Ocho

2K 112 145
                                    

#EEDNH8

Nang dahil sa nangyari mas naging mahigpit ang mga guardia civil na nagbabantay sa bayan ng San Isidro sa utos na rin ni ama. Hindi na rin kami basta-bastang nakakalabas ng mansyon nang walang pahintulot mula kay ama at mga magbabantay na guardia personel.

Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming ideya kung sino ang may pakana nang pagpana sa sinanakyan naming kalesa kung kaya’t hindi pa rin nahuhuli ang salarin. Napagalitan rin ako nila ama at ina dahil nalaman nilang umalis ako ng mansyon ng walang permiso.

Kasalukuyan kaming naghahanda sa aming tahanan, abala ang lahat sa paglilinis samantalang kami ni ina ay nasa kusina para magluto.

“Masarap ba anak?” Tanong sa akin ni ina. Tumango naman ako sa kanya at ngumiti bilang sagot.

“Opo Ina.” Pagsang-ayon ko ng tikman ko adobong niluluto namin.

“Ina sino po pala ang mga panauhin darating? Bakit kailangan ko pong tumulong dito?” Nagtataka kong tanong.

Kanina ko pa nais itanong ang tungkol sa bagay na ito kay Ina. Nakakapagtakang maaga niya akong ginising para tulungan siyang magluto na hindi naman niya ginagawa noon.

Lumapit si Ina sa akin at hinaplos ang mahaba kong buhok. “Ang bilis talaga ng panahon parang kailan lang kalong-kalong pa kita sa aking mga bisig pero ngayon lumaki ka bilang napakabuti at napakagandang bata,” saad ni Ina. Napansin ko rin ang luhang namumuo sa kanyang mga mata.

“Nais kong malaman mo na mahal na mahal ka namin ng iyong ama,” dagdag pa nito.

“Ina wag ka ngang magsalita ng ganyan. Ako’y kinakabahan sa mga pinagsasasabi ninyo,” sambit ko.

Hinawakan ni ina ang dalawa kong kamay. “Ipangako mo sa akin na kahit anong mangyari mamaya magiging mahinahon ka,” aniya. Hindi ako nakasagot kaagad at tinitigan lang si Ina.

“Isabella ipangako mo,” ulit ni Ina. Naguguluhan man ako sa mga sinasabi niya, pinili ko na lang tumango. “Pangako Ina.”

Maaga kaming natapos sa pagluluto ni Ina at wala pa naman ang mga panauhin namin kung kaya’t  napagpasyahan kong maglakad-lakad muna sa aming hardin. Nasa likuran ang dalawa kong kamay habang nakatanaw sa mga paru-parong lumilipad at nagpapalipat-lipat sa mga bulaklak. Banayad ang simoy ng hangin na tinatangay maalon kong buhok.

“Kay gandang pagmasdan ng ganitong tanawin,” saad nang hindi pamilyar na boses sa aking tabi.

Gulat akong napalingon sa taong nagsalita at pagtataka ang siyang unang rumehistro sa aking mukha ng makita ko ang lalaki. Nakakunot ang aking noo at salubong ang aking kilay ng akin siyang tignan.

Hindi ko alam kong ang tanawing sinasabi niya ay ang hardin namin o ako sa kadahilanang sa akin siya nakatitig ng aking siyang lingunin.

“Sino ka? Paano ka nakapasok dito?” Tanong ko sa kanya.

Ang alam ko’y mahigpit ang mga guardia personel na nagbabantay sa labas ng aming mansyon at walang sinuman ang basta-bastang makakapasok nang walang pahintulot mula kay ama.

“Ipagpaumanhin mo Binibini… tila ako’y nabighani ng isang napakagandang tanawin kung kaya’t naging mapangahas ako at nakalimutang kong magpakilala,” saad niya. Ibinaba niya ang mamahaling itim na sombrerong suot niya at itinapat iyon sa kanyang dibdib.

“Ako nga pala si Mateo Ramirez,” pagpapakilala niya at bahagyang yumuko sa akin.

Ramirez? Pamilyar ang kanyang apilyedo.

“Ano ang iyong sadya sa aming tahanan?” Tanong kong muli sa kanya.

“Sa aking pagkakaalam ay may mahalagang pag-uusapan ang iyong ama at ang aking ama,” sagot nito sa akin.

El Epilogo De Nuestra Historia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon