Viente y siete

1.3K 60 11
                                    

#EENDH27

Para akong nanlamig sa sinabi ni lola. Bigla niya akong hinila papalapit sa kanya at hinawakan ang aking mukha.

Pakiramdam ko'y unti-unti akong hinihila patungo sa kawalan... sa walang hanggang kadiliman...

(3rd Person's POV)

Simple lang ang buhay ni Isabella kilala siya bilang isang masipag, mapagmahal, at masunuring anak. Madalang itong makisalamuha sa ibang at wala siyang ibang kaibigan bukod kay Kristina. Halos sabay ng lumaki ang dalawa. Lahat ng naisin ni Kristina ay ibinibigay ni Isabella, hindi nito nais mawala ang nag-iisa niyang kaibigan.

Kinailangan magtungo ni Kristina ng Maynila upang mag-aral dahil nais sana nitong magmadre ngunit lahat ng iyon ay nagbago ng isang araw, nakilala niya ang binatang nagngangalang Rafael sa simbahan malapit sa kumbento kung saan siya nag-aaral.

Agad nitong hiniling sa kanyang ama na siya'y ikasal sa binata. Dahil mahal na mahal ng Don ang kanyang nag-iisang unica hija ay mabilis itong pumayag at nakipag-usap sa mga magulang ni Rafael upang maikasal sila.

Bumalik si Kristina sa San Isidro dala-dala ang balitang siya'y ikakasal na sa binatang kanyang napupusuan.

Masayang ibinalita ni Kristina ang balitang ito sa nag-iisa niyang kaibigan. Nabigla man ngunit masaya si Isabella para sa kanyang kaibigan.

Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana sa kanilang tatlo. Ang binatang nakakita kay Isabella sa talon ay si Rafael, ang lalaking papasakasalan ng kanyang matalik na kaibigan.

Hindi maikakailang naging magaan ang loob ni Isabella at Rafael sa isa't isa kahit pa hindi naging maganda ang simula kung paano sila nagkakilala. Naging takbuhan at tagpuan nila ang tagong talon, naging saksi ito kung paano nagsimulang umusbong ang isang pagmamahalan.

Isang bawal na pagmamahalan.

Nang malaman ni Isabella na si Rafael ang binatang siyang papakasalan ni Kristina ay ilang beses niyang sinubukang lumayo sa binata. Ilang beses niyang pinaalala sa kanyang sarili na hindi siya maaring mahulog sa ginoong 'yon sapagkat hindi niya kayang saktan ang kanyang matalik na kaibigan. Hindi niya magagawang agawin dito ang kasiyahan nito.

Nakita ni Isabella kung paano magningning ang mga mata ni Kristina sa tuwing pinag-uusapan nila ang binata. Kitang-kita kung gaano kamahal ng kanyang kaibigan si Rafael.

Isang araw, may ipinakilalang ginoo ang mga magulang ni Isabella sa kanya. Plano ng mga ito na ipakasal ang dalawa ng sa ganoon ay mapanatili at masiguro na walang magbabalak na magpatalsik sa pwesto sa pamilya Fernandez.

Hindi niya man nais na matali sa lalaking hindi niya kilala at lalong-lalo na sa lalaking hindi niya naman mahal ngunit wala siyang magawa dahil nakasalalay rito ang kinabukasan ng kanilang pamilya. Dahil sa dami ng nais na umagaw sa pwesto ng kanyang ama hindi na nila alam kung sino-sino pa ang nagbabalak ng masama sa kanilang pamilya lalong-lalo na sa kanyang ama.

El Epilogo De Nuestra Historia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon