Nueve

2K 111 14
                                    

#EEDNH9

Nang makauwi ang pamilya Ramirez diretso akong nagtungo sa aking silid. Ilang beses akong tinawag ni Ina at Eleanor ngunit hindi ko sila pinakinggan. Kaagad kong ikinandado ang aking silid at sinigurong wala sinuman ang makakapasok.

Humiga ako sa aking kama at nagtaklob ng makapal na kumot. Tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Pauli-ulit na bakit ang naglalaro sa aking isipan. Bakit kailangan nilang ilihim sa akin ang bagay na ito? Bakit kailangan nila akong ipakasal sa lalaking hindi ko mahal? Bakit hindi nila tinupad ang kanilang pangako?

Sa kabila non ay hindi ko magawang magalit sa kanila. Hindi ko magawang manumbat. Bagkus dahil sa pagmamahal ko sa kanila pinili kong itikom ang aking bibig. Pairalin ang aking isipan kaysa sa aking puso. Na may malalim silang dahilan kung bakit nila ito nagawa dahil ni minsan hindi nila kami pinigilan sa kung anong gusto namin gawin ni Eleanor.

Ngunit hindi ko maitatangging nasasaktan ako… isa lamang akong hamak na taong nagdadamdam, nasasaktan at nagagalit. Hindi ako perpekto para hindi maramdaman ang mga ito.

Tatlong katok mula sa pintuan ang nagpatigil sa akin. Hindi ko na sana ito papansinin pero narinig ko ang boses ito ni ama.

“Anak maari mo bang pagbuksan si ama?’ Tanong nito.

Pinahid ko ang mga luha sa aking pisngi at dagling bumaba ng aking kama para pagbuksan si ama.

Nang mabuksan ko ang pinto natulala si ama ng makita niya ang hitsura ko. Alam kong namumula at namumugto ang aking mga mata. Pulang-pula rin ang aking ilong.

Tahimik kaming naglakad at umupo sa aking kama. Nakayuko ako ng bahagya habang nilalaro ang aking mga daliri, hindi ko magawang salubungin ang mga tingnan sa akin ni ama. 

Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga at saka naramdaman ang kamay niyang marahang hinahaplos ang aking mahabang buhok.

“Patawarin mo ako anak kong hindi namin nagawang sabihin sa iyo ng iyong Ina ang tungkol sa bagay na ‘to. Alam naming nangako kami sa inyo ni Eleanor na puputulin na natin ang kaugaliang ito ngunit anak… sa tingin ko’y hindi ko na magagawang tuparin ang pangako ko sa inyo,” saad ni ama.

Tuluyan ng akong nag-angat ng tingin. Ang mga taksil kong luha ay nagbabadya na namang umagos.

“Ama bakit?” Punong-puno ng hinanakit ang boses ko.

Pinili ni amang tumingin sa bintana bago ito muling nagsalita. “Kung hindi ko ito gagawin malalagay tayo sa alanganin. Kung hindi ko ito gagawin lahat ng pinaghirapan ng ating pamilya ay mapupunta sa wala. Kailangan natin ng malakas na alyansa sa mga mayayaman at makapangyarihang pamilya sa bayang ‘to,” tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko sa pangalawang pagkakataon.

Kapangyarihan? Hindi ko akalain na kayang baliin ni ama ang kanyang pangako sa amin para sa kapangyarihan. Akala ko naiiba siya sa lahat pero katulad nila’y gagawin din niya ang lahat para mapanatili sa pwesto.

“Nagsisimula ng kumilos ang mga kalaban natin anak. Nagsisimula na silang gumawa ng paraan para mapabagsak ako. Ang nangyari sa iyo kamakailan lang ay senyales na pinagbabantaan na nila ako,” dagdag pa ni ama. Mababakas sa boses niya ang takot at pangamba.

Humarap siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat. “Isabella, darating ang araw na maiintindihan mo rin si ama sa ginawa niyang desisyon. Anak hindi lamang ito para sa akin. Kung ‘di para na rin sa iyong Ina at kapatid. Hindi ko nais na may mangyaring masama sa inyong lahat. Naiintindihan mo ba ako?” Tanong ni ama.

Habang nakatitig sa kanya, buong-buhay ko ngayon ko lang siya nakitang nagkaganito. Ang mga mata ni ama’y puno ng takot at pangamba.

Ano pa nga bang magagawa ko? Alam kong kahit na hindi ako pumayag hindi na magbabago ang kanyang desisyon. Isa lamang akong hamak na anak na kailangang sumunod sa kung anumang naisin ng kanyang mga magulang.

El Epilogo De Nuestra Historia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon