hinabol ko at nang akin siyang tanungin kung nakikilala niya ba ako, sumagot siya na hindi ngunit batid kong nagsisinungaling siya. Hindi ako maaring magkamali! Siya ang lalaking 'yon. Bigla niya akong tinakbuhan at nang habulin ko siya bigla na lang ako nawalan ng balanse at nahulog sa may palayan. Hindi ko rin inaasahan na babalik siya para tulungan ako," mahabang paliwanag ko sa kanila dahilan para mas lalo silang mawindang.

"Huwag mong sabihing nahawakan niya ang iyong kamay Ate Isabella?" Hindi ako kumibo at nanatiling nakapangalumbaba sa may bintana.

"Nakakarami na ang lapastangang lalaki iyon sa iyo ate nararapat lang na siya' maparuhasan," bulalas ni Eleanor.

Napailing na lang ako. Mas importante pa para sa kanya ang paghahawakan namin ng kamay kaysa sa pagtulong nito upang makaahon ako sa putikan.

Sabagay napakonserbatibo ng mga tao rito. Mariin nilang sinusunod ang ganitong mga patakaran.

"Isabellaaaaaaaaaa!" Natigil ang pag-uusap namin sa sigaw ni Kristina sa mula sa labas ng mansyon habang kumakaway sa akin. Kumaway naman ako pabalik at iniwan sila Elena at Eleanor sa loob ng aking silid habang abala pa rin sa pag-iisip kung ano ang gagawin sa estrangherong lalaki.

"Kristinaaaa!" Saad ko sa kanya at niyakap siya.

"Anong ginagawa mo rito?" Nagtataka kong tanong ng humiwalay ako mula sa pagkakayakap sa kanya.

"May mahalaga akong ibabalita sa iyo at hindi na akong makapaghintay pang sabihin ito sa iyo," masayang tugon niya sa akin at hinila ako papunta sa may hardin.

El Epilogo De Nuestra Historia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon