#EEDNH25
"ISABELLA!" galit na galit na bungad sa akin ni ama ng makarating kami ni Elena sa mansyon. Nasa kanyang tabi si ina at pilit siyang pinapakalma.
Nakagat ko ang pang-ibabang kong labi at nakayukong naglakad papalapit sa kinaroroonan nila ama. Alam na siguro nila kung anong nangyari.
"TOTOO BANG MAY RELASYON KAYO NI RAFAEL AT LIHIM NA NAGKIKITA SA TALON?" tanong ni ama ng makalapit ako sa kanya.
Umaalingawngaw sa buong mansion ang nakakatakot na boses ni ama. Ni minsan hindi namin siya nakitang nagalit ng ganito.
"A-ama–" magsisimula pa lang sana akong magpaliwanang ngunit hindi ko na naituloy ng isang malakas na sampal na naman ang aking natanggap at ngayon, nagmula naman ito kay ama.
"FEDERICO!" sigaw naman ni ina.
"Nararapat lang yan sa kanya Emilia! Isang malaking kahihiyan ang dinala mo sa pamilyang ito Isabella. Ganito ka ba naming pinalaki para gawin mo ito sa amin ng iyong ina?"
Mas lalo kung diniinan ang pagkagat sa pang-ibaba ko labi ng sa ganoon ay hindi bumagsak ang mga luhang namumuo sa aking mata. Punong-puno ng pagkamuhi ang boses ni ama habang sinasambit niya ang mga katagang iyon.
Dahan-dahan akong lumuhod sa harapan ni ama at hinahawakan ang kanyang kamay.
"Ama alam kong napakalaking kasalanan ang aking nagawa ngunit mahal na mahal ko po si Rafael. Siya ang nais kong pakasalanan ama," pagsusumamo ko.
Malakas na iwinaksi ni ama ang kanyang kamay dahilan upang mitumba ako. Lalapitan na sana ako ni ina upang tulungan ngunit tinitigan siya ng masama ni ama kung kaya't hindi niya naituloy ang kanyang gagawin at napayuko na lang din.
"Pagkatapos ano Isabella? Magiging tampulan ng tukso ang pamilya natin? Isang malaking kahihiyan ang ginagawa ninyo! Paano kung malaman ito ng lahat ha? Hinding-hinding ko matatanggap ang lalaking 'yan sa pamilya natin Isabella! Si Mateo ang papakasalanan mo sa ayaw at sa gusto mo!" madiing wika ni ama.
Para akong dahan-dahang sinsaksak sa mga salitang binibitawan ni ama. Bakit hindi kami maaring maging masaya ni Rafael? Bakit?
Tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Nag-angat ako ng tingin at huminga ng malalim bago ibinalik ang tuon kay ama.
"A-ama nakikiusap po ako sa inyo. Buong buhay ko sinunod ko lahat ng gusto ninyo. Naging mabait at masunurin akong anak. Ngayon lang ama... ngayon lang ako humihiling sa inyo na sana'y pagbigyan ninyo akong sumaya."
"Pagbibigyan kita Isabella. Alam mong gagawin ko ang lahat para sa inyo ngunit hindi ito. Hindi ito. Magpapakasal ka kay Mateo sa lalong madaling panahon! At wala ka ng magagawa kung 'di sumunod sa utos ko!" may diing sambit ni ama bago niya kami iniwan.
Mas lalong lumakas ang aking paghikbi at nakikiusap ang mga mata ko habang nakatingin kay ina. Ngunit bigo ako dahil umiiling itong lumapit sa akin at inalalayan akong tumayo.
"Alam mo kung gaano ka namin kamahal ng iyong ama Isabella ngunit mali ito anak. Maling-maling ito." Bakas sa mga mata ni ina ang matinding pagkadismaya.
Bakit hindi ninyo ako maintindihan? Bakit ina?
"Gusto kong sumaya ka anak pero hindi sa ganitong paraan kung saan napakaraming tao ang natatapakan dahil sa pag-iibigan ninyong dalawa. Malaki ka na anak at alam kong lam mo kung ano ang tama at nararapat para sa lahat," mahinahong paliwanag sa akin ni ama bago niya ako iniwan.
Tuluyan nang nanghina ang mga tuhod ko at pabagsak na naupo sa sahig. Isinubsob ko ang aking mukha sa pagitan ng aking tuhod. Hindi ko mapigilang lumuha nang lumuha. Tila may malaking bato na nakaharang sa aking lalamunan dahilan upang hindi ako makahinga ng maayos.
BINABASA MO ANG
El Epilogo De Nuestra Historia (COMPLETED)
Historical FictionAn accident that will bring her back to her past life. Credits to Bb Mariya for the cover ✨ Started: May 12, 2020 Ended: November 28, 2020 Highest Rank: #1- 1861 #1- Classic #1- Hisfic #1- Philippine History #1- Spanish Era #1- 19th Century #1- Rafa...