Uno

6.5K 226 102
                                    

#EEDNH1

Filipinas 1861


“Binibini maayos na ba ang inyong kalagayan?” Nag-aalalang tanong sa akin ni Elena isa sa mga tagapagsilbi ng aming pamilya.

“A-ano bang n-nangyari?” tanong ko naman sa kanya. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at umupo habang inaalalayan ni Elena. Napahawak ako sa aking ulo, ramdam ko pa rin ang sakit at pagkirot nito na tila anumang oras ay mabibiyak. Habol ko rin ang aking hininga, ang bilis na pintig ng aking puso na animo’y galing ako sa isang karera. Basang-basang rin ako ng pawis at nanginginig ang dalawa kong kamay.

“Hindi nyo po ba maalala Binibini? Bigla na lamang kayong nawalan ng malay kanina habang nasa misa. Labis pong nag-aalala si Donya Emilia sa inyo,” paliwanag nito. Kumuha siya ng malinis na tela upang punasan ang pawis na naglalandas sa aking noo.

Bigla kong naalala ang mga nangyari kanina, may kakaibang nakakasilaw na liwanang na lumitaw sa harap ng altar. Unti-unti itong lumapit sa aming kinaroroonan at nang tingnan ko sila Ina, nakakapagtaka dahil wala naman silang napansing kakaiba. Na kay Padre Felipe pa rin ang buong atensyon nila habang nakikinig sa sermon nito. Papalapit nang papalapit ang nakakasilaw na liwanag. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata dahil sa biglaang pagsakit ng aking ulo dahilan para mawalan ako ng malay.

“Anak ko kumusta na ang iyong pakiramdam?” nakita pumasok si ina at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang noo ko at napailing.

“May sinat ka ata anak. Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin na masama pala ang iyong pakiramdam? Sana ay nagpaiwan ka na lamang dito upang magkapaghinga ka," bakas sa boses ni Ina  ang labis na pag-aalala.

“Hindi naman po masama ang pakiramdam ko kanina Ina siguro ay dala lamang ito ng matinding init dahil sa dami ng taong dumalo kanina sa misa. Ipapahinga ko na lamang po ito," pagsisinungaling ko ng sa ganoon ay hindi na siya mag-alala at ngumiti rin ako ng bahagya.

“Siya, ipapainit ko muna ang pagkain mo at papadalhan na rin kita ng gamot kay Elena. Magpahinga ka ng mabuti anak, hindi ka pa mabibisita ng iyong ama sapagkat abala siya sa mga bisita natin sa ibaba,” saad nito at lumabas na sa aking silid sumunod naman sa kanya si Elena para dalhin ang pagkain at gamot ko.

Napatulala na lang ako ng maalala ko ang panaginip ko, hindi ko mawari kung bakit ko nakita ang aking sarili sa loob ng kakaibang uri ng transportansyon. Ang alam ko ay wala pang ganoong bagay dito dahil kalesa lang ang madalas gamitin sa panahong ito at mga mayayamang pamilya lang ang nakakasakay.

Nakasuot rin ako ng kakaibang kasuotan malayo sa mga magagarbong baro’t saya na mayroon ako. Katulad ng nangyari kanina sa simbahan ay nakita ko rin doon ang nakakasilaw na liwanag hanggang sa makita ko na lang na ako’y naliligo sa sarili kong dugo... matapos ng isang napakalakas na pagbangga ng malaking bagay sa sinasakyan ko.

Napabuntong hininga na lamang ako habang inaalala ko ang kakaibang panaginip na iyon. Bakit labis akong binabagabag nito? Ano bang nangyayari sa akin?

“Magandang umaga ama, magandang umaga ina," masiglang bati ko sa mga magulang ko.

“Maayos na ba ang pakiramdam mo Isabella?” Tanong sa akin ni ama.

Siya si Don Federico Fernandez ang gobernador ng bayan ng San Isidro. Siya'y apatnapu’t tatlong gulang at isang dekada na siyang namumuno sa bayang ito. Likas na magiliw at matulungin si ama sa lahat kaya hindi maitatanggi na maraming nasisiyahan sa kanyang pamumuno.

“Opo ama,” tugon ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at nag-umpisa ng kumain.

“Ininom mo ba ang gamot na ipinadala ko sa iyo kagabi?” Tanong naman ni ina, tumango ako sa kanya bilang sagot.

El Epilogo De Nuestra Historia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon